Chapter 16

336 22 22
                                    


"So find your partner by pair, gagagawa kayo ng presentation about Conceptual structural design. Okay dismiss." sabi ni Prof Amantillo kaya dali dali kong kinuha ang bag ko at isinabit sa likod, hindi na ako nag-abalang tingnan ang mukha ko sa salamin.


"Themara!" sigaw ni Zerv sa'kin dahil nasa unahan siya, tiningnan ko naman siya at halos matawa dahil nakangiti na naman siya na parang timang.


"What?"


"Partner tayo!" nag-isip naman ako sa sinabi niya.


"Geh."


"T-teka! Hoy Themara, tayo dapat ang mag partner!" bungad ni Web samin nang makalapit.


"Ano na naman Web?" naiinis na tawag ko.


"Hayaan mo na sila, Web." sabi ni Xaiyah nang makalapit din.


"Wala akong ka partner!" pagmamaktol pa niya at kumakamot-kamot pa sa kilay.


"Edi maghanap ka, isang kindat mo lang makakahanap ka na." sabi ko at sa kanya at tiningnan ang upuan ko, baka may naiwan na gamit. Napatingin ulit ako kay Web at kinindatan niya ko.


"Anong ginagawa mo?" tanong ko,nalukot ang mukha ng hindi sinasadya. Baliw na talaga siya.


"Kinikindatan ka, baka sakaling makuha ka." kaswal na sagot nito at kinindatan ako. Humagalpak naman nang tawa si Zerv at Xaiyah sa sinabi ni Web.


"Pakyu!" naglakad na ako palabas kaya sumunod naman si Zerv at Xaiyah.


"Malakas talaga ang tama non sayo," pinantayan ni Zerv ang paglalakad ko at ganon din si Xaiyah.


"May girlfriend na yun," sagot ko at mas binilisan ang paglalakad.


"Eh ano naman kung may gf? Gwapo si Web, at ang mag asawa nga na kasal na naghihiwalay pa." giit pa ni Xaiyah at ngumisi ng nakakaloko.


"I don't like him!"


"Wow, sinabi ko? Defensive ah." pang-aasar pa ni Xaiyah kaya humagalpak ng tawa si Zerv.


"Mahal mo na siguro." ani ni Zerv kaya ikinuyom ko ang kamao para pigilan ang inis.


"Kung iinisin niyo lang ako, umalis na kayo." pagtataboy ko sa dalawa pero tinawanan lang ako.


Dumaan kami sa Nursing Department dahil may ibibigay daw si Xaiyah sa pamangkin niya kaya nagpasama.


Papasok na sana kami sa Nursing Department ng biglang bumuhos sakin ang tubig na nagmula sa taas. Nabasa nito lahat ng damit ko, lalong lalo na ang buhok at ang labas ng bag ko.

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon