Chapter 15

272 60 35
                                    

CHRISTINE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHRISTINE

Hindi ako mapakali ngayon habang sinasagutan ang bawat item ng exam ngayon. Hindi dahil mahirap ito kundi dahil nag-aalala ako ngayon kay Kent. Sigurado akong nahihirapan siya ngayon sa mga questions. Pano na yung magiging score ko nito? Hindi pa naman siya nakapagreview dahil nilagnat siya kagabi.

Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay lunch break na. Out of 9 subjects ay natapos na ang limang subjects. Ibig sabihin, may 4 pa kaming exams na dapat tapusin. Mabilis akong pumunta sa cafeteria para hanapin si Kent pero bigo akong makita ang sarili kong katawan kaya agad ko siyang tinext kong asan siya.

Wer r u right now? - Message sent to Most_annoying_person, 11:47AM

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin akong reply na natanggap mula sa kaniya. Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero cannot be reached naman ito. Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot sina Ethan at Augustus.

"Oy pare, kumusta yung exam? Mukhang relax na relax lang yung mukha mo kanina ah," sabi ni Augustus at inakbayan ako.

"Dati kasi, napunit pa ni nung examiner yung papel mo kasi halatang halatang palingon lingon ka sa mga papel ng tabi mo," sabi naman ni Ethan at sabay naman silang tumawa.

Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa mga pinagsasabi nila. W-what if nag attempt si Kent na mangopya ngayon? Baka napahiya na ako ngayon at napunit pa yung papel ko!

Kumakain na kami ngayong tatlo pero tahimik lang talaga ako. Kent is nowhere to be found in the cafeteria. San kaya siya ngayon nagpunta? Kinuha ko ang cellphone ko at akmang itetext sana ulit si Kent pero biglang sumingit si Ethan.

"Bago yang cellphone mo?" Tanong niya dahilan para magulat ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na nagpalit kami ng phone ni Kent diba? Kasi ako nga si Kent ngayon, hays.

"Ah, oo. Nabili ko nung Lunes," rason ko nalang. Napatango tango naman sila at mukhang naniwala sa palusot ko.

Lumipas na ang isang oras at iilang minuto nalang ay mag-aala una na pero wala pa ring reply si Kent sa mga messages ko. Sinubukan ko na rin siyang hanapin sa school park at dun sa bench malapit sa main hall pero wala talaga siya. Balak ko lang kasi siyang bigyan ng key points sa mga maaring lumabas sa exam.

Wala na akong nagawa pa kundi pumasok nalang muli sa classroom. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang second batch ng exams.

Kahit papaano ay nakapagfocus naman ako sa mga test questions. Hindi ko lang talaga maiwasan ang kabahan ngayon. It's not that I don't trust Kent pero alam ko naman kasi yung kahinaan niya. Okay pa sana kung nakapagreview siya kagabi pero hindi eh. Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ang fact na baka bagsak ako ngayon.

Ano nalang kaya ang sasabihin ko kina mom and dad pagnalaman na nila ang grades ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na yung anak nila ay dumaranas ngayon ng isang pambihirang soul switch.

Alas kwatro palang ay tapos na ang exams kaya may isang oras para sa checking. Hindi ko pa rin maalis alis yung kabang nararamdaman ko ngayon para sa score ko. Paano nga kung bagsak talaga ako?

"K-kent, pare! Nag-iba ka na talaga! Halos perfect lahat yung score mo," sabi ni Ethan. Tapos na pala kaming magchecking. Siguradong tapos na rin magchecking ngayon ang first section.

"Tara, gala tayo mamaya. Magcelebrate tayo," tugon naman ni Augustus pero hindi ko na siya pinansin pa at agad na akong tumayo para lumabas. Kailangan kong malaman ang score ko.

Paulit ulit pa nila akong tinawag pero hindi na ako lumingon pa. Diretso lang ang pagtakbo ko papunta sa classroom ng first section pero napatigil ako ng makita ko si Bea na ngayon ay may inaayos sa locker niya.

"Bea, nakita mo si Kent?" Tanong ko. Mukhang nalilito ata siya sa sinabi ko.

