Kabanata 13

50 38 1
                                    

13

"Ollie,"

Someone is patting my cheeks. Napakunot ang aking noo at napaiwas sa ginagawang pag tama sa aking pisngi. I groaned.

"Ollie, wake up." Baritonong boses ni White ang agad na nagpabalik sa aking diwa. He was now leaning forward papunta sa akin.

My eyes widened when i saw how close our faces are. Halos isang daliri na lamang ang layo namin sa isa't isa. Kaagad akong napaayos ng upo at ganoon din siya.

I faked a cough.

"A-are we here?" Pabiling biling ang aking tingin.

"Oo, nandito na tayo." Nauna siyang lumabas sa kotse kaya ay sumunod na lamang ako sa kaniya.

Maaliwalas na ngayon. Malamig pa rin ang simoy ng hangin at medyo malakas. Sana ay tuloy tuloy na ang ganitong panahon at hindi na umulan pa mamaya.

We stopped in front of a small shop. Maraming mga gawang upuan na nabarnis-an ang nasa labas ng shop. Second floor ang gusali na ito at sa taas ay mukhang bahay ng may-ari.

Agad na sumalubong sa aking tingin ang isang lalaking nagbabarnis ng isang upuang kahoy. Napatayo ito kaagad at tumigil sa ginagawa noong makita kami. Kaagad niya kaming hinarap ni White.

"Ano 'ho ang kailangan nila?" Tanong nito sa amin. Lumapit agad sa amin ang lalaki.

"Good afternoon 'ho, kami po yung mga magpapagawa ng furnitures." Pagpapakilala ni White.

Ako naman ay nakatayo lamang sa kaniyang likod at tinitignan ang ibang furnitures na naka display doon. Kita ko ang pagpupunas ng kamay ng lalaki bago makipagkamay kay White.

"White Alleyo 'ho." Pagpapakilala ni White.

"Eto naman po si Ollienessa Jimenez, ang designer at Architect namin." Nakipagkamay di ako.

The man looks old. Siguro ay kasing tanda ito ni Papa. Mid fifties na siguro ang kaniyang edad. Medyo pawisan na din ito dahil sa kaniyang trabahong ginagawa.

"Ako pala si Jose, ako ang may ari ng shop na ito." Itinuro niya pa ang shop.

"Kayo ba ang sinasabi ng aking anak na si Eloise?" Napatango naman si White.

"Ay nako, pasok muna kayo doon sa loob 'kay maalikabok dito!" Agad niya kaming iginiya patungo sa loob ng kanilang bahay.

Umakyat kami sa hagdan patungo sa kanilang bahay at agad naman niya kaming pinaupo sa sofa nila.

"Elisa, May mga bisita! Maghanda ka nga ng RC jan 'saka na rin tinapay!" He looked at us for a second. Nagpaalam naman itong magbibihis muna dahil puro pintura ang kaniyang damit.

Nang makaalis si 'tay Jose, kaagad kong hinarap si White na ngayon ay busy sa kakatingin ng mga muwebles sa bahay na ito.

"How did you findi this shop?" I creased my eyebrows at him. Kaagad naman din siyang humarap sa akin.

"The owner of this shop is the father of Silver's girlfriend." Tanging nasagot niya na lamang. Napatango tango naman ako sa kaniya.

Kaagad namang nakabalik si 'tay jose na ngayon ay malinis na ang shirt na suot. Ngumiti ito sa amin at may dala na din itong isang bote ng softdrindks at tinapay.

"Pasensya na, iyan lang ang mahahanda ko. Biglaan kasi ang inyong pagpunta." Nahihiyang sabi nito sa amin.

Napatingin ako sa tinapay na kaniyang nilapag sa aming harap. I don't eat bread unless it's baked by my mother. At lalong hindi ko kakainin kapag sa maliliit na bakery lamang ito galing.

Kita ko ang pagsulyap sa akin ni White at kung paano niya ako tignan dahil sa aking naka ismid na mukha.

"It's fine po. Hindi naman po kami mapili, right Ollie?" White nudge me with his elbow ngunig patago iyon.

Inirapan ko na lamang si White at pekeng ngumiti kay 'tay jose na ngayon ay nakangiti rin sa amin.

"Opo, hindi naman po ako mapili." Hilaw na ngisi ang aking ginawa. Kita ko ang kaginhawaan sa mukha ni 'tay Jose dahil sa aking sinabi.

"Eto po pala ang listahan ng mga ipapagawa namin sa inyo, 'tay. Nan'jan na din po ang disenyo." Si White ang nakikipag usap. I gave 'tay jose my folder of the designs of the furniture.

Kaagad niya itong kinuha at tinignan. Napangiti siya sa aminng dalawa ni White.

"Eto lang ba 'yon? Nako! Kayang kaya ko 'to!" Natutuwang saad ni 'tay jose.

"Tatay, isang daan po bawat piraso ang ipapagawa namin. Hindi naman po namin kayo mamadaliin at magbibigay kami ng paunang bayad. We'll pay you kahit magkano." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni White.

Isang daan bawat piraso? Kaya ba ni tatay 'yon? Wala akong nakikitang trabahador niya dito!

"Isang daan bawat piraso?!" Gulat na sambit ni 'tay jose. "Ano ba iyang gagawin niyo at napakadami naman?"

"Subdivision po."

"Kung ganoon ay kailangan ko ng mahabang panahon para d'yan. Kailangan ko pang maghanap ng trabahador." Natatawang sabi nito.

"Ayos lang 'ho, 'tay. Hindi naman po namin kayo mamadaliin." Nahihiyang sabi ko.

Sa makalipas na mga oras ay itinuro ko lamang ang disenyo ng ma furnitures na kaniyang gagawin at ang mga kulay nito.

White gave 'tay jose the downpayment for the furnitures para agad na makahanap ng katulong si 'tay jose sa pag gawa.

Nagtingin naman din kami ng ibang furnitures na gawa na. Kumukuha kami ng idea para sa ivang furnitures.

"Sa tingin ko po ay malinaw na ang lahat." Tumayo na si White at ganoon din ako.

Madilim sa labas dahil na din sa makulimlim na naman. Alas singko na ng hapon at napakadilim na kaagad sa labas.

"Maraming salamat po 'tay jose." Nginitian ko siya at kaagad na yumukod para humingi ng galang.

"Mauna na 'ho kami, 'tay. Mukhang uulan na." Si White.

Napalingon naman din sa labas ng bintana si 'tay Jose at agad na humarap sa amin.

"Mabuti pa nga at baka maabutan pa kayo nang malakas na buhos ng ulan."

Bumaba na kami sa kanilang shop at doon na nagpaalam sa isa't isa.

"We'll just text you, 'tay." Si White.

"Sige. Mag iingat kayo sa daan at mukhang malakas ang ulan." Pag papaalala ni tay jose.

Nagsimula na ang maliliit na patak ng ulan kaya ay pumasok na kami sa kotseng nakaparada sa harapan ng shop.

Kumaway naman si Tay Jose sa amin bago ito magsara ng pinto sa kanyang shop.

Pinaandar ni White ang kaniyang sasakyan at agad na kaming umalis sa lugar na iyon.

Hindi pa nakakalayo ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.

I cursed at my mind.

Makakaabot kaya ako sa dinner sa mga Romero? Mama would be mad if hindi ako makakapunta.

"Sa tingin mo ay makakabalik tayo bago mag alas otso?" Kinakabahang saad ko.

White looked at my worried face.

"Hindi sigurado. Why?" Ibinalik niya sa kalsada ang kaniyang tingin.

"I have a dinner to attend to." Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan.

"You'll be there."

_________

A really late and a short update! I'm so sorry hindi ako makapag update ng maayos! All the ideas in my head was replaced by Win Metawin! Sobrang whipped na po kasi ako ng 2gether series kaya nawala ang mga idea ko for GGW! but i promise to update.

Good game, White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon