DECEMBER 31, 2020
Masungit kong in-off ang alarm ko dahil sa medyo masakit ang ulo ko dahil na rin siguro sa late na akong natulog kagabi. Nahirapan na akong makabalik sa tulog ko dahil na rin sa nagising na ako.
"Anak! Gumising ka na diyan, may ticket na pinabibigay dito, pero hindi ko alam kung kanino galing." pasigaw na sabi ni mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong busy si mama sa pagluluto ng sinangag.
"ay anak, sandali nalang ito, maluluto na 'to." nakangiting tugon ni mama na parang nagmamadali sa pagluluto.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang spatula na gamit niya sa pagluto.
"Ma, ako na po diyan." tugon ko kay mama.
"Sige, anak. Para maayos ko ang mesa."
Pagkatapos maluto ng sinangag ay inihanda ko na ito sa mesa.
Tinawag ako ni mama sa mesa para kumain.
"Anak maupo ka na."
"Oo nga pala anak. May nagpapabigay nitong ticket kanina sa akin." habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.
Kinuha ko ang ticket kung para saan at binasa.
"OMG! Umaga Live! The Juans with Janine Teñoso!" nabigla ako sa nabasa ko, pero nagtataka ako kung kanino galing ang ticket na yun.
"Ma, kanino po ba galing itong ticket na 'to?" na may pananabik na mukha.
"Hindi ko din alam, anak eh. May nagpapabigay lang kanina sa akin, at sinuyo na ibigay ko sayo." sagot sa akin ni mama habang sumusubo ng pagkain.
"OMG, Ma! Matagal ko na 'tong pangarap na makapanood sa kanila na magperform ng live."
Hays, matagal na 'tong pinangako sa akin ni Markus na makapanood kaming pareho ng The Juans ng live. Pero anyways, magmomove on na ako. Dapat new year, new life na.
"Ma, pwede ba akong manood? Hehe. Walang alak promise. Matagal ko na kasing pangarap na mapanood sila ng live eh. Please. Hehe."
pagpapaalam ko kay mama na parang tutang nagmamakaawang payagan.
"Anak, sa tingin mo ibibigay ko sayo itong ticket kung hindi kita papayagan? Okay ka lang anak? Hahaha." sabay tawa si mama.
"Ay oo nga ano, Ma? Haha." sabay kaming nagtawanang dalawa.
"Kaso iisang ticket lang 'to eh, wala akong kasamang manood." tugon ko kay mama habang kawak hawak ko ang ticket.
"I-enjoy mo na yan anak. Okay lang yan. Hehe. Basta siguraduhin mo lang anak na bago magbagong taon dapat nakauwi ka na ha? " sabi ni mama.
"Sure po. Hehe." nakangiti kong tugon sa kanya.
---------------------------------------------------------
Kinagabihan, nakahanda na ako papunta sa venue kung saan magtutugtog ang The Juans.
"Ma, Pa, alis na po ako." pagpapaalam ko kay mama at papa habang busy sila sa pagluluto para sa pagsalubong ng bagong taon.
"Mag-iingat ka anak ah." Sagot ni mama habang nagpupunas ng pinggan.
"Anak, bago mag 12 ha, dapat an dito ka na." tugon ni papa habang patuloy sa pagluluto ng menudo.
"Sige po. Alis na po ako." sinara ko ang pinto sa paglabas ko ay nagulat ako kasi dumaan ang magbabarkada na sina Verjie, Vin, Amelet at Cy. Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Verjie.
"Happy New Year, Hazel." habang nakangiti itong sinabi sa akin.
Sabay kong nginitian ang tatlo.
"Happy new year din sa inyong apat. Hehe."
BINABASA MO ANG
Love Against Time
Romance"Masakit magpaalam sa taong ayaw mong umalis, pero mas masakit sabihin sa tao na magstay pero gusto nang umalis." - Hazel