Chapter 27

223 38 5
                                    

KENT

Labis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.

Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal.

"Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko kung bakit," dagdag pa niya.

Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi niya. Hindi kaya ipinagpatuloy nila yung imbestigasyon sa pagkamatay ng kuya ni Christine?

"Alam mo ba kung bakit sila nandun?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ah h-hindi eh," pautal utal ko namang sagot.

Sa totoo lang, gusto ko nang sabihin kay Christine yung tunkgol sa pagkamatay ng kuya niya kaso naroroon din ang pangangamba ko na baka masaktan lang siya pagnalaman niya yun.

"T-teka, gusto mo bang samahan na muna kita jan? Delikadong ikaw lang mag-isa sa bahay niyo," pag-iiba ko sa usapan kaso napasingkit lang yung mata niya.

"Teka? Are you out of your mind? Baka nakakalimutan mong super sanay na ako na tumira sa bahay mag-isa," sabi niya kaya sabay nalang kaming napatawa.

Haha, oo nga pala!

"And besides, ayan oh hinihintay ka ni manong. Nakakahiya naman," dagdag niya pa sabay turo dun sa sinakyan naming taxi na nakapark sa tabi ng gate.

Tsk, sinabi ko nga palang hintayin na lang ako kasi sasakay din naman ako pabalik sa bahay.

"Oh sige, text mo nalang ako pag-nakauwi na sina mommy este yung mommy at daddy mo," sabi ko at kumaway na kaniya.

Agad naman siyang pumasok at nung nakita kong nakapasok na siya ay agad na rin akong bumalik sa taxi.

Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad na akong umakyat sa kwarto pero bago pa man ako tuluyang makaakyat ay natanaw ko sina dad at Kuya Kyle na nag-uusap sa opisina.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-uudyok sa akin na pumunta roon.

Kaagad akong pumunta sa likod ng malaking cabinet sa may pintuan at minabuti kong doon magtago para makinig sa pinag-uusapan nila.

Wala namang rason para pagdudahan ko sila ng kung ano ano pero curious lang talaga ako kung bakit parati nalang silang nag-uusap sa sikreto nitong mga huling araw simula nung naka-uwi si daddy.

Hindi kaya si Kuya Kyle na ang magmamana ng lahat ng mga assets ni dad?

"Dad, masyado na silang maraming ebidensya. Naretrieve na nila yung CCTV footage dun sa street na yun na naitago natin dati. May dalawa na ring witness na nagtestigo. Sila yung nakakita mismo ng pangyayari," mabilis na tugon ni Kuya Kyle dahilan para mapakunot yung noo ko.

Anong ebidensya?

"Ibook mo ako ng flight bukas. Pupunta muna akong Switzerland," bulong ni dad pero sapat na ang lakas nun para marinig ko. Kaso medyo humina na ng konti yung boses ni dad kaya minabuti kong humakbang pa malapit dun sa maliit na mesa sa gilid ng cabinet.

Our Theory of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon