Prologue

1K 51 11
                                    


Napatingin ako kay Kyry ng ilapag niya ang baso sa harapan ko.

"Ba't nag emote ka diyan?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Bakit nga ba ako nag-eemote? 

"I dont want this kind of shit," sabi ko habang binabasa ang sulat na nasa cellphone.

"Eh wala ka namang magagawa niyan, daddy mo yan eh," saad ni Kyry at inismiran ako.


"Seriously? Para sa taong yun, kailangan kong pumunta sa university para mag aral?!" Inis kong sigaw kay Kyry. I'm done with my studies!

"Chill Themara." natatawang asar niya. "Po-protektahan mo lang naman diba? You are used to it. What's the matter?" tanong niya at tinungga ang baso ng vodka. Balak yatang maglasing nito tapos dadamayin pa 'ko.

"How? He's a guy! Alangan namang ibenta ko yung sarili ko, malapitan lang siya!" Pagmamaktol ko at ininom ang juice na hiningi ko.

I have a low tolerance in alcohol kaya madalang akong uminom nito.

"Sabi ng daddy mo, protektahan mo.  Hindi lapitan. Psh!"


"You know what I mean, Ry." masamang tingin ang pinukol ko sa kanya, hindi nakaligtas sakin ang pag tungga na naman niya ng vodka. "May balak ka bang maglasing? Problema mo?"

"Condo ko naman to ah," natatawa ulit niyang sabi.


"Nag-away kayo?" tanong ko at tumawa na naman siya ng malakas.



Napatingin ulit ako sa cellphone ko at binasa ulit ang nasa email na sinend ng ama ko.


Name: Webster Dect Howard

Age: 22


School: De La Salle University

-He's a son of Attorney Ferguson Howard and Maria Howard.


Looks like, I can't decline my father.


Napatingin ulit ako sa sulat.


-He's a playboy.

Protecting the PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon