Nagising na lang si trixie ng nasa hospital na siya at nakahiga sa kama ng hospital, aakmang babangon siya ng pinigilan siya ng kanyang papa.
"Mahiga ka muna anak! Sabi ng doctor kailangan mopa daw magpahinga."-Agarang pigil sa kanya.
"Nasaan po si mama pa? Ba't kayo lang nandito?"-tanong niya habang sinubukang umupo sa kinahihigaan.
Tinulungan siya ng kanyang papa sa pag-upo bago eto sumagot sa kanya.
"Kinausap pa ng doctor kung anong resulta sa mga Laboratory test mo!"-sagot ng kanyang papa na ngayon ay nagbabalat ng mansanas.
"Ganun po vha! Anong oras napo pa?"-tanong niya sa kanyang papa.
"Alas-8 na ng umaga!"-sagot neto di man lang siya nilingon dahil abala eto sa pagbabalat ng mansanas.
Ganun ba ako kapagod sa kaka-iyak para mahimatay ako ng ganon? (Tanong niya sa isip niya)
Bumukas ang pinto ng kwarto ng hospital na tinuluyan niya at pumasok ang kanyang mama.
"Oh anak! Gising kana pala mabuti naman! Pinag-alala mo kami ng papa mo nong nahimatay ka buti na lang umuwi agad tong papa mo! Kumusta dika naba nahihilo?"-tanong ng kanyang mama na halatang nag-alala nga eto ng mahimatay sya.
"Okey napo ako ma! Ano pala sabi ng doctor sa lab.test ko ma?"-tanong niya sa kanyang mama .
"Antayin na natin yung doctor siya na magsasabi sayo!"-malungkot na sagot ng kanyang mama.
"Okey po!"-sagot niya.
Mga ilang minuto ay may kumatok sa pinto ng kwarto ma tinuluyan niya at pumasok doon ang doctor na nakangiti.
"Kumusta na pakiramdam mo?"-agad na tanong ng doctor sa kanya.
"Okey na naman po"-malumanay niyang sagot.
"Doc! May sakit po ba ang anak ko?"-tanong ng kanyang papa.
Tumingin siya sa kanyang mama na tahimik lamang na nakaupo sa sofa.
"Well, wala naman siyang sakit natural lang sa isang buntis na magsuka at mahilo ng ganun!"-sagot ng doctor na nakangiti sa kanya.
Napanga-nga siya sa sinabi ng doctor at pag tingin niya sa kanyang papa ganun na lang ang pinagtaka niya na nakangiti eto.
"Paki-ulit nga po doc baka mali ang dinig ko!"-tanong niya ulit dito.
"2 weeks pregnant,Congràts"-nakangiting ulit ng doctor.
Ayaw magsink-in sa utak niya ang sinabi ng doctor na buntis siya.
Nagpa-alam na umalis ang doctor dahil may aasikasuhin pa daw eto na ibang pasyente.
"Sasabihin moba kay clark yan anak?"-tanong ng kanyang mama na nagpabalik sa kanyang katinuan.
"Paano kung di niya tanggap ma?"-agad niyang sagot sa kanyang mama.
"Anak tatanggapin yan ni clark. Sabihin mo lang sa kanya!"sagot ng kanyang mama..
"Matutuwa yun si clark anak!"-pagkukumbinsi ng kanyang papa.
"Hiwalay napo kami pa!"-nakayuko niyang sabi sa papa niya.
"Ano naman ngayon anak karapatan niya paring malaman na buntis ka at magiging ama na siya!"-paliwanag ng kanyang ama.
"Paninindigan kaman niya o hindi ang mahalaga alam niya ng totoo! At andito lang kami para sa magiging anak mo!- pagtatapos ng kanyang mama sa sasabihin ng kanyang papa.
"Maraming salamat po ma,pa"-naiiyak niyang sabi dito.
Lumapit ang kanyang mama at papa sa kanya at niyakap sya neto.
"Sorry po kung diko natupad ang pangako ko sa inyo"-iyak niyang sabi habang nakayakap parin sa mga magulang nya.
"Promise po bukas na bukas pupuntahan ko si clark sa kanila."-pagpatuloy niya sa kanyang sinasabi.
