Prologue

105 39 15
                                    


Prologue


***

Sa isang payapa't madilim na lugar ngunit sapat na ang ilaw mula sa buwan. Narito ako kasama 'yong taong bumuo sa aking pagkatao.

Malamig na hangin ang dumadampi sa aming balat habang nakapulupot ang braso niya sa akin. I appreciate this moment, I really love being with him.

"Thank you." Mahina kong sambit habang nakatingin sa kawalan.

"Para saan?"

"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ito." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin at ipinatong ang baba sa aking balikat.

"Ano bang nararamdaman mo? O baka masarap lang ang yakap ko?" Natatawa niyang tanong. Maloko talaga. Kahit kailan talaga 'tong taong 'to.

"Ako na ata 'yong pinaka masayang babae dahil sa mga oras na 'to, alam kong akin ka at sa'yo ako." Mahina kong sambit habang nakatingin sa tanawin mula dito sa itaas ng balkonahe.

Marahan niya akong iniharap sa kanya at hinawakan ang aking pisngi. Kitang kita ko ang ganda ng mga mata niya na kahit kailan ay hindi nakakasawang tignan.

"Bakit parang may iba ka pang ibig sabihin? Talaga namang akin ka lang at sa'yo lang ako." Sinusubukan niyang baguhin ang seryosong aura ng usapan kung kaya't ngumingiti siya na lalong nagpapatunaw ng puso ko.

"Wala akong ibang ibig sabihin, masaya lang ako na mahal natin ang isa't isa.. sa mga oras na ito." Saad ko kaya ngumiti siya't hinawakan ang aking mga kamay. Saka ako ginawaran ng halik sa aking pisngi.

"Sa mga oras na 'to? Buong buhay ko handa akong mahalin ka, hindi lang sa mga oras na 'to. Ano ba talagang ibig mong sabihin?"

Lumakas ang tibok ng puso ko na alam kong hindi bago lalo na kapag siya ang kasama ko. Grabe naman kasi 'to magpakilig.

Natawa 'ko sa mukha niya, seryoso siya pero parang nakangiti ang mga sinasabi niya. Ganap na ganap din 'yong seryoso niya eh.

"Ako rin naman, sa'yo ang puso ko hanggang sa huling mga sandali. Wala akong ibig sabihin, tandaan mo na lamang na kahit anong mangyari, ikaw at ikaw lamang ang pinaka minahal, minamahal at mamahalin ko." Sa mga salitang 'yon, tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Magtapat ka nga sa'kin. May tinatago ka ba? Ano 'yon? Ano bang problema mo? Naguguluhan na 'ko."

Rehistrado nga ang pagtataka at pagka gulo sa mga mata niya.
"Walang problema at wala akong tinatago. Hindi ko lang alam kung anong kahihinatnan natin sa mga susunod na araw." Nanghihina kong pahayag.

Hinila niya ako ng marahan at niyakap ng mahigpit. Amoy na amoy ko ang pabango niya na noon pa man ay inaanyaya na kong amoy amoyin siya.

"Sshh. You are being paranoid, again. I can't promise to make you happy everyday but I'll be always here beside you who'll not stop on trying and doing things just to make you happy. I won't leave you because that thing will be my death."

Nararamdaman ko ang pagka seryoso sa bawat salitang 'yon. Minsan talaga magsalita pa lang siya alam  na agad na seryoso ang timpla niya.

At, sa mga salitang 'yon, tuloy tuloy nagbagsakan ang mga luha ko. Tila nabuhay din ang pag asa at katatagan ng puso ko.

"Losing you will also be the reason of my death."

It's true. Death is the only thing that could make us apart. Isipin ko pa lang na mangyari 'yong nangyari sa amin ng past ko? Sobrang nanghihina na 'ko. Ang sakit isipin no'n at masasabi kong mas masakit kapag siya ang nawala kaysa noong unang beses akong nawalan.

Hindi ko malaman kung saan ako humuhugot ng mga salita para sabihin 'yon. Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Siguro nga napa praning lang talaga 'ko.

Basta ang gusto kong malaman niya ay handa ko siyang ipaglaban ano mang pagsubok ang ibigay ng tadhana. Ayoko ng ulitin ang nangyari noon. Hindi ko siya itutulad sa lalaking hindi ko naipaglaban. Pero bakit ko nga ba ipaglalaban 'yon past kong 'yon? Siya rin naman mismo ang umayaw sa'kin kaya para saan pa't ipaglaban ko siya?

"Pfft. Ang seryoso mo, ha? Mahal na mahal mo talaga 'ko, walang palya at halatang halata." Tatawa tawa nitong saad. Nakayakap pa rin siya sa akin at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Kinikilig siguro 'to. Haha! Seryoso na ang usapan, binasag niya pa. Pero, okay lang. Ayoko rin naman masyado ng seryoso.

"Hindi ko rin akalain eh." Natatawa ko ring sagot sa kanya.

"Gwapo ba naman ang maging boyfriend mo, malamang 'yan hindi ka na maghanap ng iba."

"Assuming ka pa rin talaga. Sige, pagbibigyan kita. Gwapo ka naman talaga, mahal na mahal ko pa."

"Wanna know a fact?" Kinilig ba 'to para ilihis ang usapan? Ano naman kayang kalokohan ang sasabihin niya? Haha. Okay na sana eh.

"Ewan ko sa'yo. Ang hilig mong mambasag ng moment." Nagtatampo kong tinig sa kan'ya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Magsasalita pa sana 'ko dahil hindi niya ko sinagot kaso nagawa niya ng tunawin ang puso ko sa mga salitang sinambit niya.

"I love you more than you love me, Astryd. I love you more than you think. I love you more than I expected. I love you more than anyone could think I do. I love you more than much. Words won't be enough to describe on how much I badly inlove with you. And, that's the fact."

Hindi ko magawang magsalita sa halip ay nakangiti akong nakatanaw sa kalangitan na puno ng tala.

Siguro nararamdaman niya rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobra niyang pinatibok ang puso ko dahil sa mga salitang 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Akala ko walang nang mas ihihigit sa pagmamahal na naibigay ko sa past ko, meron pa pala. Masaktan man ako, hinding hindi ko pagsisisihan na minahal ko siya.

Sa ngayon, itong lalaking nakayakap sa akin at itong lalaking mahal na mahal ko, hindi ko hahayaang mawala siya sa akin at kahit pa ayawan niya 'ko, hinding hindi ako papayag.

Alam ko rin namang imposible na ayawan at iwan niya ko, hindi ko lang din maiwasan na mangamba na baka dumating sa point na matulad kami sa past relationship ko. 'Yon ang ayaw kong mangyari. That thing was just traumatic. Sobrang dinurog ang puso ko noon na siya namang binuo ng lalaking mahal ko ngayon.

***

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon