Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni shanaiah. Natatakot ako sa posibilidad na baka pagsinabi ko ang totoo sa kanya ay kami pa ang dahilan ng hiwalayan nila ni clark ayukong makasira ng relasyon. Hangga't kaya kong itago ang totoo gagawin ko.
Sa pagmuni-muni ko diko namalayang nasa hamba ng pintuan si troy at may kasamang babae. Diko man lang narinig na may nagdoorbell at namalayang umalis si mama sa kina-uupuan niya. Ganun vah kalalim ang iniisip ko.
Pagtingin ko sa kay clark ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Siguro'y nagtataka kung sino ang dalawang dumating.
"May bisita pala kayo?"-tanong ni troy ng makalapit sa kinauupuan kung sofa.
Tango lang ang naisagot ko sa tanong niya.
Napatitig ako sa babaeng kasama niya maganda, medyo maputi ng kunti sa'kin matangos ang ilong at sobrang pula ng labi hindi dahil sa lipstick kundi natural eto.
Tumikhim si troy ng mapansing nakatitig ako sa kasama niyang babae.
"Ah! Si hales nga pala!"-pagpapakilala niya sa babaeng kasama niya.
Agad kung tinanggap ang kamay ng babaeng kasama ni troy nakangiti eto habang nakalahad ang kamay. Sinuklian ko din sya ng ngiti.
"Trixie."-maikli kung sabi.
Bumaling ako kay shanaiah na tahimik lang na naka-upo sa sofa.
"Siya nga pala maupo kayo."-pag-anyaya ko sa kay troy at hales na maupo.
Lumapit si clark sa kinaroroonan namin. Na nagsalubong ang kanyang kilay.
"Magmeryenda muna kayo."-anyaya ni mama ng makabalik galing sa kusina. Sabay lapag sa dala niya at bumalik agad ng kusina siguro para kunin ang Juice.
"Siya nga pala! This is clark at si shanaiah gf niya."-pagpakilala ko kay clark at tinuro si shanaiah.
Nagtaka ako sa mukha ni shanaiah na pinipigilang matawa. May sinabi ba akong nakakatawa?.
Tumabi ng upo sakin si clark na ikinagulat ko.
Naglahad ng kamay si shanaiah kay hales.
"Shanaiah actually couzin ni clark!"-natatawang pagpakilala niya.
Nagulat ako sa narinig. Pinsan niya bakit baby tawag neto nong sa supermarket.
"Hales Calara."-nakangiting pagpakilala ni hales.
Ganun din ang ginawa ni shanaiah at hales nagpakilala sa bawat kasama nila.
Nang si troy at clark na ang nagpakilala ay biglang tumahimik ang paligid na tila ba may away na mangyayare sa pagitan nilang dalawa. Dahil mababasa mo sa bawat tingin nila sa isa't-isa.
Tumikhim si shanaiah para mawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Couz!"-tawag pansin ni shanaiah kay clark.
Tumuwid ng upo si clark sa tabi ko at bumaling kay shanaiah.
"Mommy!mommy!"-sigaw ng dalawa kung kambal at lumapit sa kinauupuan ko. Si clerk ay umupo sa gitna namin ni clark samantala si faith ay sa gilid ko naka-upo.
"Who is she?"-usisa ni faith at tinuro si hales na ngayon ay nakangiti sa kanya.
"Ah baby this is tita hales! Friend ng tito troy mo!"-sagot ko kay faith.
"You're so pretty tita."-pagpuna ni faith.
"Oh thank you baby girl. You too!"-malambing na sagot ni hales kay faith.
Ngumiti lang si faith kay hales at lumipat ng upo sa kay shanaiah.
Bumalik si mama at may dala etong pitsel na may lamang juice.
YOU ARE READING
Ml o Ako? (On-Going)
Teen FictionRequest lang to sakin na dapat one shot pero nagkaroon ng chapter😂