Chapter 1: Pity Just Like Me

81 33 9
                                    

Chapter 1: Pity Just Like Me

***

Astryd's POV

I look at her and have to smile

As we go driving for a while~

Nag eenjoy ako sa musikang naririnig ko mula sa radio nitong sasakyan. Nakatitig lang ako kay Klevo habang nagmamaneho siya ng kaniyang Lamborghini Urus. I have no idea where on earth we're going to.

Kahit payapa ang mukha niya habang nagmamaneho, alam kong may gumugulo sa isip niya. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman kong may tinatago siya sa'kin. Gusto kong magtanong pero pipiliin kong manahimik.

Tumingin siya at ngumiti na tila ginagaya kung ano yung naririnig namin sa radio dito sa kotse niya.

Her hair blowing in the open window of my car

And as we go the traffic lights ~

Nang aasar nga naman 'yong kanta ngayon. Gusto kong matawa. Ano ba 'to? Nasa movie ba kami? Haha.

Nakabukas ang bintana ng kotse at walang humpay na isinasayaw ng hangin ang aking buhok. Nakaka enjoy ang lamig ng hangin kahit pa medyo creepy.

Nakita kong huminto siya, doon ko lamang napansin na naka red light ang traffic lights.

Napaiwas ako ng tingin kay Klevo dahil nararamdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi nang salubungin niya ang titig ko. Nakita kong umiwas rin siya ng tingin at ngumiti sa kung saan. Hindi niya talaga maiaalis sa personality niya na pakiligin ako sa isang simpleng sulyap niya lang.

Saan kaya kami pupunta? Tatanungin ko na nga, aba hindi ko malalaman kung patuloy akong mananahimik. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Klevo.."

Tinignan niya 'ko saglit at ibinaling na ulit ang kaniyang paningin sa daan saka sumagot.

"What is it?"

And as we go I see the lights

Watch them glimmer in her eyes

In the darkness of the evening ~

Ayan na naman 'yong kanta. Paborito ko 'yang kantang 'yan pero para kasing nang aasar. Feel me? Haha.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Wala kasing akong idea kung saan ba talaga kami pupunta. Kakauwi ko pa lang galing school nang pumunta siya sa amin at inaya akong lumabas. Ipinaalam niya pa ako kina Mom na siya namang agad pumayag. Malaki ang tiwala sa kanya kaya ayan, hinayaan akong sumama sa kanya kahit gabi na.

Namiss ko nga 'tong lalaking 'to. Hindi siya pumasok kanina dahil may inasikaso daw siya. I wonder kung ano 'yon. Isang umaga lang na hindi ko siya makita, parang nanghihina na 'ko. Pfft. Am I really this inlove with him?

Nakita ko ang paglunok niya. "Sa kapatid ko. Gusto kong makilala ka niya." Ngumiti siya bago ibinalik muli ang tingin sa daan.

Wah! Finally, makikilala ko na ang kapatid niya. Pero teka, bakit sa kapatid niya lang? May family issue ba sila at magkahiwalay ang bahay ng magulang at kapatid niya? 'Diba dapat sa parents niya muna ako ipakilala? Bakit sa kapatid agad? Ah basta. Atlis ipapakilala niya na 'ko.
Ang tagal ko rin atang nag aantay. Yihi.

And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me. ~

Napansin kong may lungkot sa mga tingin niyang 'yon. Ano kayang problema niya? Hindi na ako nag atubili pa  kaya tinanong ko siya uli.

From What Fate BringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon