*Hazel's POV*
Pinapause ko ang CCTV video dahil sa may napansin ako sa lalaking tumulong sa akin.
Tinignan ko si Markus dahil sa video at tinignan niya rin ako.
"Masyadong madilim ang lugar," saad ng lalaki sa barangay hall.
"Hindi kita ang mukha ng lalaki," tugon ko kay Markus habang tinititigan ang sinusubukang makilala ang mukha ng lalaki sa screen.
"Tapos nakahood pa ito kaya hindi maklaro ang mukha," sagot namn ni Markus.
Pagkatapos naming mapanood ang CCTV video ay nagpasalamat kami sa lalaki sa barangay hall.
"Sir, thank you po," tugon ni Markus sa lalaki sabay itong kinamayan
Umalis kami at sumakay sa kanyang motor. Habang nakasakay sa motor ay nag-uusap kaming dalawa ni Markus.
"Wala na talagang pag-asa na makilala ko at makapagpasalamat dun sa lalaking tumulong sa akin. Itong kwintas nalang ang huling paraan para makilala ko siya," tugon ko kay Markus na may panghihinayang.
"Wag kang mag-alala, tutulungan pa rin naman kita na mahanap ang lalaking yun," sabi niya habang sinusulyapan ako sa likod na nakangiti.
Ilang minuto pa ay dumaan kami sa drive thru ng Jollibee, nagtake out ng isang bucket na chickenjoy, fries at cheeseburger at pumunta sa isang tindahan na may nagtitinda ng kumot at bumili ng isa at bumyahe na paalis. Ilang minuto pa ang nakalipas ay napansin kong iba na ang daang dinadaanan namin kaya tinanong ko siya kung bakit.
"Markus, bakit parang ibang daan 'to?" hindi ito umimik pagkatapos kong tanungin, pero kitang-kita ko sa side-mirror na nakangiti ito. Hindi ako natakot sa kung ano man ang balak niyang puntahan o kung ano man gagawin niya dahil una palang ay alam ko namang mabait si Markus.
Medyo madilim na at malayo-layo na rin ang aming binyahe at nakarating kami sa isang mataas na lugar kung saan kita ang mga bahay at mga ilaw nito. Huminto kami sa isang lugar at tinignan ang mga mistulang bituin na galing sa mga ilaw ng mga bahay. Sobra akong naaamaze sa nakikita ko. Sobra ang saya na aking nararamdaman.
"Okay lang ba na dito muna tayo, Hazel?" sabi ni Markus habang ini-enjoy ang magandang tanawin.
"Okay na okay, Markus." sagot ko sa kanya habang nakatingin napakagandang tanawin.
Kinuha niya ang pagkaing binili namin at yung kumot at inilapag sa damuhan.
"Thank you pala kanina sa pagsama sa akin doon sa barangay ha." habang nakatingin ako kay Markus na nakangiti.
Ngumisi lang ito habang nakangiti at nakatingin sa akin. Umusog ito ng kaunti palapit sa akin.
"Thank you rin," sinabi niya ito ng pabulong sa akin at nakangiti.
"Thank you for what?" tanong ko sa kanya na nagtataka kung para saan ang thank you na yun.
"Ahmm... Thank you for... for taking care of me nung madisgrasya ako," sagot nito na parang nag-aalangan sa pagsasalita.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.
"Hazel?" pasimpleng tanong ni Markus.
"Oh, bakit?" sagot ko habang nakatingin sa tanawin.
"Ahhmmm..." sagot niya na parang nahihiya sa kanyang sasabihin.
Biglang hinubad ang jacket na suot niya at sinuot sa likuran ko.
"Baka nilalamig ka na at nilalamok hehe," habang sinusuot sa akin at jacket
"Thank you. Hehe" tugon ko ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romance"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel