Kabanata 8

80 67 0
                                    

08

It was in the midsts of April when Mr. Gray Alleyo decided to visit the site. Isa iyong malaking ektarya ng bakanteng lote sa Nasugbu, Batanggas.

Kinailangan kong sumama para malaman ang disenyong gagawin para sa kanilang subdivision.

Nagpadala na lamang ng Email si Gray sa akin para ipadala ang Adress ng kanilang lote.

Halos isang linggo na din ang lumipas noong bigyan niya ako ng offer para sa proyektong ito. Tapos ko na ang design dahil binilisan ko talaga ang pag gawa dahil nakakahiya naman kung tatagalan ko pa.

I'm now in my car heading towards Batanggas. Mahaba habang biyahe ito kaya ay inagahan ko ang aking pag alis.

We are gonna meet sa mismong site.

Naiisip ko pa lamang ang kakalabasan ng proyectong ito ay napapangiti at nagdidiwang na agad ng husto ang utak ko.

After some time, nakarating na din ako sa Adress na tinutukoy ni Gray. Tama nga siya at napaka laking lote nito. Actually, puro talahiban lamang ito. Magmula sa pinasukan kong daanan ay puro talahiban na lang.

Mabuti na lamang at slacks ang suot ko, kung hindi ay baka mangati ako sa mga talahib na ito.

I'm wearing a White halter top na tinernohan ko ng isang black slacks. Nakasuot din ako ng black na two inch heels to finish my look.

Maaliwalas ngayon at malamig ang simoy ng hangin. Dumagdag pa dito ang amoy ng dagat sa hindi kalayuan.

Ang sarap sa pakiramdam nang pagkapresko ng hangin. It is so relaxing.

"Ollie, kanina ka pa ba dito?"

Biglang sumulpot si Gray sa aking likuran. Kitang kita ko ang nakaparada niyang sasakyan sa hindi kalayuan. Makikita rin ang dalawa pang kotse na nakasunod dito.

Gray is wearing his black polo shirt and a blue faded jeans. Maayos ang porma nito at mukhang aalis lamang.

"Hindi naman, i just got here." Nakangiting saad ko sa kanya.

Bumaling naman ako sa isa pang lalaking papalapit sa amin. He looked more younger, compared to us. Naka suot ito ng Gray hoodie jacket kahit na mainit. Naglalakad ito papalapit habang ang kamay ay nakalagay sa bulsa. Behind him is the guy i wished i haven't met, White.

Hindi ko alam na sasama siya dito ngayon! Ang akala ko ay hindi ito kasama sa pagpapagawa ng subdivision na ito.

Kagaya pa rin ng dati ay malamig ang titig nito at hindi nagpapakita ng emosyon. Ang pinagkaiba nga lang, mas tumindi ata ngayon?

He was wearing a casual Vneck tshirt. The color is his name, White. He was in his blue faded jeans at parang isa siyang modelo ng calvin klein sa suot!

Napaiwas ako sa kaniya ng tingin at ibinaling kay Gray.

"I want you to meet my cousins, sila ang kasama kong magpatayo ng subdivision na ito." He gesture his cousins who are now standing in front of me.

Hindi ko magawang makatingin kay White na ngayon ay titig na titig na sa akin. Sa loob ng ilang linggong hindi namin pagkikita ay medyo napanatag na ang damdamin ko.

"This is Silver," Pakilala ni Gray. Silver and I shook hands. Ngumiti ito sa akin at ganoon din ako.

"And of course, White." Nang bumaling ako sa kaniya ay kitang kita ko ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

Bigla akong naconsious sa aking mga galaw. Mahinhin kong tinanggap ang kamay niyang naka abang sa akin upang makipag kamay.

Napaisip naman ako bigla sa aking utak. Mahilig ba sa crayons ang parents nila at purong mga colors ang pangalan nila?

Good game, White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon