Kabanata 12

65 45 6
                                    

12

It's April but it's rainy. It's weird that, kalagitnaan ngayon ng summer pero maambon sa labas at makulimlim.

Alas nuebe ng umaga ang napagkasunduang oras naming dalawa ni Gray. He said that he would pick me up at my condo.

Inagahan na namin ang pag alis para ay maaga kaming makabalik dito sa manila. Ngayon din kasi ang dinner na gustong mangyari ng mga Romero kaya kailangan kong pumunta upang makapag paliwanag.

Matinding paliwanagan talaga ang kailangang gawin naming dalawa ni Giovanni. He's such a trouble maker!

Hindi ko na nga nagamit pa ang aking bagong bili na kotse, hindi pa kasi ako nakakakuha ng aking plaka. At lalong hindi ko pa pweseng gamiting ang aking BMW dahil naiwan ito sa batanggas at ngayon pa lang kukunin ng aming tauhan sa bahay.

When it's already nine thirty, i recieved a text from an unknown number.

Unknown number:

I'm here.

It must be Gray. Sa email lamang kasi kami nakapag usap at wala akong number niya. Silver must have give him my number. Agad akong nagreply na pababa na ako.

I took one last glance at myself at the mirror. I'm just wearing a yellow sun dress and a yellow sandals. Kahit maulan ay ganito pa rin ang aking sinuot dahil mas komportable ito. I did not tie my hair up dahil sa tingin ko ay malamig sa labas. Kakaunting make up lamang din ang aking nilagay sa mukha.

Lumabas na ako sa aking unit at dumiretso sa elevator. Kitang kita ko pa ang makulimlim na panahon sa labas dahil sa bintana na malapit sa elevator.

Nang bumaba na ako sa basement ay agad na hinanap ng aking mga mata si Gray. But instead Gray, i have found a famillar car with a famillar guy leaning on it.

"White?"

Takang taka ako dahil siya ang nasa aking harapan. Akala ko ba ay si Gray? Where is he?

He opened the passenger seat's door for me. Nakasuot lamang siya ng shorts at black t-shirt. Tanging sandugo lamang din ang kaniyang suot na tsinelas. Pero kahit ganoon lamang ang kaniyang suot ay bagay na bagay sa kaniya at parang minomodelo niya pa ang kaniyang mga suot.

"Saan si Gray?"

"Gray is not around, he has a fever." Inimuwestra na niya ang kanyang kotse kaya naman ay sumakay na din ako doon.

He has a fever? Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin para nireschedule na lang sana namin?

Agad umikot si White para naman siya ang makasakay sa driver's seat. Nang masara na ang pinto, agad niyang pinaandar ang kaniyang kotse.

"How about Silver?"

"Still on palawan with his girl." He answered me while stepping on the gas.

Oh, right. Kahapon nga lang pala ito tumawag tungkol dito at sinabing nasa bakasyon nga pala siya.

White looked at me with a slight smirk on his lips.

"Why? Ayaw mo ba akong kasama?" He asked

"N-no! I was just asking." I pouted. Kitang kita ko kung paano gumalaw ng kaunti ang kaniyang labi. He's surpressing a smile!

"Okay, then."

He continued driving. Dahil nga ay maulan, halos traffic ang inabot namin sa daan. It's now ten o'clock and we're still on the roads of manila!

Agad ko siyang nilingon dahil sa nabuburyong na ako. I saw how he arched his brows the looked into me. Naka tukod na ang kaniyang braso sa pintuan ng kotse at nakahawa sa kanyang labi habang hinihintay na gumalaw ang traffic. Halatang buryong na buryong na din ito dahil nilalaro laro nito ang sariling labi.

Good game, White Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon