CHRISTINE
Animo'y binabalot ngayon ng matinding emosyon ang ere habang patuloy na umaalingawngaw ang isang napakagandang awitin sa loob ng silid.
"Napakaganda ng composition mo kuya, ang sarap pakinggan ng paulit ulit," tugon ko kay kuya na ngayon ay patuloy pa ring tumutugtog sa piano.
Magkatabi kami ngayon sa upuan kaya kitang kita ko kung paano niya igalaw ang kaniyang mga mahahabang daliri para abutin ang mga notang bumubuo sa musikang bumibihag sa aking damdamin ngayon.
"Amore Desiderato," sabi ni kuya ng matapos na niyang iparinig sa akin ang piano piece na nilikha niya.
"Po?" sabi ko. Hindi ko kasi masyadong narinig yung sinabi niya sakin.
"Amore Desiderato. Yun ang title ng kanta," sabi niya dahilan para mapangiti ako.
"Ang ganda naman kuya. Pero, anong meaning nun?" tanong ko.
"Desired Love," sabi niya. Napaisip tuloy ako kung gaano nga kabagay ang musika sa title nito. "Ang gusto kong ipahiwatig sa ritmo nito ay ang kagustuhan ng taong magmahal at mahalin. Kahit itanggi man natin ito, darating pa rin ang panahon na ikaw na mismo ang maghahanap ng pagmamahal," pagpapaliwanag niya pero napakunot lang yung noo ko. Hindi ko naman kasi maintindihan yung sinasabi niya.
"Perhaps, hindi mo pa naiintindihan yung mga sinasabi ko sa ngayon but someday, I know you will," sabi niya sakin sabay ngiti habang hinihimas ang buhok ko.
"Nakikinig ka pa ba?" Biglaang tanong sakin ni Kent dahilan para matauhan ako. Tulala na naman siguro ako.
"H-ha?" Tanong ko naman. Napagtanto ko nalang na magkatabi pala kami ngayon sa upuan kaharap ang piano. Hiniling ko sa kaniya kanina na tugtugin ulit ang Amore Desiderato pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Our Theory of 11:11
Novela JuvenilChristine Del Rosario's current goal in life is to study in a top university abroad. It wasn't that hard for a smart and straight-A student like her. Pero simula no'ng dumating ang mayabang at out-of-the-world kung mag-isip na si Kent Cruz, do'n na...