"S-sino?" Sabi naman niya.

Napakamot nalang ako sa batok ko ng mapagtanto ang dahilan kong bakit siya nalilito.

"Este si Christine. Nakita mo ba siya?" Tanong ko.

"Nasa library siya ngayon eh," sagot niya.

"B-bakit? Anong ginagawa niya sa library?" Tanong ko naman.

"Actually hindi ko nga rin alam eh. Ibang iba talaga si Christine ngayon. Kaninang lunch break, kumain lang siya ng apple tapos panay na yung pagrereview niya sa library. Hindi naman nagrereview si Christine eh pero nakakakuha pa rin siya ng high scores. Pero nung nagchecking kami a while ago, hindi na ganon kataas yung score niya. Fortunately, pasado naman lahat ng exams niya pero mukhang dismayado siya dun kaya bumalik siya sa library just now. Mukhang may gusto ata siyang iclarify sa book," pagpapaliwanag ni Bea dahilan para maiyak ako sa mga narinig ko mula sa kaniya.

Hindi na ako nagpaalam pa sa kaniya at mabilis na akong tumakbo papuntang library. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha na para bang naguiguilty ako ngayon sa mga inisip ko tungkol kay Kent a while ago. Hindi naman ako nabigo dahil pagkapasok ko palang sa library ay siya na ang una kong nakita. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya dahilan para magkapalit kami ng katawan. Bakas naman sa mukha niya ngayon na mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagsulpot.

"Christine," tawag niya sa pangalan ng patanong. Mukhang naguguluhan pa rin siya kung bakit ako nandito ngayon.

Nakaupo ang posisyon ko ngayon dahil nakaupo siya kanina kaya agad akong tumayo at hinarap siya.

"Christine," tawag niya muli sa pangalan ko pero nanatili akong tahimik. Ngayon ay hindi na patanong ang kaniyang tono. "I'm sorry," dagdag niya dahilan para ako naman ngayon ang maguluhan.

Bakit siya humihingi ng sorry? Kung tutuusin, ako pa nga ang dapat magsorry sa kaniya kasi pinagiisipan ko siya ng masama kanina.

"I'm sorry kasi hindi ko naabot yung scores na dapat kong abutin. Akala ko naintindihan ko na yung mga lessons nung pumunta ako dito kanina pero hindi! Hindi!" Tugon niya at ngayon ay pansin kong unti unti ng namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Akala ko, makakakuha ako ng mataas na marka para sayo pero---," hindi na niya natapos ang sinabi niya kasi bigla ko na siyang niyakap. Dinig ko ngayon ang paghikbi niya mula sa aking likuran.

"Shh," pagtahan ko sa kaniya pero mas lalo lamang lumakas ang kaniyang paghikbi. Hindi ko akalaing may ganito rin palang side si Kent. Hindi ko akalaing ang Kent na mapang asar at mapagbiro ay may weak side rin pala. Niyakap ko pa siya ng mahigpit dahilan para madama ko ngayon ang tibok ng kaniyang puso.

"Thank you," panimula ko. "Thank you kasi you did your best for me," yun na lamang ang nasabi ko.

Dapat hindi ko jinudge si Kent in the first place. Dapat pinagkatiwalaan ko pa siya katulad ng pagtitiwala niya sakin sa nalalapit niyang performance.

Sa sitwasyon naming ito kung saan nakaasa kami sa isa't isa, kahit hindi pa kami masyadong magkakilala, tiwala ang dapat naming ipairal. Tiwala na siyang mas lalong magpapalakas ng aming loob para magawa ang mga bagay na inatas rin namin sa isa't isa.

At dahil sa ginawa ngayon ni Kent, mas lalo niya lamang akong napahanga.

Oo Kent Cruz. Alam kong mapang asar ka. Alam kong nakakainis ka. Pero, hindi ko rin maitatanggi, sa maikling panahon na magkasama tayo, nagugustuhan na rin kita.

-

A/N: Ito na po ang last update ko para sa week na ito! Next week na naman po ang susunod na update! Maraming salamat po sa pagbabasa!

Vote!

Comment!

Share!

- IamManuelll


Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon