Chapter 12: Unusual Action
***
Dynamo's POV
Friday.
Narito kami ng pamilya ko sa dining area para kumain ng almusal. Isang linggo na mula nang pormal kong mapa kilala ang girlfriend kong si Heidi.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may duda si Dad at Lola kay Heidi. I feel sorry for Heidi because of what they said last week.
Hanggang ngayon tuloy tinatanong pa rin niya ako kung bakit ganoon na lang ang Dad at Lola ko sa kaniya. Hindi man nagsalita si Astryd noon, ramdam kong hindi niya rin gusto si Heidi.
Kung tutuusin mas matanda si Heidi sa kaniya ng isang taon, ka edad ko si Heidi na siya rin dapat normal at nararapat na irespeto niya rin ito sa kabila ng ugali ito. Pero, ano man ugali ng kapatid kong 'yon, mahal ko pa rin naman 'yon at lamang ang pagmamahal ko sa kaniya kaysa sa girlfriend ko.
May narinig kaming mga yabag na pababa at paniguradong si Astryd ito dahil nakasanayan na naming siya ang huli sa lahat kung bumaba para sa almusal.
Hindi ko siya nilingon at inaasahang babatiin kami ng masigla tulad ng ginagawa niya kada umaga. Tahimik lang siyang umupo sa tabi ni Mom at nakatingin sa pagkaing naka hain.
"Good morning, baby. Kain ka na." Sinubukan ni Mom na kausapin si Astryd.
Si Dad naman ay nakikiramdam lang pero nakatingin kay Astryd at Mom. Hindi sumagot si Astryd, nakaupo lang siya at malamig na nakatingin sa mga pagkain.
"Good morning, baby girl. What's with that face?" Pagbati ko rito nang mapansin na wala siyang balak sagutin si Mom.
"Astryd, you've been like this for almost a week. Ano bang nangyayari sa'yo? 'Yong Versallez na naman ba na 'yon?" Si Dad naman ang nag salita. Matutunugan ang pag aalala dito.
Sa wakas ay napansin na kami.
Matipid na ngumiti si Astryd bago nagsalita, "I'm fine. Don't mind me.""Anak, ano ba talagang nangyayari sa'yo, ha? Akala mo ba hindi namin napapansin. Please anak, huwag mo naman itago sa amin ang problema mo." Nag aalalang sambit ni Mom.
Isang linggo na siyang ganito. Akala namin may tampuhan sila ng mga kaibigan niya o wala lang siya sa mood kaya siya ganito ngunit bigo pa rin kaming malaman ang tunay niyang dahilan. Tama nga kaya ang hinala namin na si Versallez na na naman ang problema nitong kapatid ko? Matagal tagal na rin naman mula noong mag hiwalay sila, ganoon ba kahirap talaga para sa kanya na kalimutan si Versallez?
"Dad, Mom, Kuya, I'm perfectly fine. Bakit ba kayo nag aalala? Hahaha! Wala naman akong problema eh." Kung kanina ay malamig ang tingin niya, ngayon naman ay kahit nakangiti siya at kahit marinig ang tawa niya ay mahahalataan na peke lang 'yon at may pait sa tinig niya.
"You sure? Don't lie to us, baby girl." Sagot ko sakanya. Hindi niya ako maloloko. Seryoso ko siyang tinignan.
"Hey, kuya! Mukha kang seryosong palaka. Screw that ugly face nga! Hahaha!" Nang aasar na baling niya sa akin. Kahit anong sabihin niya, hindi niya maiaalis ang lungkot sa mata niya.
"Alright, baka akala lang natin 'yon. Sa bagay, umaga nga naman kaya bangag pa ang baby ko. Tama?" Pag sang ayon ni Mom. Mukhang hindi niya natutunugan si Astryd. Magaling umarte 'tong kapatid ko eh.
Ang buong akala ko ay naniwala si Mom sa kanya ngunit nang hindi na nakatingin si Astryd sa amin ay tinanguan nila ako ni Dad. 'Yong tango na nagsasabing 'intindihin na lang natin siya.'
Sumang ayon na rin si Dad kuno kaya wala na 'kong nasabi kundi ipagpatuloy ang pagkain ko.
BINABASA MO ANG
From What Fate Brings
RomanceHindi maikakaila na lahat tayo ay may kanya kanyang ugali, paniniwala, pinagmulan at kinagawian. Si Astryd ang isa sa mga babaeng iniwan at hirap na hirap sa pag move on. Isa siya sa tipo ng babae na kapag nagmahal, nahiya ang salitang todo sa kung...