Chapter 31

288 14 0
                                    

Hindi ko pinansin ang pakikipaglaban ni Clyde, Kenzie, Reid at Kyry. Nasa babaeng nakatayo na sa harapan ko ang atensyon ko.

"He is your father! We are his daughter and son from the other wife!" nag-unahang tumulo ang luha ni Xaiyah kaya hindi ako makapaniwalang tumingin kay Aryan.

"Pati ikaw?" my voice cracked. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Wtf? Kaya pala napaka close ni Zerv at Xaiyah! Ni hindi ko napansin yon!

"Magkapatid tayo, anak kami sa ibang asawa ni Papa. Siya ang tunay mong ama!" sigaw ni Xaiyah sakin kaya di ko mapigilang sampalin siya.

"A-anong karapatan mong s-sigawan ako!" My tear fell in so much anger. Napatingin ako kay Aryan at nakayuko lang ito, napalingon ako kay Zerv na nakangisi sakin.

"Ikaw ang ama ko?" puno ng hinanakit kong tanong kay Aryan. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko  sa di mabilang na sakit na pinagdaanan ko. "Bakit mo nagawa samin yon? Bakit mo kami iniwaannnn!!!" hinampas ko siya at sinuntok kaya medyo napaatras ito.

"Themara!" tawag sakin ni Zerv sa galit na boses kaya napalingon ako sa kanya, nakatutok ang baril nito kay Web na nakatitig lang sakin.

Bumaling ako kay Aryan.

"Hindi kita ama! Ano pa ba?! Ano pa ba ang kailangan kong malaman!!" galit na sigaw ko, tumakbo naman ang apat na nakipaglaban sa gawi namin ngunit napahinto ng makitang umiiyak ako.


"We don't want to hurt you! We only want our revenge! At si Web ang kailangan namin!!" galit akong napatingin kay Xaiyah ng sabihin niya yon.


"Hell no. Hindi niyo pwedeng saktan ang lalaking yan!" turo ko kay Web. "Siya ang tunay na anak ng tinuturing kong ama! Naiintindihan niyo ba ako? Kapatid ko siya!" sigaw ko at pinagduldulan ang sinabi ko kay Aryan at Xaiyah na nasa harap ko.


"Akala ko walang mali sa buhay ko! Akala ko meron akong totoong pamilya pero hanggang ngayon, naghahangad ako ng pamilya! Gusto kong maranasan na mahalin!" napahinto ako at pinunasan ang luhang kumawala na naman sa mata ko.

"Ikaw Zerv!" nilingon ko si Zerv na seryosong nakatingin sakin. "Tinuring kitang kaibigan! Ikaw Xaiyah!" binalingan ko si Xaiyah. "Bukod kay Kyry, ikaw ang kauna-unahang babaeng naging kaibigan ko! Tapos kapatid ko lang pala kayo!"

"Ako ang nag utos kay Xaiyah na lagyan nang bomba ang kotse mo." napalingon ako kay Aryan nang magsalita ito sa kauna unahang pagkakataon.

"Wow! So gusto mong mamatay ang anak mo?" sarkastikong tanong ko. "At ikaw Xaiyah, masaya ka ba?"

"Hindi Themara! Hindi ko gustong gawin yon dahil kaibigan at kapat---

"HINDI KITA KAIBIGAN!! walang kaibigang gustong masaktan ang kaibigan niya! Puta! Ginamit niyo ko! Nagsinungaling kayo!" sigaw ko at napahagulhol. Para akong isang baliw dito, umiiyak at naglalabas nang sama ng loob.

"I'm sorry," sabi ni Aryan kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Nabulag ako sa galit, ginusto kong mawala ka.. pero nagsisisi ako na pinapatay kita, Themara."

Akmang lalapit si Kyry sakin pero pinigilan ko siya.

"Pa! Ano bang sinasabi mo?! She deserves it! Nakialam siya! Ito lang ang kailangan natin eh!" sigaw ni Zerv at sinikmuraan si Web, akmang lalapit si Clyde pero tinutukan agad siya ng baril ni Zerv at pinagbantaan. "Ang ama nito ang dahilan kong bakit namatay ang kapatid namin!" galit na galit si Zerv na para bang si Web ang nakagawa nang kasalanan.

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon