Chapter 4: A Little Talk

55 29 2
                                    


Chapter 4: A Little Talk

***

Astryd's  POV

"Kuya Dynamo!" Malakas na pagtawag ko kay Kuya habang tumatakbo.

May kasama siyang babae habang papunta sa direksyon patungo sa Cafeteria. Sa tingin ko bagong babae niya na naman 'to. Hindi na talaga nag tanda itong taong 'to.

"Kuya!" Mas malakas pa sa sigaw ko kaysa kanina. Breaktime kasi namin ngayon kaya crowded at maingay. Malamang ay hindi talaga ako marinig ni Kuya.

Nahinto ako sa pagtakbo dahil sobra na 'kong hinihingal. Napaka bingi naman kasi ng taong 'yon. Hirap habulin.

Habang naglalakad ay natatanaw ko pa rin naman sila. Naka akbay siya sa babae, mukhang nag uusap sila kaya hindi ako marinig ni Kuya.

"Kuya! Hoy, Kuya!" Nilakasan ko pa ang boses ko pero wala. Natanaw ko na lang na naka pasok na sila sa cafeteria. Bungol naman no'n.

"You're so loud." Narinig kong komento ng tao sa gilid ko.

Napahinto kasi ako sa paglalakad at pansin ko rin ang ilang mga estudyanteng nandito sa gilid dahil may kanya kanya silang circle of friends na kasama. Nagkalat ang mga estudyante na patuloy nagdadaldalan.

"Mr. Luvierre." Pagbanggit ko sa pangalan nang taong narinig kong nag komento.

Sa halip na sagutin ay tinalikuran niya 'ko. Kita mo 'yon, siya 'tong papansin tapos kapag napansin, kikilos na parang ako pa ang nagpapansin. Akala ko'y didiretso alis na siya ngunit lumingon uli ito't nagsalita.

"Saxon would be better to hear."

Napaka arte naman ng taong 'to. Eh parte pa rin naman ng pangalan niya 'yon. Tatalikod na sana uli siya pero agad akong nagsalita kaya wala siyang nagawa kundi ang harapin ako ng tuluyan.

"Can we talk?"

Sa maikling sinabi ko ay ilang bulungan na ang narinig ko. Mga chismosang palaka. Sino ba sila para makinig sa usapan ng taong hindi naman nila lubos na kilala. Ano pa nga bang i-eexpect kong bulong nila? Siyempre, puro negatibo ukol sa'kin. Hindi bale na, hindi ko naman 'yon iintindihin at wala rin akong pake.

Naniningkit ang mga mata niya nang tignan ako ng diretso sa mata, tila binabasa ang nasa isip ko.

"About?" Malamig nitong tanong sa'kin.

"'Yong nangyari no'ng Tuesday."

"We are going to talk about every single details of what happened last Tuesday?" Sarkastiko nitong patanong na tila pinipilisopo ako.

"Seryosohin mo naman. Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." Naiinis kong reklamo sa kanya. Daig pa niya ang bata, kailangan ko pa bang i-explain?

"Mukha bang nakikipag lokohan din ako sa'yo?"

"Tsk. Kailan ka ba free?" Pag iiba ko ng usapan. Kinabahan kasi ako sa timpla ng mukha niya.

"I have limited time and as of this moment, you're wasting it."

Daig pa nito ang may business meeting. Ang overacting niya naman. Inaaksaya ko daw ang oras niya? Parang saglit lang eh.

"Sorry naman. Mamaya na lang tayo mag usap. H'wag kang mag alala, ililibre kita." Kinindatan ko siya at tinapik sa braso. Naging boyish tuloy ako. Ang awkward niya kasi kausap, bukod doon ay sandamakmak na bulungan na ang naririnig ko.

"After class at the Fitcup."

Akala ko'y hindi ko na siya makukumbinse. Mabuti na lang at pumayag siya. Tinapunan niya muna 'ko ng malamig na tingin bago ako tuluyang iniwan sa kinatatayuan ko. Kakausapin ko lang siya para mag apologize, kailangan ko pa tuloy gumastos sa kanya mamaya. Nag iipon pa naman ako. Hayaan na nga, minsan lang naman.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon