*Third Person's POV*
Naunang nagising si Hazel kesa sa isinet nyang alarm. Bumangon ito at dumiretso sa CR para maghilamos. Agad siyang naghanda ng almusal at kumain. Nagising si Dandy at nakita siyang nagliligpit ng pinagkainan si Hazel.
"Magandang umaga, Pa. Tulog pa po si mama? Kain na po kayo" tugon ni Hazel sa kanyang Papa habang nagliligpit ng kanyang pinagkainan.
"Magandang umaga rin, Anak. Oo, tulog pa mama mo. Sabay nalang kami mamaya kapag gising na siya," sagot ni Dandy habang kinukusot-kusot pa nito ang kayang mga mata na kagigising lang.
"Papasok ka na ba?" pahabol ni Dandy habang naglalakad papuntag kusia para maghilamos.
"Opo, Pa. Sige po alis na po ako baka malate po ako," paalam ni Hazel na nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Sige. Mag-iingat ka papuntang eskwelahan," sabi ni Dandy habang naghihilamos
"Opo, Pa," sagot ni Hazel.
Lumabas na si Hazel ng bahay papunta sa terminal ng jeep. Nakasalubong niya ang apat na magbabarkada na nagsusungit sa kanya pero hindi siya pinapansin ng mga ito.
Sumakay ng jeep si Hazel sa unahan nito. Napansin niyang nakasakay rin si Markus dito. Agad niyang tinawag ito.
"Hi, Markus!" pagbati ni Hazel na inaayos ang kanyang bag.
"Uy! Hazel, ikaw pala 'yan. Papasok ka ba ng school?" tanong ni Markus habang hawak-hawak ang mga cellphone na parang naghihintay ng text.
"Ah oo, ikaw ba? Saan ang motor mo, ba't nagjeep ka lang?" tanong ni Hazel na parang nagtataka bakit nakasakay sa jeep si Markus.
"Oo, papasok na rin ako sa school. Nasiraa ako kanina habang papunta sa school kaya iniwa ko muna sa paayusan ng mga sasakyan" sagot ni Markus habang nakangiti nitong tingin kay Hazel.
"Game ka pa rin ba mamaya?" nakangising tanong ni Markus kay Hazel.
"After class. Same spot. Hehe." sagot ni Hazel na tila magbublush ang mga pisngi nito.
Maya-maya pa ay dumating na si Hazel sa university. Bumaba na ito at nagpaalam na kay Markus.
*Hazel's POV*
Sh*t! Dapat pala hindi na ako umuo kay Kristoff. Kakain pala kami ni Markus. Pero may part sa sarili ko na gusto kong mag-usap kami ni Kristoff. Gusto kong mapag-usapan namin ang dahilan bakit kami naghiwalay. Hindi ko pa siya napagbibigyan ng pagkakataon na makapag explain sa kanyang ginawa. Ugghh!
Dumiretso na ako kaagad sa school para pumasok. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Kristoff na may dalang bouquet ng flowers habang nakatitig sa akin.
*Flashback*
"Oo! Tayo na!" sigaw ko nang sinagot ko si Kristoff. Sino ba naman ang hindi mapapaoo sa ginawa niya. Kinuntsaba niya ang mga kaibigan namin habang hawak-hawak ang karatulang 'Will you be my girlfriend?' sa park kung saang napakaraming tao. Parang ako ang pinakamaganda sa buong mundo sa mga oras na yun. Sabay halik sa akin ni Kristoff sa noo. Lolang-lola ako dahil sa mga halik na 'yun ah! Hahaha.
*End of Flashback*
Lumapit sa akin si Kristoff at ibinigay sa akin ang mga bulaklak. Hindi ko maitatanggi na kinilig ako sa kanyang ginawa. Tinanggap ko naman ito.
"Thank you for this." at dumiretso na ako papasok ng classroom na may pasimpleng mga ngiti pagkalagpas ko sa kanya.
Habang nasa klase ay biglang nagchat si Kristoff.
"Hintayin kita mamaya sa labas after school."
Hindi ko na ito nireply-an.
Hindi ako makafocus sa klase kasi hindi ko alam kung saan ako sasama mamaya. Naguguluhan ako kung kay Markus o kay Kristoff ako pupunta.
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romance"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel