Kabanata 9

79 62 5
                                    

09

Sobrang tahimik ng sasakyan. Tinatahak na namin ang daan pabalik ng Manila.

It's a long and quiet ride.

White is so quiet, ang tanging ingay lang na nagagawa niya ay ang pagbusina kung aabutan man kami ng traffic.

He didn't open the stereo. Mas lalo tuloy iyong nakadagdag sa pagiging awkward ng atmosphere.

Kung sana lang ay nadala ko ang phone ko ay mayroon akong pagkaka abalahan.

I can almost hear my heart pounding. Sa sobrang tahimik ay maging pag hinga ni White ay naririnig ko.

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya.

"Thank you," I said as i face him.

He was still busy with the road. Kita ko ang marahang pagbaling niya sa akin at saka pag balik noon sa daan.

"For what?" He shot his eyebrows up. Patuloy lamang ito sa pagmamaneho.

Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. Hearing his voice sent shivers down my spine. Para itong kulog na rumagasa sa aking tenga.

"F-for this." Nanghihina ang boses ko. Being with him makes me feel so weak.

Agad kong iniiwas ang aking tingin at lumingon sa bintana. Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang pag lingon niya sa akin.

Hindi na siya sumagot pang muli at nanaig na naman ang katahimikan. Kagat labi kong tinitignan ang bawat nakakasabayang kotse na umaandar. White continued driving.

Wala sa sariling nilalaro ko na ang aking mga daliri. I'm tensed. Funny how i feel brave noong plinano kong akitin siya noong engagement party niya.

And here i am, not feeling any single braveness.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ngayon ay hindi ako makaramdam ng kahit kakaunting tapang.

I chuckled mentally.

Parang noong nakaraan lang ay gustong gusto ko siyang gantihan. Bakit ngayon ay naiilang ako sa kanya?

Mas pinili ko na lamang na ipikit ang aking mata. Hindi na namamalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa aking mukha. Nakasandal na pala ako sa bintana ng kotse at nakatulog.

Sakto din ang pag gising ko dahil malapit na kaming makarating sa Condo ko. Traffic nga lang ngayon.

Tumikhim ako ng marahan at bumaling sa kanya. He seemed too focused on the road. Seryoso ang kanyang mukha na animo'y may kalaban sa daan.

"M-my condo is the Wilsons tower."banggit ko sa pangalan ng Condo ko.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kita ko naman ang pag tango niya ng bahagya.

I'm not used to this.

Noong mga huling pagkikita namin ay hindi naman siya ganito kaseryoso at tahimik.

"Kamusta naman pala kayo ni Dane?" I asked, hesitantly.

Para mabawasan naman kahit papaano ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa.

I saw how his eyebrows furrowed and how his jaw clenched.

"Fine," tanging nasagot niya sa akin.

Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya at liningon ang bintana.

"That's great!" Peke akong tumawa sa kanya.

I saw how his muscle tensed. Lalo tuloy akong napaiwas ng tingin.

Good game, White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon