Chapter 8

28 3 0
                                    


Pagkauwi namin sa bahay ay nagpa-alam ako kila mama na mauna ng umakyat sa taas para magpahinga kasama ang kambal kung anak.

Nang makatulog na ang kambal ay dahan-dahan akong umalis sa kinahihigaan ko at umupo sa gilid ng kama at tinitigan ko sila na mahimbing na natutulog.

"I'm sorry twins! Diko kayo pinakilala sa daddy niyo!"- nagsisimulang tumulo ang mga luha ko.
"Natatakot si mommy na sabihin sa kay daddy ang totoo na anak niya kayo! Lalo't na ngayon may iba na siya! Ayukong guluhin ang buhay niya. Ayuko din kayong paasahin na mabubuo tayo at matatanggap kayo ng daddy niyo. Patawarin niyo sana si mommy kung di ko sinabi sa inyo ang totoo at magiging selfish si mommy sa inyo."- Tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking mga mata. Habang nakatitig sa kambal kung anak na mahimbing paring natutulog.
"Ipagdadamot mo sa kanila ang ama nila?"-biglang salita ni mama na sa gilid ng pinto. Di ko man lang namalayan na nakapasok siya.
"It's not that ma! Ayukong masaktan ang mga anak ko!"-sagot ko kay mama na nakalapit na sa akin.
"Mas masasaktan sila sa ginagawa mo anak! Huwag mong ipagdamot sa kanila ang totoo! Paano pag si clark mismo ang maka-diskubre na anak niya sila Faith at clerk?"-sagot ni mama na nagpakaba sa akin ng sobra.
"Anak! Di maipagkaka-ila na di sila mag-ama dahil magkahawig sila ng kambal!"-pa-alala ni mama. Tahimik lang ako at di nagsasalita dahil lahat ng sinabi ni mama ay totoo.

Halos kay clark lahat nagmana ang kambal neto mata,ilong at mukha neto ay clark, kung meron man sa akin siguro pagkahilig ng dalawa sa spaghetti at kutis neto ay sa akin nagmana
.
"At sa tingin ko anak, nahalata na iyon ni clark!"-sabi ni mama na ikinabaling ko sa kanya bigla.
"Pa-paa-paano niyo nasabi ma? Na parang nakahalata na si clark?"-nauutal kung tanong kay mama.
"Nakita ko siya kanina paano tumitig sa dalawa! Kaya sigurado akong nagdududa na iyon kung sinong ama ng kambal."-sagot ni mama.
"A-anong gagawin ko ma?"-tanong ko kay mama.
"Anak! Kung ako ng tatanungin mo mas mabuti pang sabihin mo kay clark ang totoo! Habang maaga pa!"-sagot ni mama.
"Diko kaya ma! Kasi pagsinabi ko sa kanya na anak niya sila faith at clerk baka ilayo niya eto sa'kin!"-iyak kung sagot kay mama.
"Di ko kayang mabuhay na wala ang kambal ma! Simula ng pinagbubuntis ko sila! Walang clark na umagapay sa akin! Lahat ng sakit at pagdurusa tiniis ko para sa ikabubuti ng anak ko!"-hagulhol kung iyak habang sinasabi ang katagang iyon.
"Nong panahon na muntik na akong makunan walang clark na tumulong sa akin kundi kayo ni papa lamang ang umagapay sa akin!"-pagpapatuloy ko.
"Kaya hanggat kaya kung itago ang katotohanan, Itatago ko!"-pagkasabi ko sa katagang iyon ay mas lalong tumulo ang luha sa aking mga mata.
Agad akong niyakap ni mama "Kung anong desisyon mo anak! Susuportahan ka namin ng papa mo."-sabi ni mama habang nakayakap pa rin sa akin. Niyakap ko din si mama.
"Salamat sa inyong dalawa ni papa ma! Lagi kayong andyan para aming mag-ina."-pasalamat ko kay mama at kumalas na sa pagkayakap.
"Bumaba na tayo baka magising pa ang mga apo ko!"-sabi ni mama.
"Sige po ma."-tumayo ako sa kina-uupuan at isa-isang hinalikan ang kambal.

Agad kaming lumabas ni mama sa kwarto at bumaba na sa sala. Naabutan namin si papa nakatalikod na may kausap sa cellphone niya.

"Oo sige! Sasabihin ko sa anak ko! Sige!"-sagot ni papa sa kausap sa cellphone at pinatay eto at humarap sa amin.
"Tumawag yung secretary mo anak! Di ka daw makuntak!"-agad sabi ni papa ng makalapit sa amin.
"O shit! Nakalimutan kung i-charge cellphone ko!"-agad kung mura.
"Ano pong sinasabi ni Lea pa?"-tanong ko kay papa.
"May gustong mag-invest sa kompanya mo!"-sagot ni papa na ikinalaki ng mata ko.
"O talaga pa?"-di makapaniwalang tanong ko kay papa.
"Oo at sabi ng sekretarya mo! Kung pede daw makipag-meet sayo yung mag-iinvest."-sagot ni papa.
"Good news yan anak!"-sabi ni mama na tuwang-tuwa din sa narinig.
"Ah sige po pa! Tatawagan ko mamaya si Lea!"-sagot ko kay papa na nakangiti padin.

Agad kung nakalimutan ang nangyare kanina sa kwarto at napalitan eto ng kasiyahan.
Nagpa-alam ako saglit kila mama at papa na aakyat lang ako ng kwarto para icharge ang cellphone ko na kahapon pa pala eto lowbat kung di lang tumawag sekretarya ko siguro diko ma-alala na may cellphone ako. Pagkatapos kung icharge ay bumalik na ako sa baba dahil mahimbing parin na natutulog ang kambal kung anak. Nag-uusap lang kami nila mama at papa sa sala.

#Bukas po ulit Pagod na utak ko😅. Kakapanuod ng hearstring🤣😅.
#enjoy sa pagbabasa😊

Ml o Ako? (On-Going)Where stories live. Discover now