Chapter 20: Featherheaded

9 4 0
                                    

Chapter 20: Featherheaded

***

Primo's POV

"Hi Primo! Let's go on a date."

"Primo. Pansinin mo naman ako."

"Hello, young handsome."

Sa araw araw ko ba naman dito sa school. Wala na akong ibang naririnig kundi ang mga pag bati ng chix ko rito. Minsan tuloy naaawa ako sa mga kaibigan ko. Parang lahat kase ng babae, sa akin nahuhumaling. Naaangatan ko na ata ang pagka maganda nilang lalaki. Primo Hudson lang naman ang kaharap ng marami kaya paanong may makakatalo sa ganda kong lalaki.

Nakangiti lang ako sa mga babaeng pumupuna sa akin. Ang iba naman ay parang hihimatayin sa kilig sa tuwing kikindatan ko. Ako lang naman 'to. Hirap maging gwapo.

"Hey, kilala niyo ba 'yong transferee?"

"I heard that handsome guy named Saxon Luvierre."

"Really, girls? It should be me the one who'll first to hit on him."

Aba. Mukhang may kaagaw na ako sa trono ng pagiging gwapo. Ayos lang. Tropa ko naman 'yon. Isa pa talaga namang gwapo 'yong tropa kong 'yon. Wala pangit sa'min kaso nga lang ako ang pinaka gwapo sa lahat.

Kakatapos lang ng try out para sa new members ng Badminton. Bilang isa ako sa kilalang magaling na Badminton player. Syempre ako din ang naging temporary coach ng bagong salta. Kaya heto ngayon ang gwapo. Papunta sa cafeteria. Gutom na 'ko. Pero bakit ang gwapo ko pa rin? Hays.

Hindi nahinto ang ilang papuri sa akin. May mga bulungan at papuri rin para kay Saxon, Kade at Dynamo. Pero dahil POV ko 'to. Gusto kong iexpose kung gaano 'ko ka gwapo.

Pero akalain niyo 'yon? Pati si Saxon kasama na sa pinupuri ngayon. Iba talaga ang dating ng tropa ko. Astig.

"Girls. I saw Saxon Luvierre at the cafeteria! He's so damn sexy! "

"Yeah, you're right! I want to lock his reddish lips using my kissable lips."

Kakaiba 'yong mga bulungan na 'yon. Ang pupusok. Ayaw ba nila sa lips ko? Matamis 'to parang strawberry.

Marami pa akong narinig na  bulungan pero masyado ng mahina. Nakaka sawa na nga marinig ang bulungan nila kasi masyado ng lumalaki ang ulo ko. Gwapo mo talaga, Primo.

Malapit na 'ko sa cafeteria nung biglang may bumatok sa ulo ko mula sa likod. Aray ko naman. Nagulo na siguro yung magandang ayos ng buhok ko. Hayop na 'yan. Sino ba 'yon?

"Tangina, Prims. Anong akala mo sa nilalakaran mo? Red Carpet? Daig mo pa 'yong bride na naglalakad sa aisle. Hahaha!"

Hayop na Kade 'to. Siya pala ang bumatok sa'kin. Kinumpara pa 'ko sa bride. Lakas ng tinama.

"Ulol. Natutuwa lang akong marinig na pinupuri ako ng mga chix ko." Biro ko saka kumindat.

Nandoon na sa cafeteria sina Saxon at Dynamo. Marami ng pagkain do'n at mukhang nagkaka siyahan ang mga gago. Teka? Totoo ba 'tong nakikita ko?

Si Saxon? Nakangiti? Aba. Kaya siguro marami ng nahuhumaling sakanya. Ngingiti nga rin ako para naman hindi maagaw ang trono ng pagiging gwapo.

Nang makarating kami sa table ay nahinto sila sa pagtawa at napalingon sa amin ni Kade.

"Lakas mo, Primo. Puro Saxon nga ang laman ng bulungan ngayon ng mga babae. Mangarap ka!" Tumawa na naman si Kade. Gago to ah.

Kinuha niya ang chips at binuksan 'yon. Lumamon muna ako bago rumebat.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon