Pagkatapos ng panngyayareng iyon sa bahay namin ay mas lalong napapalapit si Clark sa kambal. Lagi siyang dumadalaw mag-isa dito sa bahay. Tulad ngayon naabutan kona na naman siya na nakikipaglaro sa kambal. Wala bang trabaho ang lalaking to?"Hey twins, I'm home?"-sigaw ko sa kambal ng di ako napansin sa pagpasok.
Sabay-sabay na lumingon ang kambal at si clark sa pintuan kung nasaan ako.
Sabay-saby din silang naglakad papalapit sa akin."Mommy!" -tawag ni faith sabay lapit sa akin.
"Hi!" -maikling bati ni clark sakin.
"Hello!" -sagot ko din.
"How's work po mom?"-tanong naman ni clerk ng makalapit sa akin.
Yumakap ako sa kambal habang ang paningin ay nasa kay clark.
"Tired baby clerk!" -sagot ko ng kumawala ako sa yakap.
"Mommy tito clark is here ulit po!" -magiliw na saad ni clerk.
"He said po dadalaw sya araw-araw sa'min, Is that okay mommy?" -tanong ni faith.
Ngumiti lamang ako bilang sagot sa kambal.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa sala.
"Twins?" -tawag ko sa kambal.
"Bakit po mommy?" -sabay tanong ng kambal.
Bumaling ako sa kanilang dalawa, "Where's your Lola and Lolo?" -tanong ko sa dalawa. Pero si clark ang sumagot.
"May binili lang sa labas, baka pauwi na yon." -sagot ni clark na ang paningin ay nasa akin parin simula kanina pa.
"Oh okay! Akyat lang ako para magbihis." -pa-alam ko kay clark.
Hindi kona hinintay na sumagot si clark, ang dalawa naman ay busy na sa paglalaro. Pagka-akyat ko ay agad akong naligo at nagbihis. Nang pababa na ako ng hagdan ay narinig ko si clerk na nagtatanong kay clark. Kaya tumigil muna ako saglit.
"Tito, May anak napo kayo?" -inosenteng tanong ni clerk.
Natagalan sa pagsagot si clark sa tanong ni Clerk.
"Ah yes clerk!" -mahihimigan na nakangiti etong sumagot kay clark.
So may anak na siya? Taga saan naman kaya naging asawa niya? Taga Amerika kaya? At anó yung sinasabi niyang "I'm still inlove with you?" Liar! Nagpatuloy na ako sa pagbaba at dumiretso sa kusina.
"Really po?"-rinig kung tanong ni faith.
Hindi kona narinig ang sagot ni clark dahil tuluyan na akong nakapasok sa kusina.
"Oh trixie!" -si mama na abala sa paghihiwa ng gulay.
"Lumabas daw po kayo ma? San kayo nagpunta? Si papa?" -sunod-sunod na tanong ko kay mama.
Natawa na lang si mama sa sunod-sunod na tanong ko.
"Etong batang eto oh! Dahan-dahan at mahina ang kalaban!" -biro ni mama.
"Si mama naman! Lumabas kayo iniwan niyo ang kambal kay clark!" -medyo irita kung sabi.
Tumigil saglit si mama sa ginagawa niya at hinarap ako.
"Yung papa mo nagpapahinga sa kwarto. Napagod sinamahan akong namalengke! At ano namang masama kung iiwan ko ang kambal kay clark? Kaysa dalhin ko sila sa palengke!" -mahabang sagot ni mama.
"Kahit na ma! Alam mo naman kung bakit diba?" -nagtatampo kung sagot kay mama.
"Oo na at puntahan mona mag-ama mo doon!" -si mama.
"Mama naman!" -saway ko.
Nagpatuloy na si mama sa kanyang ginagawa at hindi pinansin ang pagsaway ko pagkat nakangiti pa eto.
Bumalik ako sa sala kung saan naabutan ko ang mag-a estie ang kambal at sila clark na nanunuod ng cartoons.
"Nag-eenjoy ba kayo twins?" -tanong ko sa kambal ng makalapit ako sa kanila.
"Yes mommy! Andito po kasi si tito clark." -sagot ni clerk.
"Me too mommy." -nakangiting sagot ni faith.
"Good to hear babies!" -naka-ngiti kung sagot sa kambal.
"Thank you clark ah! Hindi tuloy sila nabagot kakahintay sa pag-uwi ko" -baling ko kay clark na naka-ngiti.
"No problem! Masaya akong nakikitang napapasaya ko sila." -sagot niya na at sabay baling sa kambal na pinagitnaan ko. Ganun din ang ginawa ko.
"Trixie, Can we talk?" -seryusong tanong ni clark.
Bumaling ulit ako sa harapan kung saan siya naka-upo, hindi pa nga ako nakasagot ay dinugtungan niya na.
"In Private." -dugtong niya.
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya alam na kaya niya na anak niya ang kambal? Kung ganon siguro panahon na rin para makilala ng kambal ang kanilang daddy. Pero paano naman ang asawa at anak niya? Baka magulo ko lang ang pamilya niya ! Dahil sa may anak siya sa akin.
Nagdadalawang isip ako na sumagot,
"Ka-kailan?" -nauutal kung tanong.
"Tomorrow sana! If you're not busy." -sagot niya.
"Give me your number? Text kita kung saan tayo magkikita." -sagot ko.
"Puntahan na lang kita sa opisina mo." -sagot niya.
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Alam mo ba kung saan ang opisina ko?" -nagtataka kung tanong.
"Yeah!" -maikli niyang sagot at bumaling na sa iba ang kanyang paningin.
Sinabi kaya ni mama sa kanya kung saan ang opisina ko? Matanong nga mamaya si mama.
Pagkatapos ng usapan namin ni clark ay wala ng nagbabalak na magsalita sa amin kaya nanunuod na lamang kami ng cartoons. Wala kaming choice na manuod ng ibang palabas dahil nanunuod ang kambal. Seryusong-seryuso ang kambal habang nanunuod ganun din si clark pagtingin ko! At kailan pa eto mahilig manuod ng cartoons aber? Mobile Legends lang naman alam niya dati, Ni hindi ko nga nakitang nanunuod eto ng tv sa bahay nila o sa'min man lang ng kami pa. Tanong ko sa isip ko. Tumatawa din si clark kapag nakakatawa ang palabas ang buong atensyon ko ay naagaw niya na dapat ay sa tv at anak ko dapat nakatingin.
A/N;
Sorry for the late update guiz hehehe! Like what I said Tamad po talaga akong mag-ud minsan😅. Kaya pasensya na kung natagalan😊.
Thank you guiz❣️.
YOU ARE READING
Ml o Ako? (On-Going)
Novela JuvenilRequest lang to sakin na dapat one shot pero nagkaroon ng chapter😂