Chapter 20

330 20 4
                                    


Third person's P.O.V


"Get ready," utos nang lalaki sa tauhan bago tiningnan ang babaeng nasa harapan niya.


"Boss Aryan tumawag si Boss Abel." pag-iimporma ng babae.


"Tell him, we need to be ready." utos ni Aryan sa babae.


"Boss, kailangan ba talaga natin tong gawin? Hindi dapat binabayaran ni Webster Dect ang kasalanan ng ama niya." napatingin si Aryan sa babaeng naglakas loob na pangunahan siya.


"Gawin mo ang trabaho mo!" diniinan ni Aryan ang sinabi pero hindi man lang nasindak ang babae.


"Siya, wala siyang kasalanan. Walang kasalanan ang anak mo!"


"LABAS!" sigaw ni Aryan, namumula na ito sa galit dahil sa sinabi nang kausap.


"Sana magbago pa ang isip niyo, Papa." malungkot ang boses ng babae at umalis.

__________________________

Themara's P.O.V

Dalawang araw na ang lumipas simula ng magbakasyon kami ni Web, bukas pa ang klase dahil bali-balita na may mga importanteng pag-uusapan muna ang mga stockholders ng Unibersidad. Nandito ako bahay ni Daddy, naghihintay na tawagin niya ako para makapasok sa opisina niya. Kahit anak ako, desisyon parin ng ama ko ang nasusunod sa bahay at isa na dun ay ang bawal na pagpasok sa opisina niya kung hindi nito aprobado.


"Ma'am Themara, pumasok na po kayo." magalang  na sabi nang sekretarya, nginitian ko muna siya at tumayo.


"WHAT THE  HELL ARE YOU DOING THEMARA?!" sigaw ni Dad sa'kin ng makapasok ako.


Sumeryoso naman ang mukha ko, hindi nasindak. "Doing what?"


"You go out with Webster Dect in 2 days? And what? Having a date with him?!" tanong ni Daddy na hindi ko na ipinagtataka. Lahat ng mga kilos ko ay alam niya, nagmamatyag lang siya.


"It's none of your business, Dad." sagot ko sa mahinahon na tono. Napahilot naman si Dad sa sentido na animo'y hindi malaman kung ano ang gagawin sakin.


"Diba sinabi ko sayo na wag kang lalagpas sa limitasyon mo!"


"Alam ko! Ano bang limitasyon ang sinasabi niyo para mas MAINTINDIHAN ko!"


"Wag kang mag tataas ng boses sa'kin, Themara!" sigaw ni Dad sakin pero hindi parin ako natinag.


"Tell me, anong limitasyon yan ha?"


"At ngayon ganyan ka na kung sumagot?" naiinis na tanong ni Dad sakin, alam kong naninibago siya sa ugali ko. Pero sawa na akong mapaglihiman, gusto ko ng may nalalaman!

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon