A/N
Ang tamad ko talagang mag-ud😅😀. Enjoy😊Pagka-uwi sa bahay namin ay naabutan ko si mama na nagdidilig ng halaman sa bakuran namin.
"Oh! Ang aga mo ata anak?" -tanong ni mama ng mapansin ako.
"Masama pakiramdam ko ma." -sagot ko sa kanya.
"Pasok napo ako sa loob."-pa-alam ko kay mama.
"Sige, yung kambal tulog pa!"
"Nagmeryenda naba yun ma?" Tanong ko dito.
"Kumain na yun kanina bago natulog."
"Sige po, ma." Pa-alam ko ulit kay mama at nagsimula ng maglakad.
Nang may ma-alala ay tumigil ako saglit at bumaling kay mama.
"Nga pala ma, sinabi moba kay clark saan ang opisina ko?"
Nagtataka kong tanong dahil pano nalaman ni clark na doon ang opisina ko.
Tumigil saglit si mama at hinarap ako.
"May nangyare ba sa opisina?" naguguluhang tanong ni mama.
"Wala naman, nagtataka lang ako kong pano nalaman ni clark ang kompanya ko!"
"Hindi ko sinabi anak! Pumunta ba siya sa opisina mo?" Takang tanong ni mama.
Tumango lamang ako at nagpa-alam na, baka san pa umabot ang usapan namin ni mama.
Pagkapasok ko sa kwarto naming mag-ina ay naabutan kong mahimbing na natutulog ang kambal kong anak. Pinanuod ko muna sila na natutulog ng mahimbing bago kumilos para tabihan sila sa pagtulog.
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong wala na sa aking tabi ang kambal. Agad-agad akong bumaba para hanapin sila sa baba naabutan kong kumakain ang dalawa kasama ang kanilang lolo at lola. Agad gumaan ang pakiramdam ko.
"What's wrong mommy?" -gulat na tanong ni charlotte sa akin ng makita ang hitsura ko.
"Juskong bata ka! Anong nangyare sayo? Ba't ganyan itsura mo?" -si papa na sinusuri ang buong itsura ko.
Doon ko lang napansin na buhaghag ang buhok ko at naka-paa lamang nang makita ko sa side mirror ng sala namin ang istura ko.
"Nothing baby! Kain kana ulit!" -ngiti ko sa isang kambal na si charlotte.
Lumapit ako sa mesa kung saan sila kumakain.
"Mommy, Kailan namin makikita si daddy?" Biglaang tanong ni clerk na ikinabaling nila mama at papa sakin.
"Mommy, why kuya clerk and tito clark is magkamukha po?"
"Tapos yung name po nila magkahawig?" Pagpatuloy na tanong ni charlotte habang kunwaring nag-iisip.
What the hell! Mura ko sa aking isipan. Pano nasabi ni charlotte ang mga yan? Naguguluhan kong tanong sa sarili.
"Baby, your mommy is hungry. Let's eat first, okay?" pag-iba ni mama sa usapan.
"Okay po lola."
Agad akong nakahinga ng maluwag.
Pagkatapos kumain ay tumulong ako kay mama sa pagliligpit ng kinainan namin. Habang ang kambal ay nakipaglaro na sa kanilang lolo.
Naghuhugas ako ng plato ng magsalita si mama.
"Trixie! Kailan mo sasabihin na si clark ang daddy nila?"
"Hindi kopa alam ma,"
Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas ako ng kamay at umupo sa upuan na kaharap ni mama.
YOU ARE READING
Ml o Ako? (On-Going)
Teen FictionRequest lang to sakin na dapat one shot pero nagkaroon ng chapter😂