Chapter 10: The Book

26 12 0
                                    

Chapter 10: The Book

***

Astryd's  POV

Sunday.

Narito na kami sa mall upang mag ikot ikot sandali at para na rin samahan nila ko bumili ng librong gusto ko. Medyo wala pa nga ako sa mood noong nagising kanina. Ewan ko ba pero parang ang init ng ulo ko ngayong araw.

Siguro napansin nila 'yon dahil kanina pa rin sila nananahimik.

"Ano bang libro 'yong hinahanap mo? Patingin nga uli ng picture." Narinig kong sabi ni Davi sa kabilang side ng book shelves dito sa isang book store.

Hindi ko pa natu tugunan si Davi ay si Aoi naman ang nagtanong,
"Is it about romance again?"

"It's about fate and obviously It's romance. Ipinakita ko na sainyo ang itsura ng book cover kaya hindi naman na kayo mahihirapan hanapin." Nilakasan ko pa ang boses ko dahil may maiingay na kababaihang kikay ang dumaan. Haharot. Inabot ko ang phone ko kay Davi kaya nakita kong may kung ano na siyang tinitipa doon.

"Kailan ka pa naging interesado sa romance?" Pang uusisa ni Ravine sa tabi ko. Hindi ata alam nitong si Ravine na fan ako ng Romance genre, mapa libro man o palabas.

"Ano ka ba naman, Ravine? Hindi mo ba alam na mahilig si baby girl sa mga Romance?" Pang aasar ni Davi sa akin na gusto pang gayahin ang boses ni kuya. Nakalapit na siya kaya halata na nang aasar nga talaga.

"Really? Hindi ko 'yon alam. Peace, hehe." Nilingon ko pa si Ravine at nakitang nag peace sign siya. Kailangan ba. 'yon?

"O nga pala, magkano ba 'yon? Maganda ba kaya ganyan ka ka-desperada mahanap 'yon? Bibili rin ako kung saka sakali." Gusto kong matawa sa boses ni Aoi. Mukhang interesado na rin siya sa librong hinahanap ko. Bukod sa akin ay isa si Aoi sa adik pagdating sa mga libro.

"Too much questions, just please help me to find it." Abala kong sagot habang hinahanap ang librong iyon.

Alam kong meron pa 'yon dito. Base sa nabasa kong post ay dito daw ang book store na may maraming stock ng ganoong libro.

Sikat na libro 'yon at fan na fan ako ng author ng librong 'yon. Natapos ko na siyang basahin sa wattpad kaya bilang collection ko ay gustong gusto ko mabili 'yon.

May pambili naman ako dahil marunong ako magtipid ng baon ko, ang problema lang talaga ay hindi ko siya mabili dahil laging out of stocks. Hindi ko rin magawang pumunta sa book signing event dahil wala pa akong hawak na libro ng author na 'yon. How cruel. Gusto ko na makabili no'n.

"Is this what you're looking for?"

Napangiti ako nang balingan ko si Aoi dahil nakita ko ang pinaka inaasam ko. Wala pang salita ay kinuha ko ito sa kamay niya. Parang kakasalita niya lang ay naka kilos na siya agad at nahanap ang siyang hinahanap ko. Pagdating talaga sa libro ay mabilis ang kamay at mata niya. Wah. I'm so thankful! Bigla ata akong sumigla. Nararamdaman ko kasi yung sigla sa buong katawan ko. Hehe.

Pinagmasdan ko muna ito. Mas maganda nga talaga ang librong 'to kapag hawak mo na kaysa 'yong nakikita mo lang sa picture. Bukod sa makulay at maganda ang book cover ay nakita ko sa babang gilid ng libro ang branch name ng book store dito. May kaekekan palang ganito dito? Nevermind. What matter is, na achieve ko ang inaasam ko.

"Finally! Tara babayaran ko na ito. Dali na, excited na 'kong mailagay 'to sa book shelves ko sa kwarto." Masigla kong tugon sa kanila. Nagkatinginan pa sila at natawa sa biglaang sigla ko.

Naglakad na kami patungo sa counter upang bayaran ito. Pipila na sana ako ngunit tumunog ang cellphone ko at wala akong ibang nagawa kundi ang ilapag ang librong hawak ko at sagutin ang tawag.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon