Epilogue

429 22 3
                                    

/Matured Scenes! R18! Read at your own risk.\

Dumaan ang ilang araw ng paghahanda, gusto kong bumilib na naman kay Web dahil parang hinanda na niya ang lahat bago siya mag proposed sakin. Yung sinsabi niyang honey ay isang babaeng organizer pala sa kasal, gusto kong pektusan ang sarili ko dahil panay ang selos ko.

Dumaan na nga ang araw ng kasal ko at heto ako ngayon, inaayusan. Konti lang yata ang naging gastos namin dahil sinagot lahat ni Web, pati ang reception sa kasal ay siya ang nagplano. Pero mas pinili ko ang church wedding keysa sa beach wedding, gusto kong pormal na maiharap sa altar at kinakabahan ako.

"Oh my God! You're so beautiful anak!" halos maiiyak pa na ani Mommy. Tumayo naman ako at yumakap sa kanya. May suot na akong bonggang gown na sa tingin ko ay talagang mamahalin, tapos na rin akong lagyan ng make up at kolorete sa ipinadalang make up artist.

"Di ako makapaniwalang ikakasal ka na, naku di na nga ako iiyak. Ire-reserve ko to mamaya!" dagdag pa ni Mommy kaya natawa ako. Inakay niya ako at tinulungan na makasakay sa kotse. Kinakahan ako ng sobra.

Normal lang naman sigurong kabahan diba?

Habang nasa biyahe, hindi ko mapigiang hindi mapaisip. Do I really deserved this sa kabila ng mga kasalanan at pagkukulang ko? Do I really deserved this? My mind keeps on telling YES pero di ko magawang um-oo.

Napabuntong hininga nalang ako at pilit winaksi ang nasa isipan, kasal ko to! Dapat maging masaya ako!

Nang makababa, hawak ang bulaklak ay naglakad ako nang dahan-dahan patungo sa entrance ng simbahan. Kusa itong bumukas ng makalapit ako.


Namangha ako sa mga design na nasa loob, yung pagkaayos ay sobra pa sa perpekto, parang isang anak ng presidente ang ikinasal base sa mga nakikita kong bisita ngayon. Napatingin naman ako sa taong tumabi sakin.

Daddy..

Masaya ako dahil ginagampanan parin ni Daddy Gaspard ang tungkulin niya sakin kahit di ko siya tunay na ama. Mas pinili niya ang kaligayahan ko keysa sa kanya at sapat na yon para patunayang mahal niya ako at si Mommy.

Tumabi naman sa gilid ko sa Mommy at nginitian ako. Natatawa kong inabot ang braso nila at sabay kaming naglakad. Nasa akin lang ang tingin ng mga bisita habang naglalakad pero nasa lalaking nakatayo sa harap lang ang nakikita ko.

"Take care of her, Webster Dect." tuluyan na kaming nakalapit at yun ang unang narinig ko kay Daddy.

"I will, Dad."

Napangiti naman ako at tuluyang yumapos sa braso ni Web.

"You're so beautiful, sweetheart." halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti ng sabihin yon ni Web bago kami humarap sa altar at sa pari.


"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, and to cherish the words which shall unite Webster Dect Howard and Themara Nixon in Marriage." panimula ng pari at tiningnan kami ni Web.


"Marriage is the promise between to people who love each other, and who trust in that love, who honor each other as individuals, and who choose to spend the rest of their lives together." madamdaming ani Father kaya di ko mapigilang hindi pangiliran ng luha.

Pinaupo kami, at lumapit ang mga magulang namin para maglagay ng kung anong tela sa bawat ulo namin na simbolong nagkakaisa kami. Matapos non ay nagsalita ulit ang pari.

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon