17
Nagtuloy lamang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang naiwan ko. Dane is really testing my patience. Dapat lang sa kaniya iyon, she's too nosy.
"Ollienessa!" May diin na tawag sa akin ni White. Nakasunod ito ngayon sa akin. Pagkaharap na pagkaharap ko ay bigla na lamang niya akong hinila papunta sa kaniyang kotse at pinasakay doon.
"W-White.." takang pinakatitigan ko siya.
"What the hell was that?!" Galit na sigaw nito
"She started it! ako lamang ang tumapos." i reasoned out. kita ko naman ang pagtangis ng kaniyang panga. He's really angry
Ilang minuto din na natahimik ang buong kotse. tanging paghinga ko lamang at mabibigat na paghinga ni White ang maririnig.
"Itigil na natin 'to." He said while still looking at the steering wheel. napakurap naman ako sa kaniyang sinabi.
itigil? itong lahat nang ito?
"What do you mean, White?" Kabadong tanong ko.
"Masiyadong makitid ang utak ko para pumayag sa kasunduan mo. This is insane, Ollie! I can't betray mh parents.." pagpapaliwanag nito sa akin. kaagad akong napabuga ng malakas na hangin sa kaniya.
Insane?
"Akala ko ba ay ayaw mo na makasal kay Dane?" Sarkastiko akong ngmiti sa kaniya. He's messing with me!
Nakita ko ang pag buntong-hininga niya. He looked ag me with his sad eyes and answered, "Maybe I could learn how to love her."
I felt a hollow hole in my stomach. I didn't expect that. Napatikom naman ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Maya maya pa ay napatingin na ako sa kaniya at nagsalita.
"There's no backing out, White. Next week na ang engagement party namin ni Giovanni!" I hysterically said.
I heard him scoffed. "Could you just accept the fact that you are in a fix marriage with Giovanni? Wala ka nang magagawa doon!" He shouted.
"May magagawa ako kung tutulungan mo ako! I can't marry someone I don't love!" I replied
"Then, learn how to love him!"
Kaagad ko sa kaniyang hinampas ang aking bag dahil sa frustration na aking nadarama. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak dahil sa kaniya.
"Damn you, Alleyo! Why are you like this?" Naiiyak na saad ko. siya naman ay hinahayaan lamang ako sa pagpalo sa kaniyang katawan.
"You're making things hard for me!" Hagulhol ko sa kaniya. Pinigilan niya ang aking kamay sa pag hampas ag tinignan ako sa mata.
"You're making things hard for yourself, Ollie."
Galit na kunalas ako sa kaniya at Lumabas sa kaniyang kotse. Habang umiiyak ay tinungo ko na ang aking kotse na nakaparada sa hindi kalayuan. I cried inside my car.
"Damn!" malakas na sigaw ko sa loob ng aking kotse. Pinaglaruan niya lang ba ako? He's the one who asked me to be his girlfriend! Tapos ngayon na pumapayag na ako ay ihihinto niya ang plano?
Paano na ako? Paano na kung matuloy ang kasal?
Umiiyak na nagmaneho ako pauwi sa aking Condo. Nang makarating ay kaagad akong umakyat at hindi na pinansin ang mga taong nakatingin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aking Condo ay namataan ko si Andy na nasa aking sala at kumakain ng popcorn.
"Woah! nakagat ka ba ng ipis?" Puna niya sa aking mga mata. kinunot niya ang kaniyang noo at nagsalita, "Did you cry?"
Hindi ko na lamang siya pinansin at naupo sa kaniyang tabi. I can't tell her my problem. Walang ibang nakakaalam n'on. Isa pa, I know that she will scold me.
"Anong nangyari sa dinner kasama ang mga Alleyo? Bat mugto 'yang mata mo?" Lumapit ito sa akin at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.
"The dinner is great." Pinipilit kong mapasaya ang aking boses.
"Bakit mugto ang mata mo?" Tanong niya sa akin.
"It's nothing. Matutulog na ako, Andy. Mtulog ka na rin."
Hanggang sa pagtulog ay bumabagabag sa isipan ko ang katagang kaniyang sinabi.
"Maybe I could learn how to love her."
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Why would he ask me to be his girl, anyway? Ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang aking iniisip.
An idea crossed my mind. If I want to stop the weddding, I have to be really selfish.
I feel so stupid.
Pero ito lang ang tanging paraan para matigil ko ang kasal na iyon.
I'm selfish, but it's a good thing.
NOTE: sorry for the short update. promise, babawi ako sa mga susunod na chaps.

BINABASA MO ANG
Good game, White
RomanceAlleyo series #1 Ollienessa Jimenez, a bratty woman, have met White Cristopher Alleyo in a party. Something unfortunate happenez that Ollienessa got engaged. She then, think of something that she know that is crazy, but it will save her ass. She'll...