Chapter 25

316 17 3
                                    


"Hey!" napalingon naman ako sa taong tumawag sa'kin, napakatinis ng boses.

Halos takbuhin na ni Kate ang kinaroroonan ko. Nandito pa kaming lahat sa DLSU at naghahanda na para pumunta sa nasabing camping, lahat ng gamit ko ay nasa kotse na at busy din ang iba sa kanya-kanyang paghahanda at pakikisabay sa mga may kotse.

"Hm?" tanong ko kay Kate nang makalapit siya.

"Can I join?" tanong niya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Ang kapal ng muka.

"How about your boyfriend's car?"

"His busy pa kase, susunod nalang daw siya satin sa beach. He told me that I should go with you kaya wala akong choice but to obey him." maarte niyang sabi kaya mas tinaasan ko siya ng kilay.

"Bawal kasi ang plastic sa aking car, kaya you should go with them." turo ko sa iba habang ginagaya ko ang maarte niyang boses, halos masuka naman ako sa ginawa ko.

"You're so annoying! At hindi kami friends ng ibaaa!" sigaw niya sakin sa mas matinis na boses kaya napapikit ako sa inis.

"Letche ka! Tigil-tigilan mo ko babae ha!" sabi ko, kinuha naman niya ang phone niya at may tinawagan.

"Babee!" bati niya sa matinis na boses. "Themara is so masamaaa! Hindi niya ako---

Kinuha ko ang cellphone niya at pinatay ang tawag.

"Sakay." sabi ko kaya nginitian niya ako.

Sumakay na din ako sa kotse at sumunod sa mga kotseng nauna samin. Nasa daan na kaming lahat at panay hiyawan nang mga studyante, kanya-kanyang pasikat sa mga kotse at heto kami ngayon ni Kate sa loob.

"Oh girl, I pity you." lumingon sakin si Kate nang sabihin niya ang mga katagang yon.

"Tumahimik ka, hindi naman kita dadalhin sa beach." I said and wink at her.

"Where?" she asked me and she smiled like a bitch.

"Sa slaughter." sabi ko kaya nawala ang  ngiti niya.

"You beach!" inis na singhal niya sakin kaya napatawa ko.

"Wait, how do you pronounced BITCH?" natatawang tanong ko, nang-aasar.

"Beach!" pag-uulit niya. "Duh."

Humagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "B.I.T.C.H." pagtatama ko sa beach niya.

"Duh ang liit lang ng mali ko! T lang yun!" naiinis na sigaw niya sa'kin.

"Ayan, napakaarte mo kase."

"Kaya hindi ka magustuhan ni Web eh! Napaka sama ng ugali mo!"

"Ah kaya pala umamin siya sa'kin na mahal niya ko?" pang-aasar ko pa kahit naman hindi ako sigurado kung tama ba ang sinasabi ko ngayon.

"At naniwala ka naman? Look at me now! Mahal niya ko, gusto niya ako. Eh ikaw? You are so kawawa." pang-aasar niya sakin.

Nilingon ko naman siya at nginisihan.

"Pakyu!" tanging sagot ko kaya mas lalo siyang naaasar na tumingin sa'kin.

"And hmm, sinabi sakin ni Web na your his sister daw." natigilan naman ako sa sinabi ni Kate. Pati yun sinabi niya kay Kate? Tss. Para namang may kumirot sa puso ko, ganon ba talaga niya kamahal ang babaeng to? Ang bilis ah. So hindi pala totoo ang mga sinasabi niya? Na kesyo mahal niya ako? Ha!

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon