Chapter 4

29 4 0
                                    

Patuloy sa pag-iyak si trixie kahit nasa loob parin ng taxi na sinasakyan.

"Ma'am okey lang poba kayo?"-tanong ng driver sa kanya.

Agad siyang napalingon ng marinig niya na nagtatanong ang diver ng taxi.

"Ah o-opo manong!"-sagot niya na umiiyak padin.

Hindi na nagtanong ulit ang taxi driver sa kanya. Pilit niyang pinapalakas ang loob pero hindi niya magawa lalo't naiisip niya ang kanyang anak na lalaki na walang kinikilalang  ama.
Pagdating sa mismong bahay nila ay agad niyang binayaran ang driver ng taxi at bumaba agad.

Sa sala pinto pa lang ng bahay nila ay narinig niya ang kanyang papa at mama na nagkwekwentuhan sa sala.

"Ma,pa andito napo ako! Aakyat lang ako sa kwarto ko!" -sabi niya habang di tumitingin sa kanyang mga magulang.

"Kumusta ang lakad mo anak! Alam naba ni clark na buntis ka? -tanong ng kanyang papa.

"Sa kwarto lang po ako!"- pa-alam niya dito na parang walang narinig.

Agad siyang  umakyat sa kwarto niya.
Doon siya umiyak ng umiyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.

"Trixie! Ayos ka lang bah?"-sigaw ng mama niya sa pinto ng kwarto niya.

Pinakalma niya ang kanyang sarili bago sumagot.

"Op-opo ma! Pagod lang po ako!"-sagot niya sa kanyang mama.

"Anak buksan mo tong pinto!"-utos ng kanyang mama sa kanya.

Tumayo siya kinauupuang kama at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto kung nasaan ang kanyang mama. Pagkabukas niya sa pinto ng kwarto ay nagulat ang kanyang mama sa itsura niya niya dahil mugto na mugto ang kanyang dalawang mata.

"Oh my god! Ano bang nangyayare sayong bata ka? Diba tinanggap ni clark na buntis ka hah?"-agad na lumapit ang kanyang mama sa kanya at tiningnan ng maigi ang namamaga niyang mata.

"Wa-wala napo si clark ma!"-iyak niyang sabi.

Pina-upo siya ng kanyang mama sa kama niya.

"Anong wala na? Di kita maintidihan?"-nagtatakang tanong ng kanyang mama.

"Nasa Am-amerika na daw po! Kahapon sila umalis sabi ng kapit-bahay nila."-sagot niya.

"Ba't ganito ma? Sobrang sakit, Wala pang 24 oras na hiwalay kami pero kinalimutan na niya ako! Di man lang siya nagpa-alam sakin na aalis sila. Pa-ano na yung magi-magiging a-nak namin? Di man lang niya alam na buntis ako sa magiging anak niya!" -mahaba niyang sabi.

Hindi sumagot ang kanyang mama sapagkat niyakap lang siya neto.
Habang niyayakap siya ng kanyang mama ay umiyak siya ng umiyak hanggang sa napagod siya kaka-iyak at pinahiga siya ng kanyang mama sa kama niya.

"Pahinga ka muna diyan! Masamang mapagod ka baka mapano si baby sa tiyan mo!"-sabi ng kanyang mama habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Sorry ma dahil pati kayo ni papa, nahihirapan na din dahil sakin!"-mahina niyang sabi sa kanyang mama habang papikit-pikit ang kanyang mata.

"Simula ngayon dina po ako iiyak at magpapakatatag na ako para sa magiging anak ko."- ang huli niyang sinabi bago makatulog ng tuluyan.

Nang mapansing tulog na si trixie ay bumaba na ang kanyang mama.

"Kumusta na anak natin?"-agad na tanong ng papa ni trixie.

"Nakatulog na din sa sobrang pagod sa kaka-iyak!"-sagot neto sa asawa.

"Ang hinayupak nayon! Wag na wag siyang magpapakita ulit sa anak natin kundi ako mismo ang papatay sa kanya!"-giit niya sa asawa neto.

"Yung bunga-nga mo alex! Di matutuwa ang anak mo pag narinig niya yan galing sayo!"-saway neto sa asawa niya.

"Sinkatan niya ang nag-iisang anak na'tin sam!"-giit neto.

"Kahit na! Huwag ka ng dumagdag sa problema ng anak natin! Ang isipin natin ngayon ang kalagayan niya!"-sagot neto.

Tumahimik na lang ang papa ni trixie dahil may punto naman ang sinabi ng kanyang asawa. Masyadong maraming iniisip si trixie at ayaw pa niyang dumagdag dito.

Nagising si trixie dahil nakaramdam siya ng gutom.
Ramdam na ramdam ni trixie ang pamamaga at hapdi ng kanyang dalawang mata. Agad siyang bumangon sa kinahihigaang kama na parang walang nanguare kanina
Pagkababa  niya ay nadatnan niya ang kanyang mama na nagluluto ng paborito niyang spaghetti.

"Hmm! Ang bango naman niyan ma! Para sakin poba yan?"-tanong niya sa kanyang mama ng makalapit na siya dito.

"Oo alam kung gutom kana! Kaya pinagluto kita ng paborito mong spaghetti!"-sagot neto sa kanya.

"Nanunubig napo yung bagang ko hehehe!"-excited niyang sagot sa mama niya na abala sa paglagay ng spaghetti sa plato.

"Naku! Etong batang to oh! Baka magmana yang anak mo sa katakawan mo!"-biro ng kanyang mama.

"Hehehehe!"-tinawanan niya lang ang kanyang mama at umupo na sa upuan.

"Okey kana ba anak?"-tanong ng kanyang mama habang nilapag ang plato na may lamang spaghetti.

"Mahirap mang tanggapin ma, Pero para sa magiging anak ko! Kakayanin kopo! Papalakihin ko siya ng puno ng pagmamahal ko."-sagot niya sa mama niya.

"Andito lang kami ng papa mo handa kang tulungan anak!"-sagot ng kanyang mama.

"Maraming salamat po ma at sa inyo ni papa, dahil lage kayong mandiyan para sakin."-siya.

"Nag-iisa ka naming anak kaya, handa kaming damayan ka sa pinagdadaanan mo!"-sagot ng mama niya.

Laking pasasalamat ni trixie dahil napaka-understanding ng kanyang mgamagulang.

#Bukas napo ulit hehe😅sa Part 5 po malalaman niyo na kung bakit umalis sila clark at nagtungong amerika.

#Pag may maling grammar po pakisabi naman😂 para maayos ko po? Hehe I'm not totally good sa tagalog po dahil  Bisaya po ako at I'm not confident of my work hehehe kaya sana maintindihan niyo po kung bakit boring or maraming mali-maling words.

Thank u sa support mwahh😊❣️

Ml o Ako? (On-Going)Where stories live. Discover now