Chapter 10

402 23 0
                                    


Third person's P.O.V



"Kamusta ang plano?" tanong ng lalaking nakaupo sa isang swivel chair sa harap ng madilim na bintana, sa isang madilim na silid, naninigarilyo. Tumikhim naman ang kakapasok lang na lalaki.




"Boss, may humahadlang sa plano." ani ng isang lalaki sa amo, matigas ang tono.



"Patayin ang sino mang lalaki na humadlang."



"Babae, boss." napayuko naman ang lalaki dahil umikot ang upuan at humarap sa kanya ang amo.



"Babae? Sino?" tanong pa nito at inilapit and swivel chair sa lamesa na nagsanhi nang ingay.


"Lahat ng mga tauhan natin ay kilala ang mukha niya, pero ang pagkatao niya hindi. Nag pa conduct narin ako ng iba't ibang research para sa babae pero kahit ni isang katiting na impormasyon, walang lumalabas." pag iimporma ng lalaki sa amo. Kahit madilim, kita ang pagkunot sa noo ng amo.


"Anong klaseng tao ba 'yan?" kunot noong tanong ng amo, naiinis sa narinig na impormasyon.



"May pagkahayop, boss. Isang tigreng tao." dagdag ng lalaki.

_____________________________


Themara's P.O.V



"Web," tawag ko kay Web, dahilan para tingnan niya ako sa mukha. Naiilang naman siyang ngumiti sa'kin ng humarap ako sa kanya. Ewan ko pero 'di ko magawang suklian ang ngiti niya.




"Kung ginagawa mo lang ito para manalo sa mga pustahan niyo, hindi mo ako maloloko." seryoso kong sabi, this is his way to make me fall inlove with him.



"Ha?" wala sa sariling tanong niya.



"Alam kong pinagpupustahan niyo lang ako, mananalo ka kapag umibig ako sa'yo. Mali ka, sobrang mali." dagdag ko kaya kumunot ang noo niya.



"Ano bang pinagsasabi mo?" sandali siyang natigilan at nag-isip. "T-teka! Bakit ba ang advance mong mag isip?!" saway niya sa'kin kaya nilampasan ko siya at naglakad palabas.



"Sa mga nobela, yan ang kadalasang nangyayari." ani ko habang nakatalikod, ramdam ko namang nakasunod lang siya sa'kin at paminsan minsan pang bumubuntong hininga.



"Wala tayo sa nobela babae." pagtatanggol niya sa sarili.



"Mahal mo 'ko?" medyo pabirong tanong ko at bumaling sa kanya. Natigilan naman siya at hindi makasagot, see? he wants to play.



"See? Wag mong paglaruan ang damdamin ng babae. At iba ako, hindi mo ko maloloko." hindi ko alam pero bigla akong nalungkot ng hindi siya makasagot. Nakagat ko naman ang pang ibabang labi dahil sa naisip.



"Themara," tawag niya sakin kaya napatigil ako at hinarap siya.



"What?" pagtataray ko. Iniwas naman niya ang tingin habang nakapamulsa. Problema neto?Tahimik lang kaming naglalakad at sumakay sa elevator. Hindi ko alam kong nananadya ba ang panahon dahil kami lang talaga ang nasa loob ng elevator. 




Rinig ko naman ang pabuntong hininga ni Web. Animo'y may sasabihin pero nag-aalinlangan.



Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon