Chapter 16: Jealous

10 4 0
                                    

Chapter 16: Jealous

A/N: I want to put some Point of Views of other characters so that you guys can also see their perspective:)

***

Daviena / Davi's POV

"What's happening?!"

"Woah!? Ano 'yan, Astryd?"

"Explain this, now! Kayo na ba ni Saxon?!"

Sabay sabay naming gulat na reaksyon nang masaksihan namin ang sitwasyon ni Astryd at Saxon.

Sa pagkaka alam namin ay hindi pa nakaka move on totally si Astryd pero laking bigla namin nang makita ito.

Hindi sa galit kami pero naguguluhan at nagtataka kami dahil hindi naman sa amin naikwento ni Astryd kung may namamagitan sa kanila tapos ganito na lang ang maaabutan namin?

Nakita ko ang unti unting pag dilat ni Astryd ng kanyang mata at agad sumalubong ang naguguluhan naming mga tingin.

Nakita ko rin na medyo lumayo si Saxon kay Astryd na siyang ikina singhal ko.

"Hoy hoy ikaw! Anong ginagawa mo sa kaibigan namin? Aba kung hindi kami dumating ay baka nagawa mo na ang kababuyan mo. Aba!" Hinila ko ang sleeves ng polo niya at agad siyang nilayo kay Astryd.

Umupo ako sa tabi ni Astryd kung saan kanina nakaupo si Saxon.

"Astryd. What was that?!" Narinig kong oa na tanong ni Ravine.

"Mukhang nakagulo tayo sa moment nila. Siguro kailangan muna natin silang iwan." Nabaling namin ang atensyon kay Aoi. Natatawa nitong pinagmasdan kami dahil sa nagtataka naming mga tingin dahil sa sinabi niya.

Maloko din talaga 'tong si Aoi. Kotongan ko kaya siya. Grr!

Nakita ko si Saxon na mukhang aalis na at tatakas kaya agad ko siyang hinila pabalik. Walang emosyon itong napalingon sa amin matapos ko siyang hilahin pabalik.

"Hoy, ikaw! Saan ka pupunta? Aba hindi porket may utang na loob kami sa'yo dahil sa pagligtas mo kay Astryd ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo sa kanya!" Mahaba at malakas na tinig kong saad.

Nangingibabaw ang boses ko sa buong clinic na siyang ayos lang dahil wala pa ang Doktora dito.

Nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo at dahan dahang napangisi.

"Tone down your voice, will you?" Mahinahon nitong tanong sa amin ngunit hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang labi.

Napatingin ako kay Astryd at nahihiya lang itong ngumiti sa akin. Namumula ang kanyang mukha na malamang dahil sa kahihiyan. Haha!

Napasinghal ako sa sinabi niya at sa tingin niya ay magagawa pa naming hinaan ang boses namin?!

"How dare you to kiss our Astryd?!" Nagulat kami kay Ravine nang abutin niya si Saxon at mariing piningot ang tenga.

Patago akong natawa dahil sa ginawa ni Ravine pati na si Aoi na mahinang humahalakhak. Ngayon ko lang siya nakitang ganito tumawa. Loka.

Nakita namin ang pag ngiwi ni Saxon ngunit hindi niya ganoon pinapahalata.

Parang isang kisap mata na sa isang iglap ay hawak na ni Saxon ang kamay ni Ravine na pinang pingot sa kanya.

"How dare me? So ikaw ba ang dapat halikan? " Laglag panga kaming tumingin sa seryosong si Saxon.

Napailing si Aoi sa may gilid habang nakatingin lang si Astryd sa kanila.

Is he a psycho? What the?

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon