*Hazel's POV"
6:32 na ng gabi nung makarating ako sa ospital. Dumiretso agad ako sa emergency room para hanapin si Markus. Pero hindi ako pinapasok ng isang nurse sa emergency room. Tinanong ko kung may Markus Rivera sa loob, at kinompirma nga ito ng nurse. Naghintay muna ako sa labas, pero hindi ako mapakali kung ano ang nangyari kay Markus, kung kamusta na ba ito, kung grabe ba ang mga sugat niya. Habang naghihintay ako sa waiting room, biglang tumawag si Kristoff pero hindi ko ito sinagot. Ilang minuto pa ang nakalipas ay may lumabas na doktor at hinahanap ang kasama ni Markus. Agad akong lumapit at sinabing ako ang kasama niya.
"Dok, ako po yung kaibigan ni Markus. Kamusta na po siya?" tanong ko sa Doktor na halatang may takot sa pwedeg maging sagot ng doktor.
"Hindi naman delikado ang lagay ni Markus, puro gasgas lang ang natamo niya kaya nalinisan namin agad." sagot ng Doktor na nagpagaan sa pakiramdam ko.
"Pwede naman na siyang maiuwi ngayon din." pahabol ng Doktor na mas lalong nagpawala ng takot ko.
"Thank you, Dok." saad ko habang nakangiti kay dok.
Lumabas na ng kwarto si Markus na nakawheelchair. Agad ko siyang nilapitan at tinanong kung okay lang siya.
"Sorry, Hazel. Di natuloy ang treat ko ha. Nabangga kasi kanina ang motor ko. Pero mabuti nalang at gasgas lang ang nakuha ko haha." sabay tawa ni Markus na parang walang nangyari.
"Mas inuna mo pa talagang isipin yun ah? Hahaha" sagot ko sa kanya na natatawa sa mga sinabi niya.
"Pwede ba humingi ng favor, Hazel?" tanong ni Markus na biglang may serysosong mukha.
"Oo naman. Ano ba yun?" sagot ko kay Markus habang nakangiti.
"Hindi ko pa kasi kayang umuwi, medyo mahapdi pa ang mga sugat ko. Pwede mo ba akong tulungan pauwi?" tanong niya na may matang parang nagmamakaawa.
Agad naman akong umuo. Tinulungan ko sya palabas ng ospital. Dumiretso kami sa kanilang bahay pagkasakay namin sa taxi. Pagbukas ko ng pinto medyo madilim sa loob tinanong ko siya kung saan ang switch ng ilaw. Pinailawan ko ang loob ng bahay. Halatang walang katao-tao sa loob ng bahay dahil wala manlang ilaw at walang ingay mula sa loob. Tinanong ko sya kung nasaan ang kanyang kwarto, at inalalayan ko siya papunta sa loob. Biglang may tumawag sa cellphone ko habang inalalayan ko si Markus. Pinaupo ko muna siya sa kanyang kama para sagutin ang tawag.
"Hazel, anak. Asan ka na? Gabi na, ba't 'di ka pa nauwi?" rinig na rinig na si papa ang tumatawag na parang nag-aalala.
"Ah pa, andito pa ako sa bahay ng kaibigan ko, nadisgrasya siya kanina sa motor kaya inalalayan ko pauwi." sagot ko sa kanya para mawala ang pag-aalala niya.
"Bakit ano bang nangyari sa kaibigan mo? Okay lang ba siya?" pag-aalala ni papa.
"Okay naman po, pero hindi niya pa kaya, kaya tinulungan ko siyang umuwi." Mahinhin kong sagot.
"Okay sige. Mag-iingat kayong dalawa ha. Magtext ka kung pauwi ka na."
Tinanong ko siya kung bakit nag-iisa lang siya dito sa kanyang bahay. Kung nasaan ang kanyang pamilya ngunit 'di siya sumagot.
"Anong gusto mong ulam para makapaghanda ako?" tanong ko sa kanya.
"Meron na sa loob sa ref, pakiinit nalang. Hazel, pasensya ka na ha, baka na istorbo pa kita," Saad niyang parang nahihiya.
"Walang problema yun sa akin Markus, pathank you ko na rin ito sayo dahil sa pagsauli mo ng ID ko," saad ko sa kanya habang nakangiti.
Pumunta muna ako sa labas ng kwarto para maghanda ng pagkain niya. Meron ng lutong pagkain sa ref kaya ang ginawa ko iniit ko nalang ito at nagsaing ng kanin. Pagkatapos initin ang ulam ay inihanda ko na ito sa mesa.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romance"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel