Chapter 5

453 32 4
                                    


Web's P.O.V



Napamulat ako ng mata at agad na bumungad sa'kin ang mga puting kulay. Napatingin naman ako sa gilid ng tiyan ko na nasaksak ng bigla itong kumirot. Iginala ko ang mga mata, may hinahanap. Dumapo ang mga mata ko sa babaeng nakahiga sa sofa, nakasandal ang ulo nito sa dalawang braso at mahina pang humihilik. Base sa nakikita ko, hindi pa ito nagbibihis dahil yun parin ang suot niyang damit.



Napatingin agad ako sa pintuan ng bumukas ito. Agad namang bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ng mga magulang ko.



"Oh my god! Anong nangyari, baby?" agad naman akong dinaluhan ni mommy at maluha-luhang hinawakan ako sa braso at kamay, hindi malaman ang gagawin.


"Who did this to you?" bagaman ay kalmado, mababakas parin ang galit at pag-aalala sa boses ng ama ko ng tanungin niya ko.



"I don't know dad. And I'm ok." sabi ko nalang para 'di na mag-alala si mommy na umiiyak sa harapan ko. Napatingin naman kaming lahat sa babaeng tumikhim.


"Who are you?" tanong agad ni mommy at pinunasan ang luha. Tiningnan naman ako ni Themara na para bang hindi malaman ang gagawin.



" Themara Nixon." pagsisimula ko. "siya ang nagligtas sa'kin." dagdag ko. Hindi ko lubos maintindahan kung bakit sa tuwing nalalagay ako sa kapahamakan ay parati siyang nandiyan.


"What? a girl?" hindi makapaniwalang tanong ni mommy. I noded and then look at Themara. She is uncomfortable of meeting my parents, i can feel it.



"Can I talk to you, hija?" biglaang sambit ni dad. Napakunot naman ang nuo ko.



"Yes, Sir." pag-sang ayon ni Themara.


"Dad.."


"Don't worry son. We will just have a talk." baling ni dad sa'kin kaya napabuntong hininga ako.


"I'm not worried." pag depensa ko. "It's just that  uhmm she doesn't change her clothes yet and she's tired." pinigilan kong mautal. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko ng sabihin ko yun. Ramdam ko naman ang pagtitig sakin ni Themara kaya binasa ko anunuyong labi.


"I'm okay." she said and smile. Nahigit ko naman ang hininga ko ng ngumiti siya. Lumabas na ito kasama si daddy at nang masarado ang pinto ay tsaka palang ako nakahinag ng maluwag. What the fuck is happening to me?



"Girlfriend mo ba siya?" tanong ni mommy sa'kin kaya binalingan ko ito, nakangiti at nanunuya. Parang kanina lang ay umiiyak ito ng makita ako.


"You know me mom," pagtanggi ko, hindi pasok ang babaeng 'yon sa taste ko.


"But you seems so worried." pagpipilit pa ni mommy.


"Mom, siya ang nagligtas sa'kin  yun lang 'yon okay?" medyo naiinis pang sabi ko. Ayaw kong umamin at wala naman dapat akong aminin. Tch.



"Okay, okay! Haha!" She laughed. Tumayo naman ito at pumunta sa lamesa ko at tiningnan ang cellophane na dala nila kanina. Kinuha niya ang mansanas at pini-piraso ito.



"Sino ba ang gumawa niyan sayo?" nag-aalalang tanong ni mommy at lumapit ulit sa'kin, dala ang piraso ng mansanas. Umupo ito malapit sa'kin at binigay ang mansanas.


"Hindi ko kilala."


"Web, simula ngayon may mga bodyguard ng magbabantay sayo ok? Ayaw ko ng maulit 'to. Ayaw kong mawalan ng anak." hindi mapigilan ni mommy na maging emosyonal. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin pag nawala ka , Web."


Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon