Chapter 11: Probably End
***
Astryd's POV
"Bakit kaya hindi pa pumapasok 'yong grupo ng apat na basagulero?" Pagsisimulang tanong ni Davi.
Katatapos lamang ng long test namin at paniguradong nagamit namin ang pagre review kahapon sa bahay.
Kasalukuyan kaming nandito sa isa sa mga bleachers ng basketball court ng school. Napagpasyahan kasi namin na magpapa lipas ng oras dahil kapwa ayaw pa namin umuwi bukod kay Aoi na nauna ng umuwi dahil may aasikasuhin daw.
"Mabuti nga sa kanila 'yon, sana nga'y hindi na sila pumasok eh." Naka kunot noo kong sagot habang pinagmamasdan ang kabuuan ng basketball court.
Magmula nang mangyari ang away sa pagitan nila Knox at Kuya ay hindi pa pumapasok ang grupo nina Knox. Mas malala ang sinapit ng grupo nina Kuya pero mas nagawa pa nilang makapasok kaysa sa apat na 'yon? How come. A
"Ano na bang balak ng grandparents niyo sa apat na 'yon?" Si Ravine naman ang nag tanong.
Na ikwento ko sa kanila kahapon ang gusto mangyari ng grandparents ukol sa away na naganap sa pagitan nina Knox at Kuya.
"I don't know. Wala na 'kong narinig na balita bukod doon. Sa tingin ko naman ay kukumbinsihin ni Kuya sina Lola na huwag ng ituloy ang binabalak." Kibit balikat kong sagot sa kaniya.
"What? Ano bang kaek-ekan ng lalaking 'yon?" Naiinis na tanong ni Ravine. Kahit naman ako naiinis kay Kuya, gano'n niya na lang ba palalagpasin 'yon? Ibang klase rin mag isip 'yon eh.
"Hindi ko nga din alam eh. Baka may binabalak na naman siya." Simangot kong tugon.
Natahimik sila at kapwa kami napatingin sa kawalan. Mabuti na lamang presko dito, masarap tumambay. Lalo tuloy akong napapa isip na baka nga may binabalak ang isang 'yon.
Magsasalita pa sana ako ngunit biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Marahan ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
Mommy's Calling...
"Hello?"
"Hello, Anak? Come home." Malambing na tinig ni Mommy.
"Mom, nandito pa po ako sa school. May ipapa utos po ba kayo sa akin?" Taka kong tanong.
Kadalasan ay wala sila Mommy sa bahay dahil sa kani kanilang trabaho. Minsan ay nasa hacienda siya upang patakbuhin ang farm, minsan naman ay nasa ospital siya para sa propesyon niya o kaya nama'y sumasama siya kina Dad, Lolo at Lola za iba't ibang probinsya upang maging isa sa mga medical doctor ng isang team kung saan boluntaryo silang tumutulong sa mga tao ro'n.
Pamilya kami na ang propesyon ay medisina, katulad nila ay isa ako sa interesado patungkol sa medisina bukod kay Kuya. Nang malaman nina Lola na hindi medisina ang gustong kunin ni Kuya, ay mababakas ang dismaya sa mga mukha nila. Magaling si Kuya sa Mathematics na sa tingin ko ay nakuha niya kay Daddy.
Isina-suggest ko nga sa kaniya na kumuha ng Engineering course pero mukhang tinambak niya lang ito sa choices niya. Wala tuloy kaming idea kung ano bang kurso ang kukunin niya sa college.
"Hello, Anak? Are you still there?" B inumalik ako sa ulirat ng marinig ang tinig ni Mommy sa kabilang linya.
Nagtatakang nakatingin sa akin sina Ravine at Davi kung kaya't ngumiti lamang ako.
"Ah yes, mommy. Magpapahatid na lang po ako sa driver nina Ravine o Davi." Sagot ko nang naka ngiti.
May sakit kase si Mang Ed ngayon kaya sinabi ko sa kaniya na kahit hindi niya na ako sunduin ay ayos lang. Hindi na rin naman bago ito, kung minsan ay kina Ravine ako sumasabay.
BINABASA MO ANG
From What Fate Brings
RomanceHindi maikakaila na lahat tayo ay may kanya kanyang ugali, paniniwala, pinagmulan at kinagawian. Si Astryd ang isa sa mga babaeng iniwan at hirap na hirap sa pag move on. Isa siya sa tipo ng babae na kapag nagmahal, nahiya ang salitang todo sa kung...