Chapter 2

582 35 18
                                    


Napasalampak naman ako kama ko ng makarating ako sa bahay matapos kung ihatid si Web sa condo niya. Ang dami niyang tanong na hindi ko masagot, bahala siya sa buhay niya.  Napapikit nalang ako at unti-unting nakatulog.





KINABUKASAN



Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa Unibersidad. Makikita ko na naman ang hinayupak na yun, psh.



Pinark ko ang kotse ko at naglakad na naman sa hallway, Hindi ako pwedeng makita ni Web ngayon sa first subject dahil papaulanan na naman ako ng tanong no'n. Pumunta ako sa canteen at dumiretso sa counter, hindi ako nag almusal at hindi naman talaga ako nag aalmusal. Bumili ako ng isang slice ng cake at isang milktea. Pinili kong umupo sa may bandang pintuan ng canteen.



Kinuha ko ang laptop sa sisidlan nito at inilapag sa lamesa. Pumunta ako sa site ng organisasyon namin at nag log in. Bawat tao na kasali sa organisayon ay may kanya-kanyang account, at pwede kang maka research do'n ng mga kakailanganing impormasyon. We all have our privacy, hindi na o-open ng kahit na sino ang account namin at kung may trabaho man ay ine-email lang din samin. I type and search the name of Webster Dect lumabas naman agad ang impormasyon ng lalaki, even his father and mother's name' their businesses and some sort of informations that helps a lot.



Kinuha ko ang milk tea at sumimsim bago nagpatuloy, aba big time pala talaga ang lalaking 'yon. 



Only child pala ang hinayupak na 'yon.



I scroll down and his picture suddenly appears.  Naka white shirt ito, hindi sarado ang lahat ng butones kaya kita ang matipunong dibdib nito. Sa tingin ko ay nasa isang photoshoot ito.



"Stalking me huh?" nagulat naman ako ng biglang magsalita si Web mula sa likuran ko. "Anong app 'yan? Mukhang iba ah, infairness sikat talaga ko." pagyayabang pa nito. Sinara ko naman ang laptop ng kumuha siya ng upuan at umupo, nasa harapan ko na siya ngayon at kinain pa ang cake na binili ko. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya pero nanunuya ang kanyang tingin sa'kin habang nginunguya ang cake.



"I'm not stalking you, I'm doing research!" inis kong pag depensa sa sarili ko, assumero siya kaya uunahan ko na.



"Research huh? With my name and picture?" panunuya parin niya sa'kin kaya hindi ko mapigilang ipaikot ang mata at sumimsim ulit sa milktea. Ok this is totally awkward.



"Just admit it Themara." Hindi ko mapigilang hindi mapasinghap ng tawagin niya ko sa pangalan ko, pati boses naglalandi.



"What?" pagmaang-maangan ko at umiwas ng tingin.


"Tsk. Tsk."



"Go back to your department. Stop pestering me." Kalmadong utos ko rito.




"How about you? Ditching classes eh?" pang-aasar pa niya sa'kin. Hindi mo talaga ako titigilan no?



"Bakit ba sinusundan mo ko?!" hindi ko mapigilang sumigaw sa inis. I don't really like his presence, pinapainit niya ang ulo ko sa simpleng salita lang.



"Akala mo nakalimutan ko yung kagabi? Hindi ako makatulog sa kakaisip babae."


"Ang alin?"



"Kung bakit at paano mo ginawa yun!" diretsahang sagot ni Web sa tanong ko. May pagka chismoso din pala ang lalaking 'to, bakit hindi man lang nilagay sa impormasyon ng mapaghandaan ko, psh.



Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon