Chapter 2: He's my Weakness

55 31 11
                                    

Chapter 2: He's my Weakness

***

Astryd's POV

Narito kami ngayon sa gymnasium para sa P.E class namin kay Mr. Aris. Kasalukuyan akong nakaupo sa bleacher at pinapanood ang mga kaklase kong naglalaro ng Volleyball. Ilang beses din ako muntik ng matamaan mabuti na lang at aware ako.

Napalilibutan kasi ng bleacher ang dalawang gilid ng gymnasium. Sa kabilang bleacher nakita kong nakaupo si Luvierre kasama ng tatlong lalaki.

Mula no'ng dumating si Luvierre may mga ibang section na ang nakiki sit in sa amin. Mukhang matagal na silang magkaka kilala. Base sa tawanan nila at asaran. Sa katunayan, pamilyar ahng dalawa.

Hindi ko pa nakitang tumawa si  Luvierre. Pinaglihi ata siya sa sama ng loob eh. Isang ngiting tipid lamang parati ang ibinibigay niya sa mga kaibigan niya. Pagdating naman sa ibang tao, lagi lang siyang nakasimangot.

I wonder kung gaano siya kaamo kapag naka ngiti. Habang pinagmamasdan ko sila ng mga kaibigan niya, Napatingin ang isa sa akin. Kung hindi ako nagkakamali siya yung minsan ko ng nakita sa bahay kasama si kuya.

Mukhang sinabi niya ito sa mga kasama niya kaya naman nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit sila.

Wth?

Kasama rin pala nila si Dynamo Axl Firadel. Guess who? Kuya ko. College na dapat 'yan e kaso maloko kaya ayan repeater. Isang taon lang ang itinanda niya sa akin, kaya  napagkakamalan na mag kambal kami.

No'ng nakita kong papalapit na sila. Aalis na sana ako nang makita ko si Luvierre na nakatingin ng diretso sa akin. Mas lalo tuloy akong na conscious. Baka mukha na akong haggard, kakatapos ko lang kasi mag laro. Habang siya fresh looking pa rin. Bakit pinapayagan ng mga teacher ang kaibigan ni Luvierre na maki sit in sa amin lalo na't may klase rin sila ngayon. Unfair.

"Hey, little sister! Kumusta? Mukha kang ipis na pagod, ha?" Bungad na saad niya sa akin. Nakakainis tong si kuya. Hmp.

Sinamaan ko siya ng tingin at sumagot, "Kung ako mukhang ipis, ikaw amoy daga! Pwede ba kuya kung wala kang magandang sasabihin, h'wag ka na lang magsalita!"

Tumawa siya ng malakas. Ako na naman ang nakita nitong kuya ko. Bago pa 'ko makipagtalo sa kanya, napagpasyahan kong umalis. Tumayo na 'ko at nagsimulang maglakad papunta sa kinauupuan nina Aoi.

Bago pa man ako makalayo, may naririnig na 'kong papalapit na footsteps. Hindi ako tanga para hindi malaman na si kuya 'yon. Ano na naman kayang kailangan niya sa'kin?

Hindi ko pinansin ang pagsunod niya. Makakalayo na sana ako nang bigla na lang may humila sa akin pabalik. Sino pa nga ba? Napaka kulit naman nitong si kuya.

"Ano na naman 'yon?"

Instead of answering me. He leaned forward to grab my wrist. He walks towards to his friends while pulling my wrist.

"Let me go. Ano bang kailangan mo?" Asik ko habang nagpupumilit bawiin ang braso ko.

Nakita kong nagtatawanan sila no'ng makalapit kami ni kuya. Panira naman kasi 'tong si kuya. Nahihiya nga ako sakanila. Siyempre, hindi ko naman sila kilala eh. Nakita kong ngumiti si Luvierre ngunit tipid pa rin. He looks gorgeous wearing his smile.

"I'm sorry, little sis.." Binitiwan niya na ang wrist ko at napakamot sa ulong tinignan ang mga kaibigan niya at ibinaling sa akin ang tingin.

"Gusto lang kitang ipakilala sa mga kaibigan ko. Isa pa, sila naman talaga ang namilit na ipakilala kita." Ano kayang nakain ng kuya kong 'to? Eversince, wala pa siyang pinapakilala sa akin na mga kaibigan niya. Pamilyar ang mukha ng mga kaibigan niya. Matagal ko na silang nakikitang magkakasama pero hindi ko naman sila pormal na kilala  Ewan ko ba diyan kay kuya. Madamot 'yan sa kaibigan, habang 'yong mga kaibigan ko naman kilala niya.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon