Chapter 21: Fun from Club

8 4 0
                                    


Chapter 21: Fun from Club

***

Kade's POV

"Where the hell are we going?"

Halatang naiinis na ang mukha ni Saxon. Ito naman kasing si Hudson. Kung anong maisipan, saka niya gagawin. Dinamay pa kami.

Inakbayan ni Primo si Saxon. Nandito kami ni Dynamo sa likod nila. Natatawa kami dahil kanina pa tanong ng tanong si Saxon pero walang sumasagot.

"Easy ka lang, Sax. Masaya ang pupuntahan natin." Sa wakas sinagot na siya ni Primo.

Hindi ko alam kung saan talaga kami papunta. Nasa loob lang kami ng school. May iba pa bang masayang lugar dito sa school na hindi ko alam? Parang wala naman.

"Siguraduhin mong masaya 'yan, Hudson." Sabat ng katabi kong si Dynamo.

"Naman. Trust me." Nilingon niya kami at kinindatan.

Ano na naman kayang kalokohan ang nalalaman nitong si Primo. Nanahimik na si Dynamo. Napansin kong kanina pa niya tinitignan ang cellphone niya. Mukhang may inaantay ang ugok.

"Hindi mo ata kasama ang girlfriend mo?"

"May lakad daw eh." Sagot ni Dynamo sa akin.

Hindi na lang ako sumagot. Paanong may lakad? May lakad kasama si Kadiñez? Nakita ko sila sa kabilang gawi, naglalakad magkasama. Ano kayang ibig sabihin no'n? Saka ko na lang sasabihin kapag sigurado na 'kong totoo ang hinala ko.

Filipino Club

Basa ko sa nakasulat mula sa taas ng pinto. Anong kalokohan at bakit dito kami dinala ni Primo? Kupal talaga 'yon. Nanti trip na naman.

"The heck?! Ayoko rito." Nakabusangot na saad ni Saxon. Kahit kailan talaga ang init ng ulo nito.

"Anong katarantaduhan ba 'to?" Dynamo.

"Relax mah men. Akong bahala sa inyo. Masaya daw dito sabi ng mga chikas ko."

"Lintek naman, Prims. Nakikipag chismisan ka na sa mga babae?" Natatawa kong baling sakanya.

"Ang dami niyong satsat. Tara pumasok." Nauna siyang naglakad papasok.

Hindi namin siya sinunod. Nakatingin lang kami sa gagawin niya. Napansin niya 'yon kaya nilingon niya kami.

"Tara na. Magtiwala kayo sa'kin."

Iiling iling akong tumawa saka sumunod. Gano'n din ang ginawa ni Dynamo. Habang inis lang si Saxon na tinignan kami.

"Come on." Hinila ni Primo si Saxon kaya tuluyan na kaming naka pasok.

Pagkapasok namin ay naagaw ang atensyon ko ng kabuuan ng paligid. Tunay na makulay at masaya ang paligid. Hindi lang dahil sa mga disenyo kundi pati sa mga taong nandito at sa mga naririnig kong ingay ng mga nagkaka siyahan.

Ang isip bata naman ata ng idea ni Primo. Oo maganda rito. Pero tangina ngayon lang ata ako makikihalubilo sa ganitong klase ng activity sa school.

"Magandang araw, mga Ginoo. Maligayang pagdating."

May narinig akong boses na kumausap kina Primo kaya natigil ako sa pagmasid ng paligid. Lalim naman no'n magsalita. Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Sarri

Vice President ng Club na 'to si Sarri. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? Nagkita tuloy kami. Ang ganda niya pa rin. Lalo tuloy siyang gumanda nang ngumiti siya sa'min.

Nang makita niya 'ko ay saka nawala ang mga ngiting kanina lamang ay suot niya. Bitter pa rin niya. Hahaha.

"What's up, Sarri?" Nakangiti kong saad sa kanya.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon