KENT
"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."
Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.
Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.
Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.
Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liban nalang kung naliligo. Yung pangalawa daw dapat matulog ako ng maaga kasi gigising pa daw ako ng alas 4 para magjogging, hays. Kaya pala ang ingay nung alarm clock niya kanina eh. Tapos yun, andami niya pang bilin sa akin tapos ang unfair lang kasi wala naman akong rules na binigay sa kanya pero sakin, napakarami. Nako! Kung hindi ko lang siya crush eh!
Na sa bahay na niya ako. Sabi niya rin pala dapat daw makabisado ko 'tong bahay. Kailangan ko na rin daw kumayod mag-isa kasi wala daw akong maaasahan dito. Luh, pano pagnagkasakit ako ha?
_
Na sa school na ako ngayon. Maganda naman yung umaga, napaka peaceful. Walang na yung magigising ka nalang bigla kasi ang iingay ng mga kuya mo. Wala na rin yung matagal na biyahe kasi medyo malapit lang yung bahay ni Christine sa school. At higit sa lahat, payapa akong nakakapaglakad ngayon papasok kasi wala ng mga babaeng haharang sakin at magsisigaw sigaw.
Kaso medyo nainis ako dun sa mga lalaking nakatingin sa akin ngayon. Yung halatang may pagnanasa talaga! Nako, hindi niyo pwedeng titigan ng ganyan yung crush ko ha, makakatikim talaga kayo sakin!
Hindi ko na lamang iyon pinansin ngunit nung naka ilang hakbang na ako, may isang lalaking humarang sa akin.
"Tine, sa kama tayo maglunch mamaya," sabi niya na ikinainis ko kaya nasuntok ko nalang siya ng hindi ko sinasadya.
Hays, lagot ako nito kay Christine. Sabi pa naman niya stay away from trouble daw. Pero nakakainis na eh! Binabastos na siya. Di ko namalayan na natumba pala yung lalaki at ngayon ay tinutulungan na siya ng mga kaibigan niya.
"P-pasalamat ka babae kang mangkukulam ka! Kung hindi, makakatikim ka talaga sakin," sabi niya na ngayon ay hirap pa sa pagtayo.
Hay nako. Ginamit ko nalang yung signature eye roll ni Christine tiyaka umalis na. Mabuti na lang, alam ko kung pano niya irapan yung isang tao. Kainis talaga yun ha, de bale sasabihin ko naman yun kay Christine. Sabi niya magkita daw kami bago pumasok sa first period doon sa bench kung saan kami una nagkita.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Teen FictionChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...