Chapter VIII: It's A Yes!

233 22 2
                                    

"Good morning, Hazel!" bumungad sa aking mukha na kagigising lang ang pagbati ni Markus pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, tumakbo ako sa banyo dahil sa hindi pa ako nakamumog at alam kong mabaho pa ang hininga ko dahil kagigising ko lang. Haha, lahat naman talaga tayo mabaho ang hininga kapag kagigising lang. Depende nalang kung toothpaste kinain mo kagabi. Hahaha.

Nakakapanibago kay Markus ang suot niyang damit dahil suot na nito ang uniporme ng unibersidad namin.

"Markus! Masyado ka namang maaga sa pagsundo hahaha! Tignan mo oh, kagigising ko lang," sabi ko sa kanya habang nakangiti na kumukusot pa ng mata ko.

"Dapat ngayon palang dapat masanay ka nang magising ng maaga dahil maaga kitang susunduin palagi, dahil alam kong late ka palaging pumapasok eh," sagot niya sabay kati sa kanyang ulo kaya naman napasimangot ako sa kanya na kunwari disappointed. Hahaha.

"Oh, Markus. Tara mag-almusal na muna tayo, sabayan mo kami," pag-anyaya sa kanya ni mama. Wow ha, close na close na talaga si Markus sa kanila. Haha, isang araw palang nila nakikilala 'yan.

"Oo nga, Markus. Tara sabayan mo na kami. Medyo masakit pa ulo ko dala ng ininom natin kagabi. Bakit parang wala kang hangover?

Nagkatinginan at nagtawanan lang kaming dalawa ni Markus dahil alam namin kung bakit walang hangover si Markus.

"Tamang-tama nagluto si Tita mo ng tinola pampatanggal ng hangover,"

Wow, mas inuna pa talaga nilang niyaya si Markus kesa sa akin ha. Kung pwede lang sanang sabihin na Ma, Pa, ako 'to oh, si Hazel yung anak niyo na gutom na gutom na. Hahaha.

"Sige po, tito't tita. Thank you po," sagot naman ni Markus sabay upo sa hapag.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong naligo. Hinintay naman ako ng mokong na yun hanggang sa matapos ako. Nagpaalam na kami at dumiretso sa school. Pagdating namin sa gate ay nakita ko ang mga barkada ko at kasama pa si Kristoff.

Ang mga mukha nito ay parang nabigla sa kanilang nakita na nakasakay ako kay Markus.

"Hi, Hazel," pagsalubong sa akin ni Andrea saba'y lapit para may ibulong.

"Ikaw ha, bakit hindi mo sinasabi sa akin na may boyfriend ka na pala?" pabulong nitong tanong sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.

"Ano ka ba," bulong ko kay Andrea na nahihiya baka marinig ng ibang barkada ko.

"Guys, si Markus nga pala. Nanliligaw sa akin," pinakilala ko si Markus sa kanilang lahat at kumaway naman si Markus sa barkada ko.

Nabigla ang lahat sa sinabi ko, lalong lalo na si Kristoff.

"Markus, si Andrea pala yung bestfriend ko. Si Kristine, si Joseph at si.... si Kristoff mga kaibigan ko." nauutal akong sabihin ang pangalan ni Kristoff dahil sa kilala na ito ni Markus.

Lahat kinamayan ng nakangiti ni Markus ang mga kaibigan ko, at huli nitong kinamayan si Kristoff ng nakatingin sa mata.

"Oh, ba't 'di pa kayo pumapasok? Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila at para putulin ang parang nagsisimulang tensyon kina Markus at Kristoff.

"Doon sa tambayan natin, matagal-tagal ka na rin kasi naming hindi nakakasama. Tara?" inanyayahan nila akong tumambay sa aming tambayan.

"Andrea, sorry may quiz kasi ako mamaya eh," pagsisinungaling ko sa kanila.

"Okay sige," sagot ni Andrea sabay kamot sa kanyang ulo.

"Oo nga pala, Hazel. Inaasahan ka ni mama mamayang gabi sa bahay ha. Tayong lahat actually hehe," singit naman na sabi Kristine.

Love Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon