Chapter 32

279 14 0
                                    

5 years after....


"Gaga! Dahan-dahan lang!" saway ko kay Krystal na nilagok ang isang baso ng alak.

"Bruhildang to, anyare?" tanong ni Kyry.

"Boset na lalaking yon! Siya nga ang nakauna sakin, ako pa ang sasaktan." muling nilagok ni Krystal ang alak kaya natawa ako.

"Sino ba kasi yan?" tanong ko, natatawa.

"Duh! It's been 5 years! Mahal ko yon hanggang ngayon tapos sasaktan lang ako?!"

Napangiti naman ako. Yes it's been 5 years since that incident happen. Am I happy with my new life? Yes.

Nasa isang resort kami at ako ang may ari nito. I am now a successful businesswoman, I have different businesses from different countries.  Sa katunayan, kakauwi ko lang ngayon galing sa London. At heto kami, nasa mismong resort ko at nag aya ng inuman sa dalawa.

Naging closefriend na din namin ni Kyry si Krystal. Si Kyry? Ayon, still single. Ako? same.

"Hoy! Kamusta kayo nong guy na kasama mo sa bar kanina?" tanong ni Krystal sakin kaya nginisihan ko siya.

"Duh, kailan pa ako nakipag fling?" tumawa si Kyry sa tanong ko.

"Why don't you try momol?" suhestisyon ni Krystal at lumagok ulit ng alak. Sinundan ko pa nang tingin ang paglapag niya ng baso.

"Momol?" sabay naming tanong ni Kyry. Lasing na yata to.

"Oh my god! Wait!" huminto ito sa pagsasalita at maarteng itinaas ang dalawang kamay. "Don't tell me, hindi niyo alam?!" she exclaimed. Sabay din kaming umiling ni Kyry.

"Oh! My! God! 27 years old na kayo mga bruha! Wala man lang kayong balak i enjoy ang buhay?!" napairap nalang ako sa tanong ni Krystal, isa na din itong nurse ngayon. At si Kyry naman, masaya na siya sa trabaho niya sa 4T at pagiging secretary sa umaga pfft.

"Duh! Atleast kami na ni Clyde!" masayang sabi ni Kyry kaya halos mabilaukan ako sa sariling laway. Akala ko ba single to?!

"Assumera!" naiiling na ani ko.

"Hoy hindi ah! Seryoso, kami na." kinikilig pa na aniya kaya wala akong ibang choice kundi maniwala, alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"Paano? Pinikot mo? Ginayuma mo?" sunod-sunod na tanong ni Krystal, alam na din niya ang tungkol sa buhay pag-ibig kuno ni Kyry.

"Grabe to! Hindi ako ganyan kababaw, feeling ko kasi gusto na niya ako from the start eh.." ngumiti pa si Kyry at parang nag i-imagine. "Pakipot lang yang insan mo!" kinindatan pa niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"May nangyari na sa inyo?" tanong ni Krystal kaya tinignan ko din si Kyry, nilagok ko ang isang baso ng alak. Nagkagat labi naman ito sa tanong ni Kyrstal kaya nanlaki ang mata ko sa gulat, muntik ko pang mabitawan ang baso.

"What the fuck, Ry?!" I shouted and she giggled. Uminom ulit ako ng alak at di makapaniwalang pino proseso sa utak ko ang pag tawa ni Kyry. Bruhang to, bumigay na pala!

"Oh, congratsss!" masayang bati ni Krystal, gusto ko silang pag untuging dalawa.

"How about you, Themara?" binalingan ako ni Kyry, nangungutya ang ngisi.

"Tsk!"

"Pfft! Sabi ko na nga ba, tatandang dalaga ka!" nagtawanan sila ni Krystal kaya sumimangot ako. Leche!

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon