03
Wearing my pink cropped top and a black leather-like skirt, isinuot ko ang aking black ankle boots at naglagay pa ng retouch saaking make-up.
My lips are in dark red. Kailangan iyon to complete my baddie look. Halos fifteen minutes late na ako sa usapan namin nila Tyler and Andy, pero it's better late that never.
I'm so sure na enjoy na enjoy naman doon si Andy. She has this huge crush kay Tyler. Little did she know that ang crush niya ay mas babae pa sa kanya.
Her 'big crush' to Tyler started when we were just in College. Tatlo kaming laging magkakasama noon at ako lang ang may alam na ganoon nga si Tyler.
Poor Andy. If only i could tell her, pero baka patayin naman ako ni Tyler ng wala sa oras.
Nginitian ko na lamang ang sarili ko sa repleksiyon. Isang pasada pa ng pag ayos ko sa buhok and i'm done!
Agad na akong bumaba sa basement ng condo ko at sumakay na agad sa kotse ko. A white BMW. Ito ang una kong nabili sa unang sweldo ko sa pagtratrabaho under Jimenez's real estates. Sobrang saya lamang isipin na kumikita na ako and, next month ay saakin na mapupunta ang pangangalaga sa mga hotel!
Medyo traffic pa sa labas dahil sa rush hour na. Alas nuebe na ng gabi and for sure, we'll stay there until midnight!
It took me just twenty minutes to got to BGC. Sa isang club na pagmamay-ari ng kaibigan ni Tyler kami tutuloy.
I don't know kung sino ba itong kaibigan ni Tyler na may ari ng club. All i can think of is having fun! Matagal tagal na rin mula noong nakapag gala ako.Pagkadating ko doon ay agad kong binigay ang susi sa vallet. Agad naman itong tumalima at agad na rin akong pumasok sa loob ng club.
Pagpasok na pagpasok ko ay agad dumagungdong sa aking tenga ang malakas na EDM music na pinapatugtog ng dj. Agad kong napansin ang mga taong nagsasayaw. The crowd is so wild!
The music is too loud and the lights are dimmed. Ang tanging buhay na ilaw ay ang mga strobe lights na sayaw ng sayaw. I can smell from here the mixed smoke and alcohol scent. Makikita rin ang mga elites na nakaupo sa VIP area. May nakita pa akong mga kaibigang model. Agad naman nila akong binati.
"Hi, Ollie! How are you?" Bumeso saakin si Marieza Flynn, isang German model na nakasama ko na sa isang shoot para sa isang sikat na magazine.
"I'm fine! It's so nice to see you here!" Natutuwang bati ko sa kaniya.
"Andito ako because of White." May pagka slang nitong bigkas.
I startled. Wait, who?
"White?" I squinted my eyes to see if i could get the answer.
"White Alleyo!"
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito na sinasabing hangang-hanga talaga siya sa White na iyon.
White? He's here?
Agad namang nangilabot ang katawan ko. Just hearing his name makes me angry. Paano pa kaya kapag nakita ko na ito?
Nagpaalam na ako kaagad kay Marieza at agad na dumiretso na lamang sa mga couch kung nasaan naka puwesto ang aking mga kaibigan.
Punong puno ang dancefloor ng mga taong nagsasayawan. Some are even making out. As i walked to the couches kung nasaan sila Andy and Tyler, napadpad ang tingin ko sa mga babaeng mga kakilala ko. They just nod their heads and smile and so i did.
"Ollie!" Maingay man ay narinig ko pa rin ang tawag ni Tyler saakin.
He's still wearing his white polo. Siguro ay kakagaling lang niya sa trabaho. Medyo bukas ang itaas ng polo niya kaya kita ang dibdib niya. Namumula na rin ito, marahil ay kanina pa sila nandito at umiinom.
BINABASA MO ANG
Good game, White
RomanceAlleyo series #1 Ollienessa Jimenez, a bratty woman, have met White Cristopher Alleyo in a party. Something unfortunate happenez that Ollienessa got engaged. She then, think of something that she know that is crazy, but it will save her ass. She'll...