02
"I can't believe you did that!"
Manghang mangha si Andy matapos kong ikwento ang engkwentro pagitan saamin ni White Alleyo. Halos naghuhurumentado itong nakatingin sakin at nanglalaki pa ang mga mata.
That bastard!
Matapos noong ginawa ko ay iniwan ko siya doon sa gitna ng hall. Nagsimula naman agad ang opening ceremony kaya ay hindi na nakapag tanong pa si Tyler. Buong event iwas ako sa kanya.
Hindi ko akalain na ganoon pala ang ugali ng lalaking iyon!
"What's wrong with that? Ininsulto niya ang pagkatao ko!" I defended myself.
Totoo naman! Siya ang nauna! I was being nice to him, tapos ganon na lamang ang sasabihin niya sa akin?
How rude!
Suminghap si Andy habang nakatingin saakin. Napasandal ito sa inuupuang sofa sa aking office at napa krus ang paa.
Nandito na ako ngayon sa aking office. As the heir of this company, I was made to be the leader of the Architechture panel, which is my track. I've taken Architechture course back in college.
Which i do not want before, but now, i love it!
"Well, wala namang mali to defend yourself, pero he is White Alleyo! The one and only White Cristopher Alleyo!" Andy said while holding her tablet showing me Mr. Alleyo's profile.
Andy is my secretary. She's also my best friend. Anak siya ng driver namin sa bahay kaya I've decided na siya na lang ang gawing secretary.
Come on, ano ba ang meron sa White Alleyo na iyon at sambang samba siya ng mga tao? If they only knew how rude he is, malamang ay bagsak na siya sa mga standards ng babaeng nahuhumaling sa kanya!
"Uh, I don't care? Ano naman ngayon if he's 'the one and only' White Alleyo?" I said, quoting the 'one and only' thing.
"You don't get my point here, Ollie! He's probably on top of the food chain now! Kaya ka niyang tanggalan ng network 'cause your using their sim! Isa pa, sobrang yaman ng mga ito! Hindi lang telecom ang business nila." Pahisteryang sabi ni Andy na ngayon ay nakatayo na
Alam ko naman iyon! Ano bang pinupunto dito ni Andy?
"I really don't get your point here." I rolled my eyes.
Humarap na lamang ako sa aking computer at patuloy iniscan ang mga design na ipinasa ng mga architect namin.
"My point is, mali ang strategy mo! You should've flirt harder!" Napanganga ako sa kanyang sinabi.
What? Akala ko ay nagalit ito dahil sa inagrabyado ko ang isang White Alleyo? Napatawa naman ako sa kanya.
Hinarap ko siya at tinaliman ng titig. Kahit kailan ay hinding hindi ko na uulitin iyon! At pinagsisisihan ko na ako pa mismo ang nag insist na ipakilala ako sa kanya.
"I don't like him." Matabang kong sabi habang nakatingin saaking computer.
I really don't! In fact, i really, really hate him!
Nagulat ako noong ipatong ni Andy ang dalawang kamay saaking desk ng padabog at sumigaw.
"What? Anong you don't like him?! He's hot as fuck kaya!" Takang tanong nito at pahisterya akong tinignan habang humihingal pa.
Napatakip naman ako ng tenga sa lakas ng boses niya.
"You are so lucky nga at nakasayaw mo si White! Sobrang dami kayang nangangarap na magawa 'yon! Bakit ayaw mo pa sa kanya?" Napangiti nito saakin ng mapanuya.
BINABASA MO ANG
Good game, White
RomanceAlleyo series #1 Ollienessa Jimenez, a bratty woman, have met White Cristopher Alleyo in a party. Something unfortunate happenez that Ollienessa got engaged. She then, think of something that she know that is crazy, but it will save her ass. She'll...