Kabanata 7

95 68 2
                                    

07

Lutang na lutang ang isipan ko habang nakatingin sa draft design ng isang architect namin para sa proposal project ng aming department sa kompanya.

Halos walang ideya ang pumapasok sa isip ko. I cannot think clearly, i'm too preoccupied.

Ni hindi ko na magawang punain pa ang mga kamalian sa design niya dahil sa labis na paglipad ng aking isipan.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nararamdaman ko ngayon.

It has been three days since that night, at hindi pa rin bumabalik sa katinuan ang pag iisip ko.

Ilang gabi ko nang iniisip ang mga sinabi sa akin ni White. Kasama din noon ang pag isip ko sa plano ng aking mga magulang na ipagkasundo ako kay Giovanni Romero.

Idagdag mo pa ang dahilan kung bakit galit si Papa sa akin. Papa is fumming mad at me. Hindi niya ginusto ang ginawa ko noon sa meeting kasama ang ma Romero.

Nagalit siya dahil sa biglaan kong pag alis sa meeting na iyon. Kahit si Mama ay nagalit din sa akin ngunit pinalagpas niya maman kahit papaano.

Luckily, the Mr. Agnius Romero is understanding enough para hindi magalit. But papa is still pursuing that thought at gusto kaming iset sa isang date ni Giovanni.

Si Giovanni naman ay sigurado akong hindi galit dahil nakausap ko pa nga ito sa engagement party ni White.

Marahan akong yumukod sa aking lamesa at pumikit ng mariin. Hindi ko na alam kung ano ang iintindihin!

Biglang tumunog ang intercom ko at lumabas ang boses doon ni Andy.

"Ollie, your Dad is here."

Napabuntong hininga na lamang ulit ako at inayos ang pagkakaupo. I know why he is here. Sasabihan na naman ako nito about sa mga Romero.

Sa loob ng tatlong araw ay pabalik balik ito sa aking opisina para lamang sabihan ako na pumayag na sa kaniyang kagustuhan.

And in those days, hindi ako pumayag sa mga kagustuhan ni papa. We always end up shouting at each other.

Ilang saglit pa ay biglang bumukas na ang aking pinto at iniluwa noon si Papa na naglalakad kasama ang baston niya.

He looked at me, sternly.

Kita ko kung paano ito maglakad. He is full of authority kaya lahat ng empleyado ay takot na takot sa kanya.

"I hope that you have changed your mind, Ollie?"

Agad itong nagpunta sa harapan ng lamesa ko at tinignan ako ng matalim. I sighed and looked at him pleadingly.

Ilang araw na at ganito pa rin ang pinipilit niya sa akin!

"No, pa. Please, give me some time?" Halos mag makaawa na akong dito na lubayan muna niya ako ngunit nanatili itong nakatayo sa aking harapan.

Kahit bigyan mo ako ng mahabang oras ay hindi pa rin ako papayag sa kasal!

"I have given you enough time!" Pagalit nitong wika sa akin.

You have not given me enough time! Sa loob ng tatlong araw ay pabalik balik ka dito para guluhin ako!

I wanted to shout thosw words pero ay itinikom ko na lamang ang aking bibig.

I know that we'd end up shouting at each other again.

"Why are you like this?" Hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya.

Marriagge is not that easy! Hindi lamang ito isang bagay na kapag gusto mo ay gagawin mo! Why can't he get that?!

I'm so sure na pinakasalan naman niya si Mama dahil mahal niya ito! Bakit ganoon na lamang nila kagusto na ipakasal ako kay Giovanni?

Good game, White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon