04
Maaraw man ay hindi noon naapektuhan ang malamig na simoy ng hangin.
Nakahiga ako sa sun lounger at dinadama ang hangin saaking balat. Nakasuot na din ako ng isang black bikini at handa na sa paglangoy.
Nandito ako ngayon sa pool area ng condominium na pagmamay ari mismo namin. Kakaunti lamang ang tao ngayon dahil nga ay weekdays.
I didn't go to work today. Kailangan ko iyon para makapag pahinga muna kahit saglit.
Dalawang linggo na kasi akong hindi makatulog ng maayos. Dalawang linggo na din akong laging naka busangot.
Dalawang linggo na din ang lumipas noong gabing hinalikan ako ni White.
Shit!
Paano ba iyon maaalis sa utak ko?
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malalambot niyang labi saakin. He's messing my mind!
Ang tagal na noon! Dapat ay malimutan ko na iyon! At sa dalawang linggo ay halos wala na akong balita tungkol sa white na iyon!
kunot noo kong nilagyan ng sunscreen ang aking binti at mga braso.
Paano ko ba malilimutan ang katangahang iyon? Inis na inis kong pinapahiran ang bawat parte ng aking katawan.
Matapos noon ay agad akong tumayo at dumiretso na sa pool. Mayroong dalawang lalaki doon at isang buong pamilya na lumalangoy.
Agad akong lumubog sa tubig at lumangoy papunta sa kabilang dulo ng pool. Good thing at malaki ang design nitong pool.
Malamig ang tubig na nandito sa pool. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakatanggal ng sakit ng ulo.
Sinisid ko naman ang pool hanggang sa marating ko ang gilid ng pool.
Nakita ko naman ang tinginan ng dalawang lalaki saakin. Nandoon na sila ngayon sa sun lounger na katabi lamang ng akin.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa paglangoy.
Ilang minuto pa akong nagtagal sa pagbababad at saka umahon. Dumiretso na din ako sa aking sun lounger at kinuha ang tuwalya. Nakatingin naman saakin ang dalawang lalaking nandoon sa katabing sun lounger.
Tinaasan ko lamang sila ng kilay. Nakita ko namang nag iwas ng tingin ang isa habang ang mukhang mas bata saakin ay ngumisi.
umiling iling na lamang ako at nagsimulang magpunas ng katawan.
Napabaling naman ako sa aking phone na nagriring na ngayon. Agad ko iyong kinuha noong makitang si Andy ang tumatawag.
"Hello?"
I answered the phone weakly.
"Ollie, where are you?"
Andy sounded like she's in a hurry. Napakunot naman ang noo ko sa kaniyang pagtatanong.
"Sa condo lang," sabi ko habang unti unting nililigpit ang aking mga gamit.
"I'll go there. I have news!"
Sa pagkakasabi ni Andy ay parang malaking balita nga ang kaniyang ibabalita saakin.
Ano naman kaya ito?
Isinuot ko ang roba at itinali ito sa katawan. Binibitbit ko na ang aking gamit at nagsimula nang maglakad paalis sa pool area.
Kunot noo parin ako habang naglalakad. Binabati naman ako ng mga tauhan namin na tinatanguan ko na lamang.
"Tungkol saan naman 'yan?"
As soon as i got to the elevator, kaagad ko itong pinindot pabukas. Nagbukas naman ito agad kaya ay pumasok na ako.

BINABASA MO ANG
Good game, White
RomanceAlleyo series #1 Ollienessa Jimenez, a bratty woman, have met White Cristopher Alleyo in a party. Something unfortunate happenez that Ollienessa got engaged. She then, think of something that she know that is crazy, but it will save her ass. She'll...