Chapter 19: Slow Motion***
Astryd's POV
Hindi ko namalayan na dito ako sa rooftop dinala ni Saxon. Sadya sigurong na space out ako sa nangyari kanina at sa kung anong nagawa ko kay Madeline.
Ano naman kayang nakain ni Saxon at dito niya 'ko dinala? Tiyaka ano ring pakealam niya sa nangyari kanina? Pero nagpa pasalamat pa rin ako na inilayo niya 'ko ro'n. Hindi ko na ata kilala sarili ko.
"Why did you brought me here?"
Kahit alam ko ang sagot hindi ko maiwasan na hindi magtanong.
"Do you know what fuck you've done?"
Bukod sa naiinis na tinig ay wala naman akong matunugan sa pagkakatanong niya. Pero bakit siya maiinis?
"Concern?"
"Hell no. Just worried about what other could say especially you're Dynamo's sister."
"Tss. Pareho lang 'yon."
"Anong eksena 'yon? Hindi ka naman gano'n kaya--"
Hindi ko siya pinatapos magsalita.
"Don't act like you know everything about me."
"Did I?"
"Ano bang kailangan mo?" Naiinis kong tanong dahil parang nang aasar siya. Wala naman akong panahon makipag lokohan sa kanya ngayon.
"Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob sa taong nag ligtas sa'yo?"
Napaiwas ako ng tingin dahil alam ko ang tinutukoy niya. Mainit ang panahon pati na ang hanging dumadampi sa balat ko. Lalo tuloy akong naiirita.
"Thank you for everything." Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya.
Naguilty ako sa ikinilos ko sa kanya. Ang sama ng ugali ko. Sa kabila ng mga pagkakataon na tinulungan niya 'ko, ganito na nga lang ba ako tumanaw ng utang na loob?
"Tss."
Nakita ko siyang tumalikod saka namulsa.
"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" Pagtatanong ko pa.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang alin?"
"Akala mo ba hindi ko nakita yung nangyari kanina."
"Ano naman kung nakita mo?"
Bakit ba ang maldita ko ngayon? Hindi ko rin makontrol ang pagiging maldita ko. Argh. C'mon, Astryd. Kumalma ka nga.
"Warfreak ka ba?"
Hindi. Gusto ko siyang sagutin pero nanahimik na lang ako. Kahit naman sinong hindi ako kilala kapag ganoon ang nakita, 'warfreak' ang magiging tingin sa'kin.
"Hindi mo alam ang tunay na nangyari."
Bakit ba ang big deal sa kanya ng ginagawa ko? Pake niya ba? Humarap siya sa'kin saka ako tinignan ng diretso sa mata.
Humangin ng malakas at tinatangay ang magulo niyang buhok. Teka bakit parang humihinto ang paligid? Malapit na 'ko maniwala na supernatural ang lalaking 'to. Wah! Bakit ganito?
"Gwapo ko 'no?"
Ano daw? Kung gaano kalakas ang hangin, gano'n din kalakas ang hangin niya sa sarili. Napasinghal ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Ang moody niya. Kanina lang seryoso siya, ngayon naman nakaka loko ang mga sinasabi niya. May sakit nga 'to sa ulo.
BINABASA MO ANG
From What Fate Brings
Storie d'amoreHindi maikakaila na lahat tayo ay may kanya kanyang ugali, paniniwala, pinagmulan at kinagawian. Si Astryd ang isa sa mga babaeng iniwan at hirap na hirap sa pag move on. Isa siya sa tipo ng babae na kapag nagmahal, nahiya ang salitang todo sa kung...