Chapter 18: Slap

8 5 1
                                    


Chapter 18: Slap

***

Kade's POV

Kakatapos lang namin kumain at kasalukuyan kami ngayong nasa cafeteria.

Canteen na lang. Puta ang common ng cafeteria eh. Hahaha!

"Balita ko naka balik na daw yung grupo nila Knox ha." Primo.

"At ang nakaka gago do'n ay kakapasok lang nila may atraso na agad sa akin yung tropa nila."

Kanina ko pa napapansin 'yang mukha ni Dynamo. Bukod sa mas may dating ako sakanya ay mukhang problemado siya.

"Ano, resbakan na 'yan agad. Sino ba sakanila?" Tanong ko.

"Si Kadiñez. Tangina no'n. Kakapasok lang, dumidiskarte na naman kay Heidi." Nakita ko ang nababanas na mukha ni Dynamo.

Patay na patay talaga 'to kay Heidi. E puta hindi naman gano'n kagandahan 'yon. Kung tutuusin mas maganda mga chikas ko sa girlfriend niyan ni Dynamo e.

"Riot na naman. Bangasan na 'yan. Hindi na pinapatagal 'yan." Natatawang tugon ni Primo.

Nilingon ko si Saxon na hindi nagsasalita. Ano naman kayang problema ng isang 'to? Puro problemado ata sila.

"Hindi tayo pwedeng kumilos agad. Alam niyo naman ang katungkulan ko rito. Pati na mga grandparents ko. Yare na naman ako pag nalaman nila yung gusot ko." Dynamo.

Sa bagay. Ang akala niyo ba si Dynamo lang ang kinausap ng pamilya niya tungkol sa nangyaring away? Aba nagulat kami no'ng pinatawag kami at pinag sinabihan. Daig pa mga magulang namin no'ng pinagsabihan kami.

Halatang strikto ang pamilya nila Dynamo. Sadyang pinalaki silang responsable. Pero itong si Dynamo, ewan ko lang kung matino yang ungas na 'yan.

"Hindi ba tayo papasok sa klase natin?"

Napatingin kami kay Saxon. Wala ata siyang gana mag ditch class ngayon. Kapag wala kaming magawa 'yon ang kadalasan nangyayari.

"Wala namang gagawin ngayon e. 'Wag na tayo pumasok." Lakas maka impluwensya nito ni Primo.

"Ay teka may gagawin pa pala kami." Tumayo na si Dynamo at umalis.

Pambihira naman 'yon. Sarap upakan. Ano naman kayang pagkaka abalahan no'n? Hoo! 

"Aalis na rin ako."

Hindi pa kami nakaka reak ni Primo ay iniwan na rin kami ni Saxon. Aba anong problema ng mga hayop na 'yon. Taenang 'yon. Wala ata sa sarili niya.

"Anyare kaya ro'n? Baka napagalitan uli ng ama niya?" Tanong ko kay Primo na nakatingin lang kay Saxon na paliko na ng daan.

"Aba malay ko. Mukha bang kasama niya ako sa bahay para malaman 'yon?"

Binatukan ko nga siya. Inanto napaka pilosopo.

"Aray ko. Tanginamo, Kade!" Kakamot kamot ng ulong reklamo ni Primo.

Mukhang tanga ampotang Primo. Haha!

"De seryoso, Prims. Baka may problema 'yon."

Isang beses pa lang namin nakilala ang tatay ni Saxon. Sa tagal ng pagkakaibigan namin. Masasabi kong masungit 'yon at strikto. Malayo ang loob ni Saxon do'n na halata naman base sa kwento niya sa'min dati.

Pero ilang beses na namin nakita at nakausap si Tita Seline. Kadalasan pa nga kaming nililibre sa labas eh. Pero hindi  pa kami nakaka apak sa bahay nila. Hays.

Kilala na namin ang halos buong pamilya ng bawat isa maliban kay Saxon. Kami ang nahihirapan sa sitwasyon niya. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon