Chapter 3: That's How We Met
***
Astryd's POV
Katatapos lang ng klase namin at napag desisyunan namin na manatili muna rito sa school. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sa bench dito sa may Open field ng school.
Thursday na ngayon at mula nang mangyari ang eksena sa pagitan namin ni Luvierre, bulung-bulongan na ako't hindi ko pa siya nakikita since it was happened. Ganoon na lamang ba nila ako gawan ng isyu sa lalaking bago lamang sa school na ito?
"Sis, siya yung babaeng lumalandi sa crush mo diba?" Bulong na sabi ng babaeng nakasalamin sa kaniyang kasama.
Bumulong pa siya rinig na rinig ko naman siya mula sa kabilang bench. Sino ba ang tinutukoy nila? Wala naman akong nilalandi at wala akong panahon para sa gano'ng klase ng gawain.
"Yeah. I heard her name is Astryd, kapatid ni President Dynamo." Pabulong na sagot ng babaeng maikli ang buhok at naka headband pa.
Obviously, kapatid ko 'yon. Kamukha ko nga siya, 'yon nga lang ay lugi ako. Ano bang nakukuha nila sa pagchi chismis?
"Hey, Astryd. Pinagbubulungan ka nila, wala ka man lang bang gagawin?" Nagtatakang tanong ni Davi. Kahit kailan talaga itong babaeng ito, napaka warfreak.
"Hayaan na lang. Ayoko namang pumatol sa mga mukhang primary students." Natatawa kong tugon.
"She's trying to get my Saxon. As if naman patulan siya no'n. Mukha namang hindi siya ang tipo ng babaeng nagugustuhan ng isang lalaking katulad ni Saxon. She looks pale and weak enough to get him." Pang iinsulto ng babaeng naka headband.
Kailan pa nila nakilala si Saxon? Parang no'ng kailan lang naman siya nag simulang pumasok ha. Ang bilis niya naman atang nakilala? Nevermind.
"Yeah, you are right. Anyway, It's a waste of time to talk about her. Let's go." Anyaya ng babaeng naka salamin.
Sinabi ko bang pagchismisan nyo ko? Ako pale at weak? Huh! Hindi lang ako pala ayos pero may maipaglalaban to.
Nakakainis lang na paguusapan na lang nila 'ko ay 'yong maririnig ko pa. Hindi ba sila aware na naririnig ko ang mga masasamang pinagsasabi nila ukol sa akin?
So, crush pala no'ng mukhang primary student na 'yon si Saxon Luvierre. Paano niya nakilala si Saxon Luvierre? I wonder, kung dahil ba 'yon sa akin at sa nangyari noong Tuesday.
What the heck. I remember the moment I made scene. Hindi pa nga pala ako nakakahingi ng pasensya sa kan'ya. Kasalanan niya rin naman ata 'yon. Alam niyang tumatakbo kami, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.
In the other hand, I know that I had wrong too. Masaya lang naman kami ng mga friends ko. Nakasanayan kaya namin tumakbo nang magkaka hawak kamay, eversince, wala naman kaming ibang nakabangga bukod sa apat na 'yon. Pahamak sila.
"Where's Mr. Luvierre?" Wala sa hulog kong tanong.
Nagtataka nila 'kong tinignan at sumagot, "We don't know, and why the hell are you looking for him?" Pang uusisa ni Ravine.
"I just want to apologize. Remember the day?" Sagot ko habang sinalubong ang bawat titig nila. Mukhang nakuha naman nila ang tinutukoy ko.
Kahapon ko pa kasi pino problema kung paano ko kakausapin ang nilalang na 'yon. Since absent siya kahapon pati na ngayon, wala tuloy akong na grab na chance para mag sorry. Transferee nga lang siya pero absenero agad.
Napatingin ako sa lupa habang inaalala ang mga nangyari ngunit wala talaga akong maalala. I have this gut na pwede ko na silang kausapin regarding sa nangyari noong isang araw.
BINABASA MO ANG
From What Fate Brings
RomanceHindi maikakaila na lahat tayo ay may kanya kanyang ugali, paniniwala, pinagmulan at kinagawian. Si Astryd ang isa sa mga babaeng iniwan at hirap na hirap sa pag move on. Isa siya sa tipo ng babae na kapag nagmahal, nahiya ang salitang todo sa kung...