Chapter 15

27 4 2
                                    

A/N:
    Mag-uud ako kasi dipa ako tinamad😅. Enjoy sa pagbabasa kahit jejemon to at walang sense charring lang😅. Nga pala If binabasa niyo din ang "I'm Inlove With My chatmate" na story ko. Si Shanaiah yung Main character na babae doon na pinsan ni Clark dito. Salamat❣️

    Kinabukasan habang abala ako sa aking ginagawa sa loob ng opisina ko ay biglang pumasok si Lea sa pinto.

"Ma'am andito po si s-sir troy! Gusto ka daw niyang maka-usap." -Balisang sabi ni Lea.

Nagtataka ko siyang tiningnan kung bakit di niya eto agad pinapasok eh! Kung iisipin investor ko yun.

"Ba't dimo pinapasok Lea?" -nagtataka kung tanong dito.

"Eh! Ma'am, Naka-inom po kasi!" -deretsang sagot niya.

"Pinipigilan ko nga po eh! Baka magalit ka! Papasukin kona po ba?" -tanong niya.

"Papasukin mo!" -sagot ko sa kanya at bumalik na sa ginagawa.

"Sige po."

Lumabas na agad si lea sa aking opisina at ilang sandali lang ay bumukas ulit eto at iniluwa si troy na halatang lasing nga dahil muntik na etong matumba buti na lang ay malapit na siya sa sofa at doon siya bumagsak. Aga akong tumigil sa ginagawa at lumapit sa kanya lara alalayan siyang umupo.

"May problema kaba? Ba't ka naglasing?"  -tanong ko habang tinutulungan siyang umupo ng maayos.

"S-si mo-mmy!" -lasing niyang sagot.

Nang maka-upo na siya ng maayos ay bumalik ako sa swival chair ko at tinawagan si Lea para magpadala ng kape dito.

"Thank you lea." -sagot ko sa kabilang linya.

"May nangyare ba sa mommy mo?" -nag-alala kung tanong dito at bumalik sa kinaroroonan niya.

"Hik hik! Siya na l-ang laging nasusunod." -sagot niya.

Pina-inom ko siya ng tubig na nakapatong sa harap ng sofa at kahit papano ay medyo nawala-wala na ang pagiging lasing niya.

Tinitigan niya ako sa mata, "hik!Ikaw ang dahilan trex! HikDahil Mahal parin kita!" -deretsa niyang sabi habang nakatitig parin sakin.

"Lasing kapa!" -naiilang kung sagot at iniba amg paningin.

"Lasing man ako o hindi mahal kita!" -deretsa niyang sagot.

"Ma-" hindi ko natuloy amg sasabihin ko dahil bugla niyang siniil ng halik ang aking labi, kasabay non ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Clark. Naitulak ko ng malakas si Troy kaya muntik na siyang mahulog sa kinauupuang sofa.

"Busy huh!" -sabi ni clark ng makita si troy at habang umiigting ang panga.

Pagkatapos niyang sabihin ay bigla etong bumalik sa labas at walang sabi-sabi na umalis.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko agad na proseso ang pangyayare natauhan na lamang ako ng pumasok si Lea sa pintuan.

"Ma'am! Okay lang po ba kayo?" -nag-alalang tanong ni Lea sakin.

Tumango ako sa kanya, "Nakita moba san tumungo yung lalaking kakalabas lang dito?" Tanong ko kaya lea.

Hindi kona pinansin si troy pagkatapos sabihin Lea kung nasaan si clark ay mabilis akong lumabas at hinanap si clark. Pero wala akong makita kahit anino niya lamang.
Nakalabas na ako ng building pero wala paring clark.

"May hinahanap ka?" -Galit niyang tanong ng humarap ako sa kanya.

"It's not!what you think!" pagsisimula kung Paliwanag sa nakita niya kani-kanina.

"Don't deny it!" -nakatiim bagang niyang sagot.

Lumapit ako ng kunti sa kanya.

"Mali ang inakala mo!" -paliwanag kopa din sa kanya kahit ayaw niyang marinig ang paliwanag ko.

"Just go back to your office!" -pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya ako.

"Cla-" naputol ang sasabihin ko dahil hinakbang niya ng pagkabilis ang agwat ng layo namin sa isa't-isa.

Kinabahan ako sa bawat pagtitig niya sa akin.

"Why Are you explaining?" -nakatitig niyang tanong.

Makikita kopa rin sa kanyang mata ang galit dito.

Oo nga noh! Ba't ako nagpapaliwanag sa kanya. Gaga ka trexie nakalimutan muna bang siya ang unang nang-iwan sayo? Porket nakita ka lang niyang hinalikan ni troy hahabulin mo siya para magpaliwanag.

"Ba-babalik na ako sa loob." -pa-alam ko sa kanya habang di makatingin sa kanyang mata.

"Enjoy!" -malamig niyang sagot. At agad ng tumalikod sa akin.

Ganun na lang ang gulat ko ng lingunin niya ako na nakatayo padin sa kinatatayuan ko kanina habang nakatitig pala ako sa likod niya.

Sa gulat ko ay agad ko siyang tinalikuran at nagmamadaling pumasok sa loob.

"Si troy?" -salubong na tanong ko kay alexa ng magkasalubong kami.

"Umalis napo?" -sagot ni Lea.

Umalis? Ba't diko nakitang lumabas habang nag-uusap kami ni clark? Oh my! Don't tell me nagkita sila bago ko nakita si clark.

Nang makapasok sa opisina ay tiyaka ko lang narealize na nakasunod pala si Lea sa likod ko napansin ko na lamang ng makalapit ako sa table ko at humarap sa pinto.

"Maaga akong uuwi! Umuwi kana din Lea!" -sabi ko sa kanya.

"Okay po Ma'am! Okay lang po ba kayo?" -intrigang tanong ni Lea.

"Bakit naman hindi ako magiging okay?" -balik kung tanong sa kanya.

"Napansin kopo kasi kanina nagmamadali kayong lumabas tapos iniwan niyo si sir Troy dito!" -sagot niya.

"A-ahh okay lang ako! Wala yun." -peke kung ngiti sa kanya.

Nang makalabas si Lea sa opisina ko ay pinulot kona ang aking bag at lumabas na sa building para umuwi.

A/N:
    Did u know na di umabot ng 1k word yung ud ko😂😅. Ganyan po ako katamad hehe. Di joke lang hahaha di ako makapagfocus kasi maingay pinsan ko😂

Ml o Ako? (On-Going)Where stories live. Discover now