Sumapit ang hapon at nakalabas na siya ng hospital.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Trixie Pov:Kinabukasan....
Maaga akong nagising dahil ngayon ang araw kung saan pupunta ako sa bahay nila clark para sabihin sa kanya na buntis ako.
Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na ako.
Naabutan ko si papa sa mesa na nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo, at si mama naman ay abala sa paghahanda ng kanyang niluluto."Joeun ochimimnida" -naka-ngiti kung bati kila mama ta papa pagdating ko sa kusina.
"Oh! Go-good morning din Anak!"-balik na bati ni mama sakin na halatang nagulat dahil nagko-korean ako.
"Buti bumaba kana aakyat na sana ako sa kwarto mo! Para gisingin ka! Umulo kana para kakain na tayo."-sabi ni mama na nakangiti sakin.
"Ngayon kaba pupunta kila clark anak?"-tanong ni papa sakin ng makaupo na ako sa upuan.
Nilingon ko si papa na nagbabasa ng diyaryo.
"Opo pa"-sagot ko kay papa.
"Sabay kana lang sa'kin,baka mapano kapa sa daan!"-suwetsyon ni papa.
"Naku! Wag napo pa! Baka malate pa kayo sa trabaho niyo!"-sagot ko kay papa habang nagsasandok ng kanin.
"Inumin mo'tong tinimpla kung gatas."-sabay lapag ni mama sa baso ng gatas.
"Thank you po ma!"
"Kumain ka ng marami para marami kang lakas mamaya, pag nakita kayo ni clark!"-biro ni mama sakin.
Tulad ng sabi ni mama ay kumain ako ng marami dahil ang gana kung kumain siguro dahil sa pahbubuntis ko eto.
Pagkatapos kung kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto para magbihis ng pang-alis na damit.
"Ma, umalis napo ba si papa?"-tanong ko kay mama pagkababa ko.
Abala si mama sa pagtutupi ng damit habang nanunuod ng favorite niyang k-drama na Goblin."Oo anak! Bakit may sasabihin kaba?"-tanong ni mama.
"Wala naman po! Sige ma, puntahan ko lang si clark sa kanila!" -pa-alam ko kay mama.
"Josimhaeyo"-sagot ni mama.
"I well ma! Sige po alis na ako!"
Lumabas na ako sa bahay namin at pumara ng taxi.
Habang nasa loob ng taxi si trixie ay di niya maiwasang isipin kung anong una niyang sasabihin kay clark at ano ang magiging reaction neto pag nalamang buntis siya.
"Ma'am andito napo tayo sa address na binigay mo!"-pukaw ng driver sa atensyon niya.
"Eto po kuya bayad! salamat po."-agad kung binigay ang pamasahe at bumaba sa taxi.
Habang papalapit ng papalapit si trixie sa pinto ng bahay nila clark ay sobrang lakas ng kaba niya.
"Kaya ko'to para sa baby ko!"-pagpapakalma niya sa sarili.
Nang tuluyan na siyang makalapit ay kumatok siya sa pinto. Nakailang katok siya pero walang bumukas. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya tinawagan si clark. Pero cannot be reach eto nakailang tawag siya pero ayaw talaga makuntak.
"Miss wala ng tao dyan!"-Sabi ng babae sa kanya ng makita siyang nakatayo sa bahay nila clark.
"Nasan napo ang tao dito?"-tanong niya sa babae.
"Ang pagkaka-alam ko pumuntang Amerika kahapon umalis."-sagot nababae sa kanya.
"Sige miss aalis na ako."-pa-alam ng babae sa kanya.
"Salamat po!"-sagot niya bago tuluyang umalis ang babae.
Pagka-alis ng babae ay sabay-sabay na nahulog ang luha sa kanyang mga mata.
#Ano kayang nangyare kay clark? At paano na kaya si trixie at magiging anak neto? May pag-asa pa kayang magkita ulit sila kung si clark ay nasa ibang bansa na?
#Bukas ulit diko na-charge ng maayos cp ko😅
YOU ARE READING
Ml o Ako? (On-Going)
Teen FictionRequest lang to sakin na dapat one shot pero nagkaroon ng chapter😂