Chapter 9

383 24 0
                                    

Themara's P.O.V


Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Kinapa ko naman ito sa ilalim ng unan at sinagot ang tawag habang nakapikit.




"Them," boses ni Kyry sa kabilang linya.



"Myghad, Ry! Ang aga pa!" inis na bungad ko habang nakapikit parin.



"Like duh? It's already 9:30." napadiin ko ang pagkakapikit sa mata ko ng marinig ko ang nakaka bwesit na "duh" mula sa kanya.



"Pm?" wala sa sariling tanong ko, inaantok.


"Duh? A.M." She emphasized the word A.M.



Napamulat naman ako ng mata dahil do'n at tiningnan ang wall clock. 9:30 na nga ng umaga.



"What do you need?" tanong ko sa kanya at hinilamos ang palad sa mukha.



"Let's meet," napahagikhik naman ito sa kabilang linya. "I have something to tell you!" aniya.


"I'm busy." ani ko at umupo sa kama.


"Ihh! Hindi mo na ako labbbb!" pagmamaktol niya sa kabilang linya.



"Shut up."



"Pleasee?" pakiusap pa niya kaya napakamot ako sa ulo ko.



"Fine." I said then hang up.



Kinuha ko naman ang tuwalya at pumasok sa loob ng banyo. Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay. Napatingin ulit ako sa suot kong long stylish skirt at mint-green na off shoulder, pinarisan ko naman ito ng black heels. Nang makontento ako sa suot ko ay kinuha ko ang susi na nasa mesa at lumabas. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot ito. 




Pinark ko ang kotse at lumabas. Pinagbuksan naman ako ng isang gwardiya ng pumasok ako sa isang restaurant. Agad kong nakita si Kyry kaya lumapit ako sa kanya.



"Ang ganda ng aura natin ah?" bungad sa'kin ni Kyry ng sipatin niya ang suot ko. I flip my hair.



"Tarayyy!" natatawang komento niya sa ginawa ko. Napatawa naman ako at umupo.


"May sasabihin ako," agad na bungad ni Kyry nang makaupo ako.



"Pwede bang umorder muna tayo? Ngayon lang talaga ako dinadalaw ng gutom." pag reklamo ko.



"Oo nga naman. Waiter!" pag sang ayon niya at tumawag nzng waiter. Nang mabigay namin ang order ay agad namang nagsalita si Kyry.



"Them, isusuko ko na ang pinsan mo." bagama'y malungkot, nakangiti parin siya.



"Oh baket ang saya-saya mo kanina at napaka excited pa?" nakataas kilay na tanong ko.



"Dahil naisip ko na, hindi ako dapat magpaka tanga sa kanya. Hindi ko dapat siya pinaglalaban dahil alam ko namang talo parin ako sa huli." nakikita ko na ang lungkot sa mata niya habang sinasabi ang mga katagang yun, pinipilit maging masaya.



"At hindi ka rin sundalo." dagdag ko pa.



"Thanks, napaka laki ng naitulong mo." Aniya sa sarkasmo na boses, natawa ako.



Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon