Chapter 30

283 13 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Zerv, seryoso lang siyang nakatingin sakin habang hawak si Web sa kwelyo.

"Web..oh pleaseee, don't hurt him." nagmamakaawa na ang boses ni tita kaya napalingon ako kay Kyry na nakatingin lang kay Web. Bumalik ang tingin ko kay Zerv at mas umusbong pa ang galit ko nang ngumisi siya.

"Isa ka pala sa mga tauhan ni Abel at Aryan? Great. Just great!" naiiling na sabi ko pero nginisihan lang niya ako.

Nagtiwala ako sayo, gago!

"Are you happy to see me?" nakangisi nitong tanong kaya napaikot ko ang mata ng wala sa oras.

"So full of yourself huh? Akala ko pa naman totoo ka," sabi ko at para pang may kasaling hinanakit yun. Hindi ko inaasahan, ang ayos ng pakikitungo ko sa kanya at tinuring siyang kaibigan.

"T-Thema..ra," sambit ni Web kaya napatingin ako sa kanya gusto kong maiyak sa kalagayan niya. May pasa na ang mukha niya at putok ang labi.

"That's life," sabi ni Zerv, nakangiti. Ramdam kong nagngingitngit ang kalooban ko.

Napatingin din ako sa mga tauhang nasa likod ni Zerv, may baril na ang mga ito kaya di ko mapigilang kabahan. Maaaring may masaktan.

"Themara!" tawag ni Kyry sakin ng humakbang ako papalapit kaya napahinto ako.

"Ilabas mo dito si tita, Ry."

"What are you talking about?! Hindi kita iiwan dito, boba!" sigaw niya sakin, nagagalit sa sinabi ko.

"Please, Ry. Kahit ngayon lang makinig ka naman sakin."

Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Kyry pero sinunod niya ako, alam kong kaya niyang ilabas ang ina ni Web dito. Nakakagulat lang din dahil hinayaan lang nila si Kyry, hindi sinundan.

"Nagpapakabayani ka?" natatawang sabi ni Zerv sakin na para bang katangahan ang ginawa ko. Hindi ko na siya kilala, hindi na siya ang malokong nakilala ko.

"Akalain mo nga namang tinuring kong kaibigan ang isang traydor, tsk." kaswal na sabi ko kaya nawala ang tawa ni Zerv. Hindi ka nga talaga totoo.

Inutusan niya ang mga tauhan na sugurin ako kaya hinanda ko ang sarili ko. Agad akong umiwas ng ambaan ako nang suntok nong isa, sinipa ko ito bago sinuntok ang isa sa mukha.

Eksperto kong kinuha ang baril ko at binaril ang tatlong papalapit, agad akong nagtago sa sementong naroroon para maghanda. Yumuko ako at gamit ang isang kamay ay binaril ko ang tatlong lalaki at nagtago na naman sa semento.

Binaril nila ang semento kaya tumakbo ako at binaril ang dalawa at nagtago ulit sa isang semento na naroon, parang poste ang semento na nagsisilbing gabay sa bawat gusali.

"Matinik ka nga talaga, Themara!" sigaw ni Zerv at sinundan pa ito ng tawa.

"Oo at ako ang magiging tinik sa lalamunan mo!" ganti ko, nang-aasar ang boses.

"Hambog!" sigaw ulit ni Zerv kaya agad akong lumabas sa semento at binaril ang dalawang natira. Agad akong nagtago pero napaigik ako ng madaplisan ako nang bala.

"Daplis lang yan!"

"Alam ko, tanga!"inis na sigaw ko at napahawak sa dumudugong sugat. Napaaray naman ako at mariing napapikit, sinandal ko ang ulo sa semento.

"Hindi ka sana madadawit dito kung hindi ka lang naki alam." may pangungutya sa boses ni Zerv. "Edi sana wala kang problema, magkaibigan pa sana tayo ngayon."


Